Ang Paghuhukom sa Islam

Ang Panimula

Ito ay isang independiyenteng administratibong pamamaraan sa isang Islamikong pamahalaan. Ito ay itinatag upang lutasin ang lahat ng uri ng legal na hidwaan mula sa mga mamamayan. Ang Islam ay isang pamamaraan na binigyang katiyakan ang mga magkakaugnay na karapatan ng mamamayan. Binigyang katiyakan din ng pamamaraan ng Islam ang pagkakaroon ng ganap na pagpapatupad ng katarungan. Pigilin ang pang-aabuso at parusahan ang nang-aabuso o nang-aapi. Ang Islamikong Pamamaraang ito ay sumusunod batay sa Kautusan ng Allah ( y) at batay rin sa Sunnah ng Sugo ng Allah ( s)Mayroong mga itinakdang batayan para sa pagsasakatuparan ng anumang kalagayan sa Islamikong Paghuhukom. Ang mga sumusunod ay maikling pananaw para sa pangangailangan ng isang matibay na batayan:

Ang isang muslim na naghahangad na maging Tagapaghukom ay nararapat na nasa tamang gulang, tamang pag-iisip at may kakayahang ipatupad ang batas.

Siya ay nararapat na may sapat na karunungan at kalusugan upang balikatin niya ang mga tungkulin at pananagutang nakaugnay sa kanyang katungkulan.

Siya ay nararapat na maalam at marunong tungkol sa Batas ng Shariah at maging ang mga pinahihintulutan o ipinagbabawal. Siya ay nararapat na may kakayahang bigyang kaibahan kung ano ang bawal at kung ano ang pinahihintulutan. Siya ay nararapat na may kakayahang maunawaan at magbigay ng mga kapasiyahan tungkol sa mga makamundong paksa at maging sa relihiyong aspeto ng paghuhukom.

Siya ay nararapat na isang marangal na mamamayan, matapat at mayroong magandang pag-uugali, asal at makadiyos at magalang. Hindi siya dapat nagkaroon ng anumang masamang reputasyon. Siya ay taong matuwid at makatarungan upang ang kanyang paghuhukom at paglilitis ay ganap na tanggapin ng magkabilang panig na nasasangkot sa hidwaan.

Higit pa rito, bawat mamamayan sa Islamikong Lipunan, anuman ang kanyang relihiyon, katayuan sa lipunan ay nararapat na nakukuha niya ang mga karapatan. Ang mga sumusunod ay mga karapatan:

Ang karapatang humingi ng katarungan laban sa pang-aabuso o pang- aapi. Ang isang mamamayan ay may karapatang magsampa ng anumang kaso laban sa mga nang-aabuso sa kanya.

Ang dalawang nag-aaway; ang nagsampa ng karaingan at ang sinampahan ng karaingan ay mayroong kapwa pantay na karapatan sa pagdulog sa kaso. Ito ay batay sa sinabi ng Sugo ng Allah ( s): “Sinoman ang binigyan ng pagsubok dito sa buhay bilang isang hukom para sa mga Muslim, siya ay nararapat na maging makatarungan at pantay sa pagbibigay husga.”

Karagdagan pa nito, ayon sa isang Hadith ng Sugo ng Allah ( s), si Ali ay nagbigay payo ng siya ay itinalaga bilang hukom. “Katiyakan, papatnubayan ang iyong puso at patitibayin ang iyong dila (sa katotohanan). Kapag ang akusado at ang nag-akusa ay kapwa nakaupo sa iyo, huwag kang magbibigay ng paghuhusga sa isa hanggang hindi mo naririnig ang pahayag ng kabila katulad ng pagkakarinig mo sa una.” (Hadith Abu Dawud)

Ayon sa Islam, bawat isa ay itinuturing na walang kasalanan hanggang mapatunayan ang pagkakasala. Ito ay batay sa isang Hadith ng Sugo ng Allah ( s): “Kung ang mga tao ay binigyan ng paghuhusga batay sa kanilang sariling pagpapahayag (at sariling pananalita), inyong matatagpuan na ang mga tao ay magpapahayag na ang iba ay pinatay (ang kanilang kamag-anak) o inari ang kanilang kayamanan, Magkagayon ang nasasakdal ay nararapat na magbigay ng panunumpa.” (Hadtih Bukhari at Muslim)

Si Baihaqi ay nagbigay salaysay na,
“Ang ebidensiya ay dapat na ibigay ng naghahabla at ang panunumpa ay dapat ibigay ng nasasakdal.”

Ipinagkakaloob ng Islam ang karapatan ng isang taong pinaghihinalaan. Ang pagbibintang o akusasyong batay sa hinala lamang ay hindi makapipigil upang hindi ipagkaloob sa pinaghihinalaan ang kanyang karapatan. Ang pinaghihinalaan ay hindi dapat puwersahin laban sa kanyang kalooban na magsalita, gawin o kumilos sa anumang paraan. Ang suspek ay hindi dapat saktan sa anumang dahilan. At hindi rin siya dapat isailalim sa anumang pananakit o pagmamalupit upang puwersahan niyang ipagkaloob ang pag-amin sa kasalanan. Ito ay batay sa Hadith ng Sugo ng Allah ( s): “Ang Allah ay nagpahayag (ng pagpapatawad) sa mga sumusunod na bagay sa pamayanang Muslim (sila ay walang pananagutan): pagkakamali, pagkalimot at ang sapilitang ipinagagawa (laban sa kanilang kalooban).” (Hadith Ibn Majah)

Isinalaysay pa ng ikalawang Khalifa, si Omar Ibn Khattab ay nagsabi: “Kung ang isang pinaghinalaan ay iyong ginutom, tinakot at ikinulong, huwag mong asahan na siya ay ligtas at hindi umamin laban sa kanyang kaluluwa.” (Ang salitang ito ay isinalaysay ni Abu Yusuf sa kanyang aklat na Al Kharaj.)

Pinaninindigan ng Islam ang pansariling pananagutan. Ang ibig sabihin ay walang sinoman ang dapat papanagutin sa kasalanan ng iba. Ang parusa ay nararapat na ibigay lamang sa isang nagkasalang tao. Walang kaugnayan ang pamilya nito sa anumang parusa o multa (penalty) sa paghusga. Ito ay ayon sa Banal na Qur’an na nagpahayag ng: “Sinoman ang nagsikhay ng kabutihan, ito ay upang sa kapakinabangan ng kanyang sariling kaluluwa; at sinoman ang nagsikhay ng kasamaan, ito ay laban sa kanyang sariling kaluluwa: at ang iyong Panginoon ay hindi kailanman naging di-makatarungan sa Kanyang mga alipin.” (Quran 41:46)

Karagdagan pa nito, batay sa isang Hadith ng Sugo ng Allah ( s): “Walang sinoman ang dapat magpasan ng kamalian ng kanyang kapatid o ng kanyang ama.” (Hadith Nasaiee)

Nagbibigay ng mga itinakdang alituntunin para sa kilos at gawa ng mga hukom na dapat sundin. Ang isang liham ng pangalawang Khalifa, si Omar bin Khattab sa kanyang napiling mga hukom ay nagbigay ito ng isang alituntunin. Ang liham ay naglalaman ng ganito:
Mula sa pangalawang Khalifa, Omar bin Khattab , ang alipin ng Allah, para kay Abdullah Bin Qais. Kapayapaan sa iyo. Ang pagbibigay ng mga paghuhukom sa mga taong may hidwaan ay isang malinaw na tungkulin na dapat sundin at ipatupad na maayos. Dapat mong pilitin na unawain ang mga taong iyong kaharap. At dapat mo ring mapag-isipan na walang sinoman ang magkakaroon ng kabutihan mula sa karapatan na hindi maayos na ipinatupad. Magbigay ng pantay na pananaw sa mga taong nasa ilalim ng iyong paglilitis upang ang isang maimpluwensiyang tao ay huwag makapag-isip ng anupaman nang dahil sa kanyang kalagayan. Higit sa lahat, ang isang mahinang tao ay hindi manlumo (sa pagkuha) ng katarungan sa iyong hukuman. Ang nasasakdal ay dapat magbigay ng patunay (ebidensiya). Ang nagsampa ng karaingan ay dapat manumpa kung itanggi at itakwil ang karaingan ng isinakdal. Ang mga taong may hidwaan ay maaaring pumasok sa kompromiso sa isa’t isa. Ngunit, walang kompromiso na dapat tanggapin kung ito ay magsisilbing daan upang ang ipinagbabawal ay maging isang pinahihintulutan. Kung ikaw ay magbibigay ng paghuhukom sa isang araw, ngunit sa pagsusuri mo sa sumunod na araw, iyong natagpuan na ikaw ay nagkamali at ang tamang paghuhukom ay hindi yaon ang naipahayag noong una, samakatuwid ay dapat buksang muli ang kaso at ibigay ang tamang paghuhukom. Dapat mong malaman na ang pagbabalik sa tamang paghuhukom at paglilitis ay higit na maganda kaysa pumasok ng malalim sa kasinungalingan. Dapat mong maunawaan na ang nakalilitong bagay ay walang katibayan mula sa banal na Qur’an at mula sa Sunnah ng Sugo ng Allah. Pilitin mong pag-aralan ang mga magkakahawig na mga paglilitis, at paghuhukom at pagkaraan ay magbigay ng masusing pag-aaral kalakip ng mga kaalamang iyong makuha. Pilitin mong piliin ang isang bagay na kalugod-lugod sa Allah at yaong pinakamalapit sa katotohanan. Magbigay ng pagkakataon sa isang nasasakdal sa pamamagitan ng pagtakda ng panahon upang patunayan ito. Kung ang nasasakdal ay nagbigay ng patunay, ayusin ang kaso sa kanyang panig. At kung wala naman, magbigay hukom laban sa kanyang kaso. Dapat mo ring malaman na lahat ng muslim ay mapagkakatiwalaan sa larangan ng pagpapahayag maliban sa isang taong hinagupit nang dahil sa mga nakahihiyang gawain sa Islamikong Lipunan o ang isang tao na kilala sa pagbibigay ng pahayag na may lakip ng kasinungalingan o ang isang taong kamag-anak ng nasasakdal. Dapat mo ring malaman na ang Allah ay pinangangalagaan Niya ang lahat ng tagong lihim ng tao at tinutulungan ka Niya sa paghuhukom sa pamamagitan ng mga inihandang patunay o ebidensiya. Karagdagan pa nito, huwag kang mag-alala at maging maluwag ka sa mga taong may hidwaan sa isat isa sapagkat ginagantimpalaan ng Allah ang matiisin at nasisiyahan sa ibinunga nitong paghuhukom. Dapat mo ring malaman na kung ang isang tao ay mayroong tapat na ugnayan sa Allah, katiyakang pauunlarin ng Allah ang ugnayan ng tao sa lipunan.” (Hadith Tirmidhi)

Hisbah, Accountability in Islam

Ang Hosbah, isang kusang-loob na pamamaraan upang itaguyod at ipatupad ang pananagutan sa ilalim ng Relihiyong Islam. Ang pangunahing layunin ng Hosbah ay upang magtatag ng shariah (Batas ng Islam) sa Islamikong lipunan. Ang Hosbah ay ginagamit ang lahat ng pamamaraan na maghikayat na paggawa ng kabutihan at magbawal naman ng mga kasamaan upang mabigyang kaukulang pagsunod sa Shariah (Batas ng Islam). Ang shariah ang siyang nagbibigay disiplina sa mga taong hayagang gumagawa ng mga nakahihiyang bagay, mga imoralidad na gawain at iba pa. Karagdagan pa nito, ang mga taong naglilingkod sa ilalim ng Hosbah ay kanilang minamanmanan ang mga ipinagbabawal na gawain katulad ng pandaraya, pamimili at pagtitinda ng mga bagay na masama. Binigyang pansin din ng Hosbah ang pagkasira ng mga pampublikong gamit (mga daan, patubigan, pagamutan, tulay, paaralan) upang muli nitong ipagawa at ayusin para sa kapakinabangan ng lipunan at maiwasan ang anumang kapahamakan na maaaring kaharapin ng tao. Ang lahat ng kusang pagtataguyod ng Hosbah ay batay sa Kautusan ng Allah ( y) mula sa Banal na Qur’an: “Kayo ang pinakamabuting tao na lumitaw sa Sangkatauhan, naghihikayat kung ano ang matuwid, (at) nagbabawal kung ano ang masama, at nananampalataya (sumasamba lamang) sa Allah ...” (Qur’an 3:110)

Ang Hosbah ay nagpapahiwatig din ng takot sa parusang matatamo mula sa Allah ( y). Ito ay batay rin sa babalang ipinahayag ng Banal na Qur’an: “Ang mga sumpa ay ipinahayag sa mga tao mula sa mga Angkan ng Israel na nagtakwil ng Pananampalataya, sa pamamagitan ng dila ni David at ni Hesus, ang anak ni Maria, sapagkat sila ay sumuway (sa kautusan) at patuloy sa pagmamalabis. Sila ay hindi nagbawal sa di makatarungang gawain ng iba sa kanila. Tunay na masama ang kanilang mga gawa.” (Qur’an 5:78-79)

Bawat tao sa ilalim ng Islamikong Lipunan ay dapat na magkaroon ng kaukulang tungkuling dapat gampanan sa Hosbah, nag-aanyaya sa paggawa ng mga mabubuting gawain at nagbabawal naman kung ano ang ikasasama ng tao. Ang tungkuling nakaatang sa balikat ng sinuman ay batay naman sa kakayahan at katayuan nito. Ayon sa Hadith ng Sugo ng Allah ( s): “Sinoman ang nakakita ng di kaaya-ayang gawain (immoral) na isinasagawa (sa Islamikong Lipunan) ay nararapat na baguhin ito (ituwid ito) sa pamamagitan ng sarili niyang kamay. Kung ito ay hindi niya magawa, hayaang gawin niya ito sa pamamagitan ng kanyang dila (pagpayuhan ang taong gumawa nito sa paraang mahinusay). (At sa huli) kung hindi niya ito magawa, hayaang kamuhian niya ang gawaing ito mula sa kanyang puso. Ito ang pinakamababang antas ng Iman (pananampalataya).” (Muslim)


Magkagayunman, ang pagtutuwid ng isang kamalian ay maaaring bigyang hangganan kung ang ibubunga nito ay magdudulot ng higit pang kasamaan.

Ang Relihiyong Islam, na ipinahayag kay Propeta Muhammad ( s) ay nagbibigay liwanag sa makataong karapatan batay sa Hadith na isinalaysay na may ganitong aral: “Katotohanan, ang inyong dugo, ang inyong yaman at ng lahat ng inyong pinangangalagaang bagay ay ipinagbabawal sa bawat isa. Lahat ng mga ito ay banal katulad ng dakilang araw na ito, sa dakilang buwan na ito at sa dakilang pook na ito.” (Bukhari)
Lahat ng karapatan ng tao ay naipahayag at nakatala dito sa (Farewell Pilgrimage Speech) Huling Pananalita ng Sugo ng Allah ( s) bago siya pumanaw. Ang Islam, sa kabuuan nito, ay nagtatag ng lahat ng batas at alituntunin upang mapanatili ang karapatan ng tao at pangalagaan ito sa lahat ng pagkakataon. Ito ay nagbibigay babala rin ng malaking kaparusahan sa mga taong sumusuway.

Ang sumusunod na paksa ay humahalaw tungkol sa “Declaration of Human Rights” na tinalakay sa isang pagpupulungan na ginanap sa lungsod ng Cairo (Egypt). Mahalagang isaalang-alang na ang mga nakatalang mga karapatan ng tao sa Deklarasyong ito ay pawang mga pamantayan (guidelines) at pangkalahatang alituntuinin (general rules) lamang. Ang mga karapatan ng tao, ayon sa Islam, ay magkakaugnay sa isa’t isa katulad ng isang tanikala na matatag na kumakawing sa bawat isa. Ang pangkalahatang prinsipiyo o simulain at mga alituntuning nakaugnay sa bawat karapatan ng tao sa Relihiyong Islam ay nahahati sa ibang uri o pangkat. Kaalinsunod nito, ang mga mabababang uri o pangkat nito ay nahahati rin sa iba pang kasunod na pangkat. Ito ay nangangailangan ng mahabang pagpapaliwanag kung nais nating talakayin ang mga ito sa detalyadong pagsusuri. Samakatuwid, atin lamang bibigyan ang mga ito na mga pahapyaw na paliwanag. Para sa karagdagang pagsusuri, ang isang mambabasa ay maaaring magsikhay ng mga kaalaman mula sa mga aklat tungkol sa Karapatan ng Tao. Higit na magandang sabihin na, “Ang Islam ay ipinagkaloob ng Allah ( y) upang panatilihin ang lahat ng karapatan ng tao at gawing panatag at masaya ang pamumuhay ng sangkatauhan dito sa mundo maging sa kabilang buhay.

Ang Islamikong Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao

Ang Makapangyarihang Allah ay nagpahayag mula sa Banal na Qur’an: “O Sangkatauhan! Nilikha Namin kayo mula sa isang pares ng lalaki at babae, at ginawa Namin kayo na maraming bansa at mga tribo upang magkakila-kilala ang bawat isa sa inyo (at hindi upang hamakin ang bawat isa). Katotohanan ang pinakamarangal sa inyo sa paningin ng Allah ay yaong sumasampalataya na may Taqwa (ang may takot sa Allah at gumagawa ng lahat ng uri ng kabutihan na ipinag-uutos sa kanya). Katotohanan ang Allah ay tigib ng Kaalaman at lubos na Nakababatid sa lahat ng bagay.” (Qur’an: 49:13)

Ang mga kasaping bansa ng “Islamic Congress Organization”, sa pagkakaroon ng pananalig sa Allah, ang Tagapaglikha ng lahat ng nilikha, ang Tagapagbigay ng lahat ng Kabuhayan, Siya na lumikha sa tao sa pinakamagandang ayos at anyo at binigyang karangalan sa pamamagitan ng pagtatakda sa kanya bilang Kanyang Khalifa (tagapamahala sa lupa). Pinagkatiwala sa tao ang pananatili, pagpapaunlad ng lupang inihanda para sa kanya. At upang makatupad ang tao sa pagpapaunlad ng daigdig, ipinagkaloob sa kanya ang mga Banal na Kautusan at Tungkulin at gamitin ang lahat ng bagay dito sa mundo upang kanyang magampanan ang pananagutang iniatang sa kanya.


Ang paniniwala at pagsunod sa mensahe ni Propeta Muhammad ( s)na siyang pinili ng Allah ( y) na may dalang patnubay at Tunay na Relihiyon (Tamang Pamamaraan ng Buhay) sumasagisag bilang Awa sa Sangkatauhan. Siya ang tagapagpalaya ng lahat ng alipin, ang Tagapagsira ng mga mapang-abuso at mapang-aping tao sa mundong ito. Ang Sugo ng Allah ( s) ay tunay na nagpahayag ng isang makatarungang Batas sa lahat ng uri ng tao. Walang pagkakaiba ang bawat tao maliban lamang sa antas ng kabutihan (o kabanalan). Ang Sugo ng Allah ( s) ay ganap na pinawalang saysay ang lahat ng uri ng (diskriminasyon) pagkakaiba na namamagitan sa mga tao na nilikha ng Allah ( y) mula sa iisang kaluluwa.

Batay sa wagas na pananampalataya sa Nag-iisang Diyos- (Ang Allah) na siyang haligi ng Islam, ang lahat ng tao ay tinatawagan at inaanyayahan na sambahin ang Nag-iisang Diyos, na huwag magbigay ng anumang katambal sa pagsamba sa Kanya bilang Nag-iisang Diyos at huwag magtayo ng anumang bagay na sasambahin bukod sa Allah ( y). Itong pananampalatayang ito ang siyang tumatayong moog para sa Kalayaan at Dangal ng tao at siya ring nagpahayag sa kalayaan ng tao mula sa pagkakaalipin at pagkakagapos nito sa kapwa niya tao.

Bukod pa rito, ang Shariah (Islamikong batas) ay nagsilbing daan para sa pananatili ng wagas na pananampalataya, malinis na kaluluwa, kaisipan, karangalan, at mabuting lahi ng sangkatauhan. At batay sa malawak at katamtamang pamamaraan ng pagpapatupad ng alituntunin, mungkahi, paghuhusga at paglalapat ng parusa ng Shariah, na kung saan ang kaluluwa, damdamin, kaisipan, katuwiran ay iginagalang at pinararangalan.

Upang bigyang-diin ang kahalagahan ng kultura at kasaysayang pananagutan ng pamayanang Muslim, ang mga bansa ay gumanap sa mahabang kasaysayan ng tao sa mundong ito, sapagkat ang Allah ( y)ay itinakda ang pamayanang Muslim (Ummah) bilang pinakamabuti sa lahat ng mamamayan. Itinakda Niya ang Sangkatauhan bilang tagapagmana ng isang pamayanang pantay, matatag at pangkalahatang kabihasnan at kultura na umuugnay sa buhay sa mundo at maging sa kabilang buhay. Ang Pamana ng Pamayanang Muslim (Ummah) ay tumutugma at umaalinsunod sa larangan ng Agham (Science) at Relihiyon (Pananampalataya). Sa ngayong makabagong panahon, ang pamayanang Muslim ay gumaganap din bilang tagapatnubay sa mga naliligaw ng landas. Ang ibang tao ay naliligaw dahil na rin sa agos at takbo ng nagpapaligsahang anyo ng materyalistikong pamumuhay.

Sa pagkilala sa makataong pagpupunyaging nakaugnay sa karapatan ng tao na nagpapangalaga sa kanya laban sa masamang pakikisalamuha, ang mga paglabag o pagsuway at pang-aabuso at may layong bigyang pansin ang kalayaan ng tao at ang karapatan nito para sa isang kaaya-aya at marangal na pamumuhay at maaliwalas na kalagayan, ito ay nararapat na umaalinsunod at umaayon sa Islamikong Shariah.

Sa kabila ng naglalakihang kaunlaran ng sangkatauhan sa larangan ng pangmateryal na pamumuhay, inilarawan pa rin namin ang isang dakilang pangangailangan para sa ispirituwal na kaunlaran batay sa pananampalataya upang higit na bigyang katatagan o pangangalaga ang lahat ng natamong kaunlaran sa nagbabagong aspeto ng kabihasnan. Ito ay isang pangangailangan upang mapangalagaan ang bawat karapatan ng tao sa kanyang lipunan.

Kami ay naniniwala (at nananalig), na ayon sa aral ng Islam, na ang pangunahing (basic) karapatan at pampublikong kalayaan ay malaking bahagi ng Islamikong Paniniwala at Pananampalataya. Walang sinoman ang makapipigil ng mga ito, maging isa man sa mga ito o ang kabuuan nito. At kami rin ay naniniwala na sinoman ay walang karapatan na suwayin o sirain o talikdan ang mga bagay na ito. Ang mga karapatang ito ay mga banal at maka-diyos. Ito ay ipinahayag mula sa mga Propeta ng Diyos sa lahat ng mga Banal na Kasulatan o Kapahayagan. Katotohanan nito, sinugo ng Allah ( y) si Propeta Muhammad ( s)bilang Huling Propeta sa sangkatauhan na binigyang ganap ang lahat ng mensahe ng mga naunang Propeta at Sugo. Ang mensahe ng lahat ng Propeta ay binubuo ng mga kaukulang karapatan ng tao at ang bawat karapatan nito ay isinasaalang-alang bilang mga uri ng pagsamba. Ang pagsasawalang bahala o pagtalikod sa mga karapatang ito ay isang kasalanan ayon sa aral ng Islam. Ang pamayanang Islam ay may pananagutan sa lahat ng mga karapatang ito.

Batay sa nabanggit sa itaas, ang mga kasaping bansa ng “Islamic Congress Organization” ay nagpahayag ng mga sumusunod:

  • Haligi Bilang 1

    • Ang buong sangkatauhan ay binubuo ng isang malaking angkan. Sila ay nagkakaisa sa ilalim ng bandila na nagsasaad na lahat ng tao ay alipin ng Nag-iisang Allah ( y) at sila ay mga anak ni Adan. Ang lahat ng tao ay pantay-pantay sa makataong dangal at puri. Ang lahat ng tao ay pantay-pantay sa larangan ng pananagutan. Walang lahi, kulay, wika, kasarian,pananampalataya, politikong pangkat, kalagayan sa lipunan ang maaaring magbigay pagtatangi o kaibahan kaninuman. Ang tunay at makatuwirang paniniwala ang siyang tanging katiyakan upang makamtan ang kaunlaran ng makataong dangal sa makataong pakikisalamuha.
    • Lahat ng tao ay tumatayo bilang pamilya ng Diyos. Ang isang natatangi ay yaong siyang pinakamabuti sa lahat. Walang pagtatangi sa isa’t isa maliban sa kabanalan at gawaing mabuti.
  • Haligi Bilang 2

    • Ang buhay ay isang handog ng Allah ( y) Ito ay pagpapala sa bawat tao. Lahat ng kasapi ng isang lipunan, at lahat ng bansa at bayan ay nararapat na pangalagaan ang karapatang ito laban sa lahat ng uri ng pang-aapi o panghahamak. Walang buhay ang maaaring kitlin malibang ito ay may lakip ng kaukulang lapat ng batas.
    • Hindi makatarungan na gumamit ng anumang bagay o pamamaraan upang lipulin ang lahi ng sangkatuhan.
    • Ang pananatili at pangangalaga ng buhay ng tao ay (Batas) Shariah, pananagutan (at) tungkulin.
    • Ang kasarinlan ng tao ay dapat igalang. Walang sinoman ang may karapatang lupigin ang kasarinlan nito. Ang pamahalaan ay nararapat na pangalagaan ang karapatang ito.
  • Haligi Bilang 3

    • Habang ginagamit ang lakas, o sa panahon ng pakikipagdigma, hindi makatarungang kitlin ang buhay ng mga nasasangkot sa patayan. Ang mga matatanda, mga babae, bata, may sugat at maysakit ay may karapatang gamutin. Ang mga nadakip na kalaban ay may karapatang pakainin, bihisan at bigyang tirahan. Ipinagbabawal ang putul-putulin ang mga biktima ng digmaan. Ang mga bilanggo ng digmaan sa magkabilang panig ay dapat na magpalitan. Ang mga pamilya na nagkahiwa-hiwalay ay may karapatang magsamang muli.
    • Ipinagbabawal ang putulin ang mga punong kahoy, sirain ang mga pananim o mga hayupan, sirain ang mga gusali at pampublikong gamit ng mga kaaway.
  • Haligi Bilang 4

    • Bawat tao ay may karapatan sa kanyang sariling dangal at pagkatao habang siya ay nabubuhay at maging sa kanyang kamatayan. Ang pamahalaan at maging ang lipunan ay nararapat na pangalagaan ang labi at libingan ng namatay.
  • Haligi Bilang 5

    • Ang pamilya ay isang pangunahing yunit ng isang lipunan. Ang pag-aasawa ang siyang batayan ng pagbuo o pagtayo ng isang pamilya. Ang lalaki at babae ay may karapatan para sa pag-aasawa. Walang pagbabawal ang dapat itakda upang pigilan sila sa pag-aasawa batay sa lahi, kulay o pinagmulan.
    • Ang pamahalaan at lipunan ay nararapat kumilos upang alisin ang pumipigil sa pag-aasawa ng sinoman. Higit sa lahat, sila ay nararapat magbigay pangangalaga para sa pamilya.
  • Haligi Bilang 6

    • Ang babae ay kapantay ng lalaki sa larangan ng dangal at tiwala. Siya ay may pantay na karapatan at pananagutan. Siya ay may karapatan para sa kanyang sariling katauhan, kalayaang pananalapi at may karapatang panatilihin ang kanyang pangalan at apelyido.
    • Ang lalaki ay nararapat na pangalagaan ang lahat ng pangangailangan ng kanyang pamilya at nararapat na ipagkaloob ang lahat ng kaukulang pagmamahal.
  • Haligi Bilang 7

    • Bawat isinilang na bata ay may karapatan sa kanyang mga magulang, lipunan at pamahalaan ng karampatang pag-aaruga, pagpapalaki, pangangalagang pangmateryal, pag-aaral at moral na pag- aasikaso. Ang sinapupunan at ang ina ay nararapat din bigyan ng natatanging pangangalaga.
    • Ang magulang at tagapangalaga (guardians) ay may karapatang piliin ang uri ng pagpapalaki na nais nila sa kanilang mga anak. Gayun pa man, ang kabutihan at kinabukasan ng mga bata ay dapat na isinasaalang-alang sa pananaw ng moral at prinsipiyo at aral ng Shariah.
    • Ang magulang ay may sariling karapatan sa kanyang mga anak. Ang mga kamag-anakan ay mayroon ding sariling karapatan sa kanilang mga sarili batay sa Batas at prinsipiyo ng Shariah.
  • Haligi Bilang 8

    • Bawat tao ay may ganap na karapatang isagawa o tuparin ang lahat ng gawain at tungkulin. Kung ang isang tao ay wala ng kakayahang isagawa ng ganap ang kanyang karapatan, ang isang Wali (tagapangalaga) ay dapat na itakda para sa kanya.
  • Haligi Bilang 9

    • Ang paghahanap o pagsisikhay ng kaalaman (edukasyon) ay isang tungkulin. Ang pagbibigay ng edukasyon ay isang pananagutan na nakaatang sa balikat ng lipunan at pamahalaan. Ang pamahalaan ay dapat na bigyang katiyakan ang paraan ng edukasyon at lahat ng uri ng gamit pang-edukasyon upang paglingkuran at bigyang kabutihan ang lahat ng kasapi ng lipunan. Ang edukasyon ay nararapat na may kakayahan matutuhan ng isang tao ang Islam bilang relihiyon at pamamaraan ng buhay, at ang lahat ng bagay na nakaugnay dito upang kanyang magamit ito sa materyalistikong kapakinabangan ng sangkatauhan.
    • Bawat tao ay may karapatan para sa lahat ng mga organisasyong pang kaalaman (educational organisation) tulad ng pamilya, paaralan, mataas na pamantasan at maging ang media. Ang mga samahang ito ay nararapat na mag-alay ng pagsasanay tungkol sa materyal at pangrelihiyong kaalaman sa paraang pantay at matatag upang ang katauhan at pag-uugali ng tao ay umunlad kaalinsabay ng pagpapatibay ng kanyang paniniwala sa Diyos na Maykapal (Ang Allah, ( y)). Gayon din naman, matutuhan nito ang tamang paggalang at pananagutan sa kanyang kapwa tao.
  • Haligi Bilang 10

    • Bawat tao ay nararapat sumunod sa likas na relihiyon. Samakatuwid, walang sinoman ang dapat pigilin o pilitin sa anumang bagay na laban sa kanyang kalooban o nais. Walang sinoman ang dapat magsamantala sa kahirapan, kahinaan o kamangmangan upang baguhin ang kanyang relihiyon o gawin itong walang paniniwala sa Diyos.
  • Haligi Bilang 11

    • Ang tao ay isinilang na malaya. Walang sinoman ang dapat umalipin sa kanya, hiyain, pagsamantalahan o alipustain siya. Walang pangaalipin maliban sa pagpapaalipin sa Allah, Ang Makapangyarihang Diyos ng lahat ng nilikha.
    • Lahat ng uri ng panlulupig ay ganap na ipinagbabawal (at pinatitigil). Ang panlulupig ay siyang pinakamasamang uri ng pagpapaalipin. Ang mga taong nasa kalagayan ng pagpapaalipin ay may karapatang bigyang laya ang sarili mula sa panlulupig. Ang ganitong uri ng tao ay may karapatang magsikhay ng sariling kapalaran. Lahat ng tao ay nararapat magkaisa sa pagtataguyod ng makatarungan at pantay na pakikibaka laban sa lahat ng uri ng panlulupig at pananakop. Lahat ng tao ay may karapatang panatilihin ang kanilang kalayaan at kasarinlan at maging ang kanilang pagkatao at sariling likas na yaman.
  • Haligi Bilang 12

    • Bawat tao ay may karapatang kumilos ng malaya sa pamamagitan ng pagpili kung saan nila nais mamuhay para sa kanilang mga sarili na sakop ng kanilang bansa at maging sa labas ng kanilang bansa. Subalit, kung ang isang tao ay hindi ligtas sa kanyang sariling bansa, siya ay may karapatang humingi ng pag-ampon (asylum) sa ibang bansa. Ang bansa na nagbigay ng pag-ampon (asylum) ay nararapat na pangalagaan ito maliban kung ang dahilan ng pag-ampon (asylum) ay nakaugnay sa krimen.
  • Haligi Bilang 13

    • Ang pamahalaan at ang lipunan ay nararapat bigyang katiyakan ang hanapbuhay ng bawat may kakayahang tao. Bawat tao ay nararapat madama ang kalayaang pumili ng pinakaangkop na gawain para sa kanyang kabutihan at maging sa kabutihan ng lipunan. Ang isang manggagawa ay nararapat na tamasahin ang kanyang karapatan sa paraang may kaligtasan at kapanatagan. Ang isang manggagawa ay hindi dapat ilagay sa gawaing hindi niya makayanang gawin at hindi rin dapat piliting gawin ang isang bagay laban sa kanyang kalooban. Siya ay hindi dapat saktan o pagsamantalahan. Ang lalaki at babaeng manggagawa ay may karapatan sa makatarungang sahod. Hindi dapat maantala ang pagpapasahod sa kanila. Siya ay dapat bigyan ng panahong makapagpahinga (vacation leave), mga gantimpalang pampasigla (incentives) at ibang uri ng kasiyahang pananalapi. Ang manggagawa ay nararapat namang ilaan ang kanyang katapatan sa mga gawaing iniatang sa kanya. Kung may di pagkakaunawaan sa pagitan ng manggagawa at tagapangasiwa, ang pamahalaan ay dapat na mamagitan upang maisaayos ang suliranin ng bawat isa, alisin ang pang-aabuso, gawing makatarungan at pilitin ang magkabilang panig na tanggapin ang pantay at makatarungang kapasiyahan nito ng walang pagkiling.
  • Haligi Bilang 14

    • Bawat tao ay may karapatan para sa isang malinis at makatarungang pagkakakitaan (income). Walang monopolisasyon ng anumang bagay, pandaraya, pananakit sa sarili o sa kapwa at pagpapatubo (interest). Katunayan, ang lahat ng kasamaang nabanggit ay pinagbabawal ng batas.
  • Haligi Bilang 15

    • Bawat tao ay may karapatan para sa sarili ng pagkakaroon ng ari- arian. Ang karapatang ito ay nararapat na hindi nakakasakit sa kaninuman maging sa kanyang sariling kaluluwa. Ang pansariling ari- arian ay hindi dapat alisin maliban lamang sa kapakanan ng lipunan at pantay na kapakinabangan ng bawat mamamayan.
    • Walang pansariling yaman ang dapat na kumpiskahin na hindi sumasailalim sa makatarungang dahilan at batas.
  • Haligi Bilang 16

    • Ang bawat tao ay may karapatang makinabang mula sa bunga ng lahat ng uri ng kabuhayan o kalakalang pinagpaguran. Lahat ng uri ng kabuhayan ay dapat na pangalagaan maliban kung ang mga ito ay hindi ipinagbabawal ng Shariah ng Islam.
  • Haligi Bilang 17

    • Bawat tao ay may karapatan para mabuhay sa malinis na kapaligiran at malayo sa katiwalian. Ang ganitong kapaligiran ay nararapat ipagkaloob sa mamamayan upang higit niyang mapaunlad ang kanyang moral na pag-uugali at kilos.
    • Ang pamahalaan at ang lipunan ay nararapat na ipagkaloob sa bawat tao ang mahusay na pangangalaga sa kalusugan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga pagamutang kagamitan batay sa kakayahan nito.
    • Ang pamahalaan ay nararapat tiyakin ang kalagayan ng bawat mamamayan at ang pamilya nito. Ang karapatang ito ay binubuo ng kaayusan sa pananamit, edukasyon, pagamutan at ibang pangunahing pangangailangan.
  • Haligi Bilang 18

    • Bawat tao ay may karapatan sa buhay at katiwasayan sa lipunan na umuugnay sa kanyang sarili, relihiyon at pananampalataya, pamilya, dangal at pananalaping pag-aari.
    • Bawat tao ay may karapatan sa pansariling gawain sa larangan ng pamamahay, pamilya, pananalapi at pakikipag-ugnayan. Walang espiya o paniniktik laban kaninuman. Walang pang-aalipusta sa kaninuman. Karagdagan, ang iba ay dapat na pangalagaan ang bawat tao laban sa di makatarungang pakikialam.
    • Ang pribadong tahanan at pagpasok sa mga pribadong paninirahan ay nararapat na may kapahintulutan ng mga naninirahan. Ang pribadong tahanan ay hindi dapat gibain o sirain, angkinin o ang naninirahan ay itaboy ng walang makatarungang dahilan.
  • Haligi Bilang 19

    • Lahat ng mamamayan- (ang punong bayan at ang mga taong kinasasakupan) ay nararapat na tumanggap o lumasap ng pantay at makatarungang mga karapatan.
    • Bawat mamamayan ay may karapatang humingi o magsikhay ng makatarungang hukom o paglilitis para sa kanilang mga isinampang kaso.
    • Ang pananagutan ay pansarili.
    • Ang krimen at parusa ay batay sa mga Batas at Kautusan ng Shariah.
    • Bawat nasasakdal ay walang kamalayan hanggang ito hindi napatunayang nagkasala. Ang pantay na pag-uusig ay kailangan upang bigyang katiyakan na ang ganap na pagtatanggol ay naipagkaloob.
  • Haligi Bilang 20

    • Walang sinoman ang dapat dakpin o pigilin ang kalayaan, ikulong o parusahan ng walang sapat na makatarungang pagsisiyasat. Ang sinomang tao ay hindi dapat pumailalim sa pisikal o sikolohikal na pananakit o maging panghihiya sa kanya. Walang sinoman ang dapat pumailalim sa medikal na pagsusuri ng walang kapahintulutan mula sa kanya at hindi magbubunga ng masama sa kanyang kalusugan. Hindi rin ipinahihintulutang magkaroon ng awtoridad ang isang tao upang magbigay ng natatanging batas.
  • Haligi Bilang 21

    • Ipinagbabawal na gawing bihag (hostage) ang sinoman sa anupamang layunin at anumang uri nito.
  • Haligi Bilang 22

    • Bawat mamamayan ay may karapatang magsalita ayon sa kanyang sariling kaisipan o opinyon kung hindi ito sumasalungat sa mga prinsipiyo at Batas ng Shariah.
    • Bawat mamamayan ay may karapatang manghikayat gumawa ng kabutihan at magbawal ng kasamaan alinsunod sa Batas at Prinsipiyo ng Shariah.
    • Ang media at inpormasyon ay mahalaga sa isang lipunan. Ang media ay hindi dapat abusuhin, o gamitin sa pagsasamantala sa dangal ng mga Propeta o Sugo ng Allah o gumawa ng mga imoral at katiwaliang gawain. Lahat ng panganib o paksang makasisira sa pagkakaisa ng isang lipunan ay dapat ipagbawal na ipahayag.
    • Ipinagbabawal ang pagkakaroon ng malakihang pagkakaaway- away o anomang uri ng pagkakahidwaan.
  • Haligi Bilang 23

    • Ang pangangalaga (guardianship) ay isang tiwala na hindi dapat sirain o talikdan. Ang pagtalikod dito ay ganap na ipinagbabawal upang bigyang katiyakan ang mga pangunahing karapatan ng tao.
    • Bawat mamamayan ay may karapatang makilahok sa pampublikong pamamahala ng kanyang bansa, tuwiran man o di tuwiran. Lahat ng mamamayan ay may karapatang humawak ng tungkuling pampubliko (public office) batay sa Batas ng Shariah at alituntunin.
  • Haligi Bilang 24

    • Lahat ng karapatan at kalayaan na nakatala sa “Declaration of Human Rights” ay maliwanag at makatuwiran na nakapailalim sa hangganan ng Batas ng Shariah at ng mga prinsipiyo nito.
  • Haligi Bilang 25

    • Ang batas ng Shariah at ng mga prinsipiyo nito ang siyang tanging batayan para sa pagpapaliwanag ng alinman sa mga haligi ng deklarasyong ito.

Cairo, 14 Muharram, 1411 H.
Tumutugma sa: Mayo 8, 1990. Ang pagtanggap at pagkilala sa naturang mga karapatan na binanggit sa itaas ay tamang daan upang makapagpatayo ng isang tunay na Islamikong Lipunan na maaaring ilarawan ayon sa sumusunod : (Ang mga sumusunod ay hinango mula sa- The Islamic International Declaration of Human Rights.)

  • Ito ay isang lipunan na bawat mamamayan ay pantay. Walang sinoman ang nakakataas batay sa kanyang pinagmulang lahi, kulay o wika.
  • Ito ay isang lipunan na nakaukit ang pagkakapantay-pantay (katarungan) bilang pamantayan ng lahat ng karapatan at pananagutan at tungkulin. Ang pagkakapantay-pantay ay nag- ugat mula sa pinagkaisang lahi ng sangkatauhan. Ang Makapangyarihang Allah ay nagpahayag mula sa Banal na Qur’an: “At tunay nga na Aming pinarangalan ang mga anak ni Adan; pinagkalooban ng masasakyan sa mga lupain at karagatan; At Amin silang ginawaran ng kabuhayan na mabuti at wagas; at Amin silang pinagpala ng higit sa maraming nilikha na may tanda ng pagtatangi.” (Qur’an 17:70)
  • Ito ay isang lipunan na kung saan ang kalayaan ng tao ay nakaugnay sa kanyang buhay. Ang tao ay isinilang na malaya. At sa kanyang kalayaan, ang kanyang pamumuhay ay may katiyakan. Ang tao ay nararapat ligtas laban sa pang-aabuso, paniniil, panghihiya at pang-aalipin.
  • Ito ay isang lipunan na tumayo mula sa pamilya. Ang huli ay gumaganap bilang pamantayan. Ito ay nagbibigay ng kaunlaran at katatagan.
  • Ito ay isang lipunan na ang mga pinuno at ang mga kinasasakupan nito (mga mamamayan) ay pantay sa paningin ng Shariah. Ang huli ay mula sa Kautusan ng Tagapaglikha. Ang diskriminasyon ay walang puwang sa lipunang ito.
  • Ito ay lipunan na ang kapahintulutan at kapangyarihan ay itinuturing bilang isang pagtitiwala (trust) na ipinagkaloob sa pinuno upang makamtan ang layuning nakasalig sa Batas ng Shariah.
  • Ito ay isang lipunan na bawat mamamayan na naniniwala at nananalig sa Allah, ( y) (Ang Nag-iisang Tunay na Diyos na Dapat Sambahin) bilang siyang Nagmamay-ari ng buong santinakpan. Bawat mamamayan ay naniniwala ng lahat ng bagay dito sa santinakpan ay ipinagkaloob ng Allah ( y) bilang pagpapala samakatuwid dapat na gamitin ng lahat ng nilikha sa paraang mabuti at makatarungan. Lahat ng mga ito ay isinasaalang-alang bilang handog ng Allah . Ang Allah ( y) batay sa Banal na Qur’an ay nagsabi: “At Kanyang ipinagkatiwala sa inyo mula sa Kanya, ang lahat ng nasa mga kalangitan at kalupaan: Pagmasdan! tunay na naririto ang mga palatandaan para sa (mga taong) nag-iisip.” (Qur’an 45:13)
  • Ito ay lipunan na nagkakaloob ng lahat ng pagkakataon sa lahat ng mamamayan ayon sa kanilang talino at kakayahan. Ang mga mamamayang ito ay may tungkulin (at pananagutan) sa kanilang lipunan tungkol sa kanilang gawain. Ito ay batay sa isang Hadith ng Sugo ng Allah ( s)ay nagsabi: “Yaong tumatalima (sumusunod sa kautusan) sa kanilang Panginoon, at nagsasagawa ng palagiang pagdarasal, at sila ang namamalakad ng kanilang mga gawain sa pamamagitan ng pinagkaisang sanggunian; na gumugugol ng anumang kabuhayang ipinagkaloob Namin sa kanila.” (Qur’an 42:38)
  • Ito ay lipunan na nagkakaloob ng lahat ng pagkakataon sa lahat ng mamamayan ayon sa kanilang talino at kakayahan. Ang mga mamamayang ito ay may tungkulin (at pananagutan) sa kanilang lipunan tungkol sa kanilang gawain. Ito ay batay sa isang Hadith ng Sugo ng Allah ( s)na isinalaysay ni Muslim: “Bawat isa sa inyo ay isang pastol at bawat isa ay may tungkuling alagaan ang kanyang mga tupa.”
  • Ito ay isang lipunan na ang pinuno at mamamayan ay pantay na haharap sa Hukuman.
  • Ito ay isang lipunan na bawat mamamayan ay kumakatawan sa bawat kaisipan ng lipunan. Bawat mamamayan ay may karapatang lumapit sa hukuman at maghain ng karaingan laban sa anumang gawang krimen. Ang mga mamamayan ay may karapatang humingi ng pagtataguyod sa ibang mamamayan.
  • Ito ay isang lipunan na tinatalikdan ang lahat ng uri ng pang- aabuso at panghahamak. Ito ay isang lipunan na nangangalaga sa kalayaan, kaligtasan, karangalan at katarungan para sa lahat. Ito ay isang lipunan na kumikilala at sumusunod sa Batas ng Shariah.
  • Ang Katangian ng mga Karapatan ng Tao sa Batas ng Shariah ay ang mga sumusunod:

    • Ang Karapatan ng Tao batay sa Batas ng Shariah ay Banal. Ito ay hindi nagmula o nag-ugat sa kaninomang tao na may impluwensiya sa sariling layunin o adhikain, sariling kapakinabangan o pansariling pagnanasa.
    • Ang Mga Karapatan ng Tao ay umuugnay sa kanyang Islamikong Pananampalataya at Paniniwala. Ito ay pinangangalagaan sa pamamagitan ng Banal na Paghuhukom. Samakatuwid, anumang pagsuway sa mga karapatang ito ay hayagang pagsuway sa Banal Na Kalooban ng Allah ( y) at may nakalaang parusa sa Kabilang Buhay maging sa makamundong buhay.
    • Ang mga Karapatang ito ay malalawak at umaangkop ayon sa likas ng tao, umaalinsunod ayon sa kanyang kahinaan, kapangyarihan, karukhaan, kahirapan, kayamanan, karangalan at kahihiyan.
    • Ang mga Karapatang ito ay angkop sa bawat tao na nasa ilalim ng Islamikong Pamamahala at Batas maging anuman ang kanyang kulay, lahi, relihiyon, wika at katayuan sa lipunan.
    • Ang mga Karapatan ng Tao ay hindi nagbabago sa anumang panahon, pook o kalagayan at pangyayari. Sinomang tao o lipunan ay hindi makapagbabago ng mga ito.
    • Ang mga Karapatang ito ay sapat upang makapagpatayo o makapagtatag ng isang lipunan na naghahandog ng isang mabuti at marangal at wagas na buhay sa bawat mamamayan. Ang mga karapatang ito ay sumasagisag bilang Awa mula sa Allah, ang Panginoon ng lahat ng nilikha at nakalaan para sa kabutihan ng sangkatauhan. Ang mga karapatan ng tao ay nagsisilbing gabay sa pananatili ng politikal, panlipunan, moral at pangkabuhayang karapatan ng sangkatauhan.
    • Ang mga karapatan ng tao ay nakahangga at umaayon sa mga pangunahing batas ng Shariah at Prinsipiyo. Ito ay hindi nakasisira sa kapakanan ng lipunan at sa kabutihan nito. Halimbawa, ang kalayaan sa sariling opinyon at ang pananalita ay nagbibigay katiyakan o pangangalaga sa bawat mamamayan. Bawat mamamayan ay may karapatang ipahayag ang nasa kalooban at may karapatang ipamahagi ang katotohanan na walang pag-aalinlangan. Lahat ay may karapatang magbigay ng makatuwirang pagpapayo sa kapwa, hanggang ang mga payo ay para sa kabutihan ng lahat. Ang payo na ibinibigay ay maaaring tungkol sa pangmateryal na paksa o pang-relihiyong gawain. Mayroong hangganan na hindi maaaaring lumagpas upang maiwasan ang di kanais-nais na kalagayan sa isang lipunan.

Ang kalayaan para sa makabuluhang pakikipagtalakayan ay nararapat batay sa kaalaman at magandang payo. Ang Allah ( y), ay nagpahayag tungkol sa paksang ito: “Anyayahan ang lahat sa Landas ng iyong Panginoon ng may karunungan at magandang pananalita at makipagtalakayan sa kanila sa mga paraang mabuti at kaaya-aya: sapagkat ang iyong Panginoon ay nakakabatid ng higit kung sino ang naliligaw mula sa Kanyang Landas at sino ang tumatanggap ng Patnubay.” (Qur’an 16:125)

Tumalima sa lahat ng pagkakataon sa mga pangunahin at mahahalagang prinsipiyo ng Islamikong Pananampalataya katulad ng paniniwala sa Allah ( y)bilang Nag-iisang Diyos na dapat sambahin, ang katotohanan tungkol sa mensahe ng Allah ( y)na ipinagkatiwala sa Huling Propeta, Muhammad ( s)at sa lahat ng makabuluhang paksang nakaugnay sa buhay ng tao.
Iwasan ang paggamit ng mga kalayaan sa paraang nakasasakit sa kapwa maging ito ay sa larangan ng materyal na pangkabuhayan o paksang relihiyon katulad halimbawa ng panghihiya sa tao, pagkalat ng mga nakakahiyang balita o mga lihim ng isang tao, paninirang puri o paghamak sa kapwa. Ang mga ganitong masamang gawain ay nakakasira sa ugnayan ng tao sa lipunan. Ang Allah ( y) ay nagpahayag: “Yaong nasisiyahan (na makita) ang eskandalong ipinagkalat at ipinamalita sa mga mananampalataya, sila yaong makararanas ng kasakit-sakit na parusa sa buhay sa mundong ito at sa Kabilang Buhay. Ang Allah ay nakababatid at (samantalang) ito ay hindi ninyo nababatid.” (Qur’an 24:19)