Ang Pagkakapantay-pantay sa Islam

Inaalis ng Islam ang lahat ng mga bagay na nakakasagabal sa mga kasapi ng Islamikong pamayanan upang maayos at masaya nilang maisagawa ang kanilang lehitimong karapatan. Hindi pinahihintulutan ang anumang uri ng pagtatangi-tangi (discrimination) sa Islam. Ang lahi, kulay, lugar o wika ay hindi dapat magbigay ng natatanging katayuan ng sinoman sa Islamikong pamayanan. Ito ay ipinatutupad upang maiwasan ang hindi pagkakaisa ng mga mamamayan. Ang paglalahad na ito ay batay sa pahayag ng Banal na Qur’an: “O Sangkatauhan! Maging mapitagan at masunurin kayo sa inyong Panginoon na lumikha sa inyo mula sa isang tao (Adan) at mula sa kanya ay nilikha Niya ang kanyang asawa (Eba), at mula sa kanilang dalawa ay nilikha Niya ang maraming lalaki at babae. Matakot sa Allah, mula sa Kanya ay nanggaling ang inyong magkaugnay na karapatan at (huwag putulin ang ugnayan) ng mga sinapupunan (na nagluwal sa inyo) sapagkat katiyakan na ang Allah ay lagi nang nagmamasid sa inyo.” (Qur’an 4:1)

Batay din sa sinabi ng Propeta ng Allah ( s) : “O Sangkatauhan! Ang inyong Panginoon ay Isa. Ang inyong Ama ay isa, at lahat kayo ay mula kay Adan at si Adan ay nilikha mula sa alabok (ng mundo). Katotohanan ang kapuri-puri sa harap ng inyong Panginoon, ang Makapang-yarihang Allah, ay ang mapitagan sa lahat. Walang nakakahigit na hindi Arabo kaysa sa Arabo at walang nakakahigit na Arabo kaysa sa hindi Arabo. Gayon din, hindi hihigit ang may balat na pula kaysa sa puting kulay. O kaya ay nakakahigit ang may puting kulay kaysa sa pulang kulay, maliban kung ito ay mapitagan at masunurin (lagi nang nakakaalala sa Allah sa buhay at sa gawa)” (Iniulat ni Ahmad)

Batay sa katuruan ng Islam, ang pinagmulan ng sangkatauhan at ang lahat ng lahi nito ay iisa na walang pagtatangi. Hindi pinahihintulutan ng Islam na magkaroon ang mga Muslim ng pagmamataas dahil sa kanilang pinagmulan (angkan) o dahil sa katayuang panlipunan at sa pagkakaroon ng ari-arian at ng iba pang tulad nito. Ang Propeta ng Allah ( s) ay nagsabi: “Ang Makapangyarihang Allah ay pinawi ang gawaing pangmamataas na ito, na palasak (na kaugalian) bago dumating ang Islam, nang ang karamihan ay mapagmalaki ng dahil sa kanilang pinagmulang lipi. (Ngunit) lahat ng tao ay nagmula kay Adan at si Adan ay nilikha (lamang) mula sa alabok (lupa).” (Iniulat ni Abu Dawoud)

Karagdagan nito hindi pinahintulutan ng Islam ang lahat ng uri ng pagtatangi. Noong una, ang mga Hudyo at Kristiyano ay isinaalang- alang na mataas ang kanilang lahi. Batay dito, ang Allah ( y) ay nagpahayag ng katotohanan tungkol sa kanila katulad ng pahayag ng Banal na Qur’an: “Ang mga Hudyo at Kristiyano ay (kapwa) nagsasabi: “Kami ang mga anak ng Allah at Kanyang minamahal”. Sabihin, ‘kung gayon bakit kayo ay Kanyang pinarurusahan sa inyong mga kasalanan?’ Hindi! kayo ay mga tao lamang, at Kanyang pinatatawad ang sinomang Kanyang maibigan at pinarurusahan Niya ang sinomang Kanyang naisin. At ang Allah ang nag-aangkin ng kapamahalaan sa kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito at sa Kanya ang pagbabalik (ng lahat). (Qur’an 5:18)


Iniulat din ng isang kasamahan ng Propeta ng Allah ( s) na si Abu Tharr na nagsabi sa kanyang maitim na alipin ng ganito; ‘O anak ng maitim na babae…’; hanggang makarating ang pangyayaring ito kay Propeta Muhammad ( s)at pinagsabihan kaagad-agad si Abu Tharr ng ganito: “Iniinsulto mo ba siya ng dahil sa kanyang maitim na Ina? Tunay na mayroong ka pang kaugalian na nagmula pa noong panahon ng kamangmangan (Jahiliyah)! Napakasakit ng sinabi mo! Napakasakit ng sinabi mo! Hindi matatagpuan ang kabutihan o kagalingan nang dahil lamang sa siya ay anak ng isang maputing babae higit kaysa doon sa anak ng isang maitim na babae, kundi matatagpuan ito sa gawang kabanalan at kabutihan at pagka-makatuwiran” (Ahmad)

Nang marinig ni Abu Tharr ang puna ng Propeta ng Allah ( s),ibinaba niya ang kanyang ulo sa lupa upang ipaapak sa maitim na paa ng kanyang alipin, bagama’t hindi ipinagawa ng Propeta ( s)na gawin ito. Ikinalungkot at pinagsisihan ni Abu Tharr at nais niyang magkaroon ng aral kaya niya ipinapaapak ang kanyang ulo (sa lupa) upang hindi na maulit pa ang kasalanang ito sa darating na araw.

Gayon din, ang lahat ng tao ay pantay-pantay sa itinakdang ibat-ibang uri ng pagsamba; ang mayaman, ang mahirap, ang namumuno, ang manggagawa, ang mga puti, itim ay pantay lahat sa paningin ng Allah ( y) sa larangan ng pagsamba sa Islam. Ang mga naitakdang kautusan at ang mga ipinagbabawal sa Islam ay ipinatutupad sa lahat na walang kinikilingan. Ang Makapangyarihang Allah ay nagsabi; “Sinoman ang nagsikhay ng kabutihan, ito ay upang sa kapakinabangan ng kanyang sariling kaluluwa; at sinoman ang nagsikhay ng kasamaan, ito ay laban sa kanyang sariling kaluluwa: at ang iyong Panginoon ay hindi kailanman naging di-makatarungan sa Kanyang mga alipin.” (Qur’an 41:46)

Ang pagkakaiba ng bawat tao sa paningin ng Allah ( y) ay batay sa kanilang kabanalan, kabaitan at sa pagsunod at pagtalima sa mga Kautusan ng Allah ( y) Ang Makapangyarihang Allah ay nagpahayag batay sa Banal na Qur’an: Ang pagkakaiba ng bawat tao sa paningin ng Allah ay batay sa kanilang kabanalan, kabaitan at sa pagsunod at pagtalima sa mga Kautusan ng Allah Ang Makapangyarihang Allah ay nagpahayag batay sa Banal na Qur’an: paningin ng Allah ay yaong sumasampalataya na may Taqwa (ang may takot sa Allah at gumagawa ng lahat ng uri ng kabutihan na ipinag-uutos sa kanya). Katotohanan ang Allah ay tigib ng Kaalaman at lubos na Nakababatid sa lahat ng bagay.” (Qur’an 49:13)

Ang lahat ng tao ay pantay sa Batas ng Islam. Ang kaparusahan, paghatol at ang paglilitis ng naaayon sa batas ay para sa lahat ng uri ng tao na walang pagkiling. Walang partikular na uri ng paghahatol o kaparusahan para sa mga ilang uri lamang. Lahat ay pantay na saklaw ng kapangyarihan ng Batas Islamiko. Wala ring isang uri ng tao ang magiging ligtas sa sakop ng Islamikong Batas. Si Aesha ay nag-ulat na ang mga ‘Korishites’ ay nangabalisa nang malaman nila na ang isang babaing ‘Makhzoomi’ ay nagnakaw at ang Propeta ng Allah ( s) ay nais ipatupad ang kaparusahan ng pagputol ng kamay nito. Ang mga ‘Korishites’ ay nag-usap at napagkasunduan nilang kausapin ang pinakamamahal na anak ng kasama ng Propeta ng Allah ( s)na si Osamah bin Zaid Kaya si Osamah ay nakiusap sa Propeta ng Allah ( s)tungkol sa babaing Makhzoomi. Nang marinig ang salita ni Osamah, ang sabi ng Propeta ng Allah ( s)‘O, Osamah! nakipagkita ka ba upang mamagitan sa itinakdang kaparusahan ng Allah, (ang pagputol ng kamay). Ang Propeta ay tumayo pagkatapos nakipag- usap kay Osamah at nagbigay-aral: “O Sangkatauhan! Bago pa man kayo, ang mga naunang bansa ay nangapinsala (nawasak) dahil sa katotohanan na kung ang mga may impluwensiya (mayayaman) ang nakagawa ng kasalanan (i.e.: nagnakaw), pinapalaya nila na hindi nilalapatan ng kaparusahan, ngunit kung ang mahirap at mahihinang tao ang nakagawa ng kasalanan (i.e.: nagnakaw) ay iginagawad kaagad ang pangunahing kaparusahan. Sa Ngalan ng Allah, kung si Fatimah, na anak ni Muhammad ay nagnakaw (na ang halaga ay sakop ng pangunahing kaparusahan) ay puputulin ko ang kanyang kamay.”

Lahat ng mamamayan ng isang bansa ay may karapatan na makinabang sa mga yamang kalikasan, at kailangan na ang lahat ay pantay sa ganitong karapatan. Ito ay nangangahulugan na lahat ng tao ay pantay-pantay na makakakuha ng kani-kanilang bahagi sa Islamikong pampublikong kayamanan. Datapwa’t, hindi magkakatulad ang kanilang tungkulin at gawain (para sa bayan). Ang unang Khalifa, si Abu Bakr ay namahagi ng pantay-pantay na handog para sa mga Muslim. Ang mga ibang tao ay magkakaiba sa kanilang haka-haka tungkol dito sa ipinamahaging handog at sila ay nangatuwiran, ‘O Khalifa ng Propeta napuna namin na iyong ipinagkaloob at ipinamahagi ang mga handog ng pantay-pantay sa mga tao. Ngunit ang mga ibang tao ay nakagawa ng higit na kagalingan kaysa sa iba. Hangad naming bigyan ninyo sila ng natatanging handog (ang mga taong gumawa ng nakahihigit).’ Si Abu Bakr ay sumagot: “Papaano ko masasabi at isasaalang-alang ang kagalingan at pribilehiyo ng mga sinasabi ninyong mga tao? Ang aking ipinamahagi ay mga panggugol at sustento. Ang pagbibigay ng pantay-pantay na panustos sa mga tao ay mas mabuti kaysa bigyan ng higit ang mga iba. At ang mga gumagawa ng higit at labis para sa Ngalan ng Islam, ang kanilang gantimpala ay nakalaan mula sa Allah. At ang makamundong kayamanan ay naririto para sa mabubuti at masasamang tao. Ang ipinamahagi ko ay hindi gantimpala ng kanilang labis na paglilingkod.” (Tingnan, Abu Yala, “alpAhkahm al-Sultaniyah” (Sultanic Rules), p.222)

Ang bawat miyembro ng Islamikong pamayanan ay may karapatan sa pambansang kayamanan kabilang na rito ang mga kayamanan sa lupa, katulad ng mga ginto, pilak, diyamante, langis at iba pang mahahalagang hiyas at mga metal. Ang Islamikong pamahalaan ay dapat gumawa ng makalayuning hakbangin upang makatiyak ng pagkakataong magkaroon ang lahat ng kanyang mamamayan ng hanap-buhay at magamit ang mga likas na yaman ng bayan para sa kaunlaran at kabutihan ng mga mamamayan. Walang dapat magkaroon ng karapatan na masarili o umabuso para sa kanilang personal na kapakinabangan sa mga yamang pambansa. Ang Allah ( y) ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an: “Siya (ang Allah) ang lumikha sa mundo na maaari ninyong pamahalaan, kaya tahakin ang Kanyang daan at malugod ninyong tamasahin ang kabuhayang ipinagkaloob; ngunit sa Kanya ang inyong Muling Pagkabuhay.” (Qur’an 67:15)

Ipinahayag ng Islam na ang lahat ay pantay sa kahalagahan ng tao. Ang pagkakaiba ay makikilala batay sa kabutihang nagawa para sa pamayanan o komunidad. Karagdagan pa dito, pinapahalagahan ng Islam ang mga mabubuting gawain para sa relihiyon sa pamayanan na naidudulot ng bawat isa. Ngunit ang Islam ay nag-uutos na bigyan ng katumbas na kabayaran ang mga mabubuting gawa at nararapat ding bayaran ang mga iba batay sa kanilang pinagsumikapang gawain. Ang Allah ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an: “At para sa lahat ay may antas na naayon sa kanilang ginawa. At ang inyong Panginoon ang nakakaalam ng kanilang ginawa.” (Qur’an 6:132)