Ang Pananalita tungkol sa Karapatan at Tungkuling
Ipinag-uutos ng Islam sa mga mananampalataya (Muslim) na makibahagi sa dalamhati at pagsubok ng mga kapatid sa Islam sa buong daigdig at inuutusang makipagtulungan sa abot ng kanilang kakayahan. Ang pakikipagtulungan sa kapwa Muslim ay hindi nakahangga lamang sa isang lugar bagkus ito ay pandaigdigan at hindi nito isinasaalang-alang ang lugar na namamagitan sa kanila. Ang Sugo ng Allah ayon sa isang pinagtibay na Hadith ay nagsasalaysay ng ganito: “Ang mananampalataya sa kapwa niya mananampalataya ay katulad ng haligi ng isang gusali. Ang haligi ay nagpapatibay at nagtutuwid sa isa’t isa. Pagkaraan niyang isinalaysay ito, kanyang ipinagdikit ang kanyang mga daliri ng kanyang dalawang kamay.” (Hadith Bukhari at Muslim)
Karagdagan pa nito, tuwirang inuutusan ng Islam na maging mapagtiwala sa kapwa Muslim at iwasan ang pag-iisip ng masama. Ayon sa Sugo ng Allah ( y): “Iwasan ang hinala. Ang panghihinala ang siyang pinakamalaking kasinungalingan. Huwag ninyong siyasatin ang mga masamang balita, mga pagkukulang at kapintasan ng inyong kapatid. Huwag maniktik sa inyong mga kapatid. Huwag makipagpaligsahan (ng may masamang pag-iisip at layunin) laban sa iyong kapatid. Huwag kamuhian ang iyong kapatid. Huwag kang lumayo mula sa iyong kapatid (sa oras ng kanyang pangangailangan at pakikiramay). O, mga alipin ng Allah, maging mabuting magkakapatid kayo sa isa’t isa katulad ng kautusang ipinag-aanyaya sa inyo. Ang Muslim ay nararapat na maging makatarungan sa kanyang kapatid na Muslim.Hindi niya ito hinahamak at inaalipusta. Hindi niya ito dapat ilagay sa anumang kapahamakan o panganib. Lahat ng bagay na pag-aari ng isang Muslim ay ipinagbabawal na gamitin ng kapwa Muslim (na walang pahintulot) o abusuhin ito (ng walang karapatan). Ang kabutihan (at maging ang kabanalan) ay naririto, itinuro niya ang kanyang dibdib (para sa puso). Sapat na kasamaan ang ilagay ang isang kapatid na Muslim sa kapahamakan. Lahat ng bagay na pag- aari ng isang Muslim ay ipinagbabawal sa kapwa niya Muslim, ang kanyang dugo (pagpatay sa kanya), ang kanyang dangal at pamilya at yaman. Katotohanan, hindi tinitingnan ng Allah ang inyong mga katawan, anyo at ayos kundi Kanyang tinitingnan ang iyong puso, ugali at kilos.” (Hadith Muslim)
Isa pang patnubay ang ipinagkaloob ng Sugo ng Allah ( y)ng ipahayag niya na: “Ang Muslim ay hindi maaaring maging tunay na mananampalataya hanggang hindi niya nais para sa kapwa niya Muslim ang nais para sa kanyang sarili.” (Hadith Bukhari)
Ang mga pampublikong karapatan ay pangkaraniwan sa lahat ng kasapi ng Lipunang Islamiko:- Ang Karapatan ng Namumuno sa Lipunan
- Ang Karapatan ng mga Mamamayan sa Tagapamahala
- Ang Karapatan ng mga Kapitbahay
- Ang Karapatan ng mga Kaibigan
- Ang Karapatan ng mga Dukha at Mahihirap :
- Ang Karapatan ng mga Manggagawa/Pinaglilingkuran
- Ang Karapatan para sa mga Ibang Nilikha.
- Iba pang mga Karapatan
-
Ang Karapatan ng Namumuno sa Lipunan
Panimula
Ang karapatan ay batay sa nilalaman ng talata ng Banal na Qur’an: “O kayong mananampalataya! Maging masunurin sa Allah, at maging masunurin sa Sugo, at sa sinumang piniling maging tagapamuno mula sa inyo…” (Qur’an 4:59)
Ang sumusunod ay mga alituntuning itinakda upang sundin ng isang Muslim:
- Pagsunod sa isang Pinuno hanggang hindi kayo inuutusang gumawa ng kasamaan. Ito ay batay sa utos ng Sugo ng Allah ( y): “Tumalima at sumunod, kahit maging ang isang alipin mula sa Ethiopia ay pinili bilang tagapamuno ninyo hanggang siya ay gumagawa ayon sa Banal na Aklat ng Allah.” (Hadith Muslim)
- Samakatuwid, ang pagsunod sa namumuno na gumagawa ayon sa Banal na Aklat ng Allah ay isang tanda ng pagsunod sa Allah . Anumang pagsuway sa kautusan ng namumuno na gumagawa ayon sa Aklat ng Allah ay tanda ng pagsuway sa Allah
- Pagbigay ng tapat na Payo. Ang namumunong Muslim ay dapat na bigyan ng matapat na payo
para sa kabutihan ng lahat ng mamamayan at maging para sa kabutihan niya. Dapat ding
ipinaaalala sa isang namumuno ang mga kakulangang bagay para sa mga mamamayan. Ito
ay batay sa Banal na Qur’an na nagpahayag ng:
“Ngunit, magsalita sa kanya ng maayos; maaaring siya ay makinig sa paalala at matakot
sa Allah.”
(Qur’an 20:44)
Ang mga tagasunod at mga mamamayan ay nararapat na tangkilikin ang isang Muslim na namumuno sa panahon ng paghihikahos. Ang Muslim ay inuutusang sumunod sa kanyang pinuno at huwag siyang iwanan o talikdan at iwasang pagkaisahan ito upang magkaroon ng hidwaan at kasamaan. Kahit pa ang isang Muslim ay hindi nagbigay ng panunumpa bilang pagsunod sa kanya, hindi niya dapat iwanan ito sa oras ng kagipitan o pagdarahop. Ito ay batay sa aral ng Sugo ng Allah ( y) “Kung ang isang tao ay lumapit sa iyo na may layong paghiwa- hiwalayin kayo, samakatuwid siya ay dapat patayin.” (Hadith Muslim)
-
Ang Karapatan ng mga Mamamayan sa Tagapamahala
Ang mga Muslim sa isang Lipunang Islamiko ay may mga karapatan sa kanyang pamahalaan ayon sa mga sumusunod:
Ang Ganap na Katarungan
Ang bawat Muslim ay may karapatan na tumanggap ng pantay na pakikitungo sa Lipunang Islamiko. Lahat ng mamamayan na may karapatang tumanggap ng isang karapatan ay dapat ipagkaloob sa kanya ang kaukulang karapatan dito. Ang lahat ng mamamayan na may sari- sariling pananagutan o tungkulin ay nararapat na pakitunguhan ng makatarungan at pantay. Ang tungkulin o pananagutan mula sa mga mamamayan ay nararapat din paghati-hatiin sa paraang makatarungan at pantay. Walang sinomang tao, uri ng tao o pangkat ng tao ang dapat bigyan ng prioridad o pagtatangi kaysa sa iba pa. Ayon sa Sugo ng Allah ( y): “Ang pinakamamahal ng Allah sa Araw ng Paghuhukom at siyang pinakamalapit sa Kanya ay yaong makatarungang pinuno/Hukom. At ang pinakakinamumuhian ng Allah at ang pinakamalayo sa Kanya ay yaong mayabang at mapang-abuso/mapang- api.” (Hadith Tirmidhi)Ang Sanggunian
Ang mga mamamayan ay may karapatan sa sanggunian. Ang mga mamamayan sa Lipunan Islamiko ay may karapatang sanggunian tungkol sa mga paksa na nauukol sa kanilang kabuhayan at panlipunang gawain. Magkagayunman, ang sanggunian ay nararapat na gawin sa isang ordinaryong paraan lamang. Ang mga mamamayan ay dapat bigyan ng pagkakataong ipahayag ang kanilang kalooban o sariling opinion tungkol sa mga paksang nakaugnay sa kanilang pamayanan at lipunan. Ang mga opinyon ay maaaring tanggapin kung ito ay naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mamamayan sa pangkalahatang pananaw nito. Ito ay batay sa isang pangyayari nang ang Sugo ng Allah ay nakinig sa payo ng isang karaniwang kasamahan niya sa Digmaan ng Badr na nagbigay ng payo na baguhin ang lugar ng pananatili ng mga mandirigmang Muslim. Ang isang ordinaryong Muslim ay nagtanong sa Sugo ng Allah ( y) sa panahon ng digmaan, ‘O Propeta ng Allah. Ito ba ay lugar na ipinag- utos sa iyo ng Allah at walang ng lugar na dapat pagpilian? ‘O ito ba ay isang stratehiyang pangdigmaan at balakin?’
Ang Sugo ng Allah ay sumagot ng mabilis, ‘Hindi, ito ay stratehiya ko’. Ang tao ay nagbigay ng payo,
‘O Propeta ng Allah ! Ito ay hindi tamang pagpili ng lugar para sa pananatili ng mga mandirigma. Tayo ay dapat humanap ng pinakamalapit sa patubigan ng ating mga kaaway at doon manatili. At pagkaraan ay ating tabunan ang lahat ng patubigan at gumawa tayo ng patubigan para sa ating pangkat. Samatuwid, maaari nating simulan ang pagkikipagdigma. Mayroon tayong sariling pagkukuhanan ng tubig samantalang ang ating mga kaaway ay walang pagkukuhanan.’
Ang Sugo ng Allah ay nagsabi: “Katiyakang ang iyong binanggit ay siyang pinakamahusay na payo.” (Ibn Hisham Biography of the Prophet)
Ang Alituntunin ng Islam
Ang batayan ng mga alituntunin (Islamic Rulings) at mga batas ay ang Shariah, Batas Islamiko. Ang Saligan ng mga Muslim na namumuno ay nararapat na nagmumula sa Banal na Qur’an, Sunnah at sa lahat ng pinagmumulan ng Islamikong Paghuhukom. Walang puwang rito ang pansariling haka-haka o kaya ay opinion kung mayroong mga pinagtibay na batas na maaaring pagbatayan. Ang mga haka-haka o pansariling opinyon ay maaaring magbunga ng pagkakamali at maaari din namang magbunga ng magandang payo. Naririto ang isang pangyayari sa panahon ng pagiging pinuno (Khalifa) ni Omar Ibn Khattab Kaharap niya ang isang taong nagngangalang Abu Maryam Al Saluli, na siyang pumatay sa kanyang kapatid na si Zaid Bin Khattab Si Omar Ibn Khattab ay nagsabi:
“Isinusumpa ko sa Allah na hindi kita maaaring mahalin hanggang ang lupa ay magmahal sa dugo (ibig sabihin imposible) Ang nakapatay ay nagsabi: ‘Ito ba (pangyayaring ito) ay magiging hadlang para makuha ko ang anumang karapatan bilang Muslim? Si Omar ay mabilis na sumagot, “Hindi”…
Ang Patakarang Bukas Para sa Lahat
Ang isang namumuno ay hindi dapat isara ang pintuan sa pagtanggap ng mga payo o pamumuna. Ang namumuno ay hindi dapat maging asiwa o malayo ang kalooban sa kanyang mga mamamayan. Siya ay hindi dapat maglagay ng taong tagapamagitan na maaaring maging di pantay sa pagpili kung sino ang dapat makaharap o makausap ng namumuno habang ang iba naman ay pinipigilang makipagharap sa namumuno. Ayon sa aral ng Sugo ng Allah “Sinomang pinagkatiwalaan para sa pamumuno ng mga kabuhayan ng mga Muslim ngunit siya ay nagtago o umiwas na makipagkita sa kanila at hindi ito tumutugon sa pangangailangan nila, sa Araw ng Paghuhukom ang Allah ay hindi makikiharap sa kanya na magiging sanhi ng kanyang paghihirap at pangangailangan.” [Hadith Abu Dawood]
Ang Awa para sa Mamamayan
Ang isang namumuno ay kailangang maawain at mabait sa kanyang mga kinasasakupang mamamayan. Hindi niya dapat bigyan ng mabigat na pasanin ang sinuman ng higit sa kakayahan nito. Hindi niya dapat pahirapan ang kanyang mga mamamayan upang mabuhay sa lipunang Islamiko. Nararapat niyang pakitunguhan ang mga matatanda katulad ng kanyang ama, ang isang kabataan katulad ng kanyang anak, at ang kasing gulang niya bilang kanyang mga kapatid. Siya ay nararapat na maging magalang sa mga matatanda, mabait at maawain sa mga kabataan, at mapagpaumanhin sa mga mamamayang kasing gulang niya. Ito ay batay sa Banal na Qur’an na nagpahayag ng ganito : “Ito ay bahagi ng Awa ng Allah na kayo ay (napag-utusang) makipag- ugnayan sa kanila sa paraang may kabaitan. Kung ikaw ay naging malupit at matigas ang puso, sila ay lalayo mula sa iyo; kaya’t maging mapagpaumanhin sa kanilang pagkukulang, at dumalangin sa Allah para sa kanilang mga kasalanan; at sumangguni sa kanila sa mga gawain (pansamantala). Pagkaraan, kapag ikaw ay nagkaroon na ng pagpapasiya, magtiwala sa Allah . Sapagkat minamahal ng Allah ang nagtitiwala (sa Kanya).” (Qur’an 3:159)
Ito ay batay rin sa aral na ipinagkaloob ng Sugo ng Allah ( y) : “Nawa’y maging maawain ang Allah sa mga taong maawain (at mabait sa kapwa). Maging (mabait at) maawain sa mga tao sa mundong ito at ang Allah ay magiging higit na maawain sa iyo.” (Hadith Abu Dawood at Tirmidhi)
Katotohanan pa nito, si Omar Bin Khattab, ang pangalawang Khalifa ay minsang nagsabi:
“Isinusumpa ko sa Ngalan ng Allah! Kung ang isang babaeng kamelyo ay nahulog sa daan sa Iraq, ako ay nangangambang tanungin ako ng Allah sa Araw ng paghuhukom (tungkol dito). (at sabihing) ‘O! Omar, bakit hindi mo binigyang daan ang babaeng kamelyo?” -
Ang Karapatan ng mga Kapitbahay
Batay sa Banal na Qur’an, ang Allah ay nag-utos tungkol sa pakikipag-ugnayan para sa mga kapitbahay. “Sambahin ang Allah, at huwag magbigay katambal ng sinoman sa Kanya at gumawa ng mabuti sa inyong mga magulang, kamag- anakan, mga ulila, mga kapitbahay na dayuhan, ang inyong mga kasamahan, ang mga naglalakbay (na inyong makasalubong) at sinomang nasa ilalim ng inyong kapangyarihan; sapagkat hindi minamahal ng Allah ang mapagmataas, ang mapagyabang.” (Qur’an 4:36)
Iniulat ng Sugo ng Allah ( y) ang mga Karapatan ng Kapitbahay: ( y) saying, “Alam ba ninyo ang mga karapatan ng isang kapitbahay? (Ito ay ang mga sumusunod): Kung ang kapitbahay ay humingi ng iyong tulong, ipagkaloob ito sa kanya. Kung ang kapitbahay ay umuutang sa iyo, pautangin ito (kung may kakayahang pautangin). Kung ang kapitbahay ay isang mahirap, tulungan siya ng pananalapi at tulungan sa kanyang kahirapan (kung ito ay inyong makakayanan). Kung ang kapitbahay ay maysakit, dalawin siya (at tulungan sa kanyang kalagayan). Kung ang kapitbahay ay maligaya sa isang kapakinabangan, batiin siya. Kung ang kapitbahay ay nagdurusa, mag-alay ng pakikiramay. Kung ang kapitbahay ay namatay, makipaglibing (kung may kakayahan). Huwag itaas ang paggawa ng bahay na maaaring humadlang ang pagpasok ng araw at hangin sa kanila. Huwag gambalain ang kapitbahay sa mga amoy na niluluto maliban lamang kung bibigyan ito ng pagkaing niluto. Kung kayo ay namili ng mga prutas (samantalang siya ay walang kakayahang bumili) bigyan siya kahit na kaunti lang. Kung hindi mo nais na bigyan siya, dalhin o ipasok sa tahanan na di ito namamalayan. Huwag hayaan ang iyong anak pagkaraan nito na dalhing palabas ang prutas at ipagmarali sa anak ng kapitbahay.” (Hadith Al Karaitee)
Karagdagan pa nito, ang Islam ay nagbigay ng tatlong uri ng Kapitbahay ayon sa mga sumusunod:Ang Kapitbahay na Kamag-anak
Ang ganitong uri ng kapitbahay ay may tatlong karapatan sa iyo. Ang karapatang pangkamag-anakan, ang karapatang pangkapitbahay, at ang karapatan bilang isang Muslim.
Ang Kapitbahay na Muslim
Ang ganitong uri ng kapitbahay ay may dalawang karapatan; - ang karapatan bilang kapitbahay, at ang karapatan bilang Muslim.
Ang Kapitbahay na di-Muslim
Ang ganitong kapitbahay ay may isa lamang karapatan; -ang karapatan bilang kapitbahay. Si Abdullah Omar , isang kilalang kasamahan ng Sugo ng Allah at Muslim iskolar ay dumating sa bahay minsan. Natagpuan niya na ang kasama niya sa bahay ay nagkatay ng isang tupa. Kaagad siyang nagtanong,”Binigyan mo ba ng tupa ang ating kapitbahay na Hudyo? Narinig ko ang Sugo ng Allah ( s) na nagsabi: “Si Anghel Gabriel ay palagiang nagbibigay payo sa akin na maging mabait sa aking kapitbahay hanggang naisip ko na baka nais niya na ang aking kapitbahay ay gawin kong isa sa aking tagapagmana.” (Tirmidhi)
-
Ang Karapatan ng mga Kaibigan
Isinasaalang-alang ng labis sa Islam ang mga karapatan ng isang kaibigan at ito ay nagtakda ng mga alituntunin na dapat gampanan para sa isang kaibigan. Katulad halimbawa ng mabuting pakikitungo at ang tapat na pagpapayo dito. Ang Propeta ( s) ay nagsabi: “Ang pinakamabuting kaibigan sa paningin ng Allah ay siya na naghahatid ng kabutihan sa kanyang mga kasama, at ang pinakamabuti na kapitbahay ay siya na mabuting makitungo sa kanyang mga kapitbahay.” (Tirmidhi)
Karagdagan pa dito, itinuturo ng Islam na may tiyak na karapatan ang mga kaibigan. Ito ay batay sa pamamatnugot ng Propeta ng Allah ( s) : “Ang pinakamabuting kaibigan at ang pinakamabuting kapitbahay ay ang pinakamabuti sa kanila.” (Tirmidhi)
-
Ang Karapatan ng mga Dukha at Mahihirap :
Ang mga dukha at mga kapus-palad ay may tiyak na karapatan sa Islamikong pamayanan. Sa katunayan, kinalulugdan ng Allah ( y): ang mga nagpapakasakit para sa Kanyang Landas sa pamamagitan ng pagtulong sa mga maralita at dukha sa Islamikong bayan. Ito ay batay sa salita ng Banal na Qur’an: “At sa mga kayamanan ay may kinikilalang karapatan para sa namamalimos at maralita.” [70:24-25]
Itinuturing ng Islam ang mga kawanggawa na ibinibigay sa mga dukha at mahihirap bilang mga pinakamabuting gawain. Sa kabilang dako, ang Islam ay nagbabala sa mga nagtatago at nag-iipon ng kayamanan ngunit hindi gumugugol sa landas ng Allah ( y) Ito ay batay sa Banal na Qur’an: “Hindi (isinasaalang-alang na) isang kabutihan o kabanalan ang ilingon ninyo ang inyong mga mukha sa Silangan o Kanluran (sa panalangin), datapwa’t ang kabutihan at kabanalan ay ang maniwala sa Allah at sa Huling Araw, sa mga Anghel, sa Aklat at sa mga Sugo (Propeta); at ang gumugol ng yaman dahil sa pagmamahal sa Kanya, para sa mga kamag-anak, sa mga ulila, sa mga nangangailangan, sa mga naglalakbay (na walang matuluyan), sa mga humihingi, at sa pagpapalaya ng mga alipin; ang maging mataimtim sa panalangin nang mahinusay (Iqamat-as- Salah), at nagkakaloob ng Zakat (katungkulang kawanggawa), at tumutupad sa kasunduan na kanilang ginawa ; at matatag at matiyaga sa matinding kahirapan at karamdaman, at sa lahat ng panahon ng kagipitan (sa pakikibaka o pakikipaglaban sa Digmaan). Sila ang mga tao ng katotohanan at sila ang mga may takot sa Allah .” (Qur’an 2:177)
Sa ganitong kadahilanan, ang Zakah ay ipinag-uutos bilang pinaka- pangunahing saligan ng Islam. Ang Zakah ay itinalagang bahagdan mula sa mga naipong halaga sa loob ng isang taon. Ito ay buong pusong pagbibigay ng mga Muslim (sa mga maralita at mga nangangailangan) bilang pagsunod sa Kautusan ng Allah ( y) Ang Zakah na ito ay nararapat bayaran ng mga Muslim na may kaukulang naipong sapat na halaga. Ito ay batay sa salita ng Allah ( y) sa Banal na Qur’an: “At sila ay hindi napag-utusan maliban na sila ay sumamba lamang sa Allah, maging matapat sa pananampalataya sa Kanya, panatilihing malinis (wagas) ang relihiyon para sa Kanya sapagkat ang tao ay likas na matuwid. At mag-alay ng pagsamba at magbayad ng kawanggawa (Zakat). Ito ang tunay na Relihiyon.” (Qur’an 98:5)
Kung ang Muslim ay nagkait na magbigay ng kanyang tungkulin para sa Zakah, siya ay itinuturing na hindi mananampalataya. At kung ang mga Muslim (sa isang lugar) ay tumangging magbayad ng Zakah sa mga nangangailangan at maralita, ang Pinuno ng mga Muslim ay may karapatang magtaguyod ng pakikipaglaban sa mga ito hanggang hindi sila sumusunod (sa ipinag-uutos) na magbayad ng Zakah. Sapagkat ang pagtanggi sa pagbabayad ng Zakah ay nakakasama sa mga dukha at mga nangangailangan sa pamayanan ng mga Muslim na mayroong karapatan dito. Batay dito, ang makatuwirang pamamatnubay ng pangalawang Khalifa na si Abu Bakr ay nagtaguyod ng pakikipaglaban sa mga taong tumatangging magbayad ng Zakah. Si Abu Bakr ay ipinahayag ang kanyang bantog na pag-uulat;
“Isinusumpa ko sa Allah! Kung sila ay tumangging magbayad sa akin kahit na katumbas lamang ng isang lubid ng kamelyo na ibinayad nila sa panahon ng Sugo ng Allah, magkagayon ako ay makikipaglaban sa kanila upang mapanumbalik (lamang) muli ang pagbabayad ng kabuuang halaga.”Ang mga Alituntunin at Prinsipiyo sa pagbabayad ng Zakah ay ang mga sumusunod:
- Ang mga nagbabayad ng Zakah ay kinakailangang may sapat na ipon na ang tawag dito ay ‘Nisab’-ang itinakdang pamantayang sukat upang malaman kung ang isang Muslim ay nakaabot sa itinakdang (minimum) na pamantayan ng pagbabayad ng Zakah. Ito ay sapat na halaga na itinakda ng Batas ng Islam. At ang mga ito ay salaping labis pagkaraang mapunan ang mga pangunahing pangangailangan (basic needs). Ang mga mahahalagang pangangailangan ng tao ay ang mga pagkain, pamamahay, mga kasuotan at pangangailangang paglalakbay.
- Ang halagang pambayad ng Zakah ay kailangang naimpok sa loob ng isang taon na hindi nagagalaw (nagagastos) para sa ibang mahahalagang pangangailangan. Kung ang mga ito ay ginugol bago mag-isang taon, ang mga ito ay hindi nararapat para sa Zakah.
Ang mga taong may karapatan sa Zakah ay walong uri at ang mga ito ay batay sa Banal na Qur’an: “Ang As-Sadaqat (ito ay nangangahulugan ng katungkulang kawanggawa, gaya ng Zakah) ay para lamang sa mga Fuqara (mga mahihirap na hindi nagpapalimos) at sa mga Masakin (sa mga mahihirap na nagpapalimos), sa mga nangangasiwa upang mangalap (ng mga Zakah), sa mga tao na ang puso ay nahihilig sa Islam, at para sa pagpapalaya ng mga bihag (alipin), sa mga may pagkakautang, para sa mga nakikipaglaban para sa landas ng Allah (mga Mujahidun), sa mga naglalakbay (na walang mahanapan ng tulong); na ito ay katungkulang itinalaga ng Allah, at ang Allah ay Ganap na Nakakaalam, ang Sukdol sa Karunungan.” (Qur’an 9:60)
Ang halaga ng Zakah ay 2.5% bahagdan ng kabuuang halaga ng mga naipon sa loob ng isang taon. Ipinapatupad ng Islam ang pagbabayad ng Zakah upang maibsan at mapawi ang paghihirap sa Islamikong bayan na siyang banta na maaaring maging sanhi ng mga suliranin na magmumula sa kahirapan, tulad ng pagnanakaw at patayan dahil sa pagnanasa sa mga pag-aari, kagamitan at kayamanan ng iba. Karagdagan pa dito, ito ay nagiging daan sa pagtutulungan para sa panlipunang kagalingan at ikabubuti ng bawat miyembro ng pamayanang Islamiko. Bukod dito, ginaganap ng Zakah ang pangangailangan ng mga kapus-palad at mga maralita at ibinabayad sa mga may utang na walang kakayahang bayaran ang kanilang utang. Dagdag pa rito, ginagawang dalisay at malinis ng Zakah ang mga puso, kaluluwa at kayamanan ng mga nagbabayad nito.
Ang matapat na nagbibigay nito ay naaalis ang pagiging mapag-imbot, kasakiman o karamutan at hindi nagiging makasarili. Ang Allah ( y) ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an: “…At ang sinomang kaluluwa ang nakaiwas sa pagiging mapag-imbot (ng pag-aari ng iba), sila yaong mga magtatamo ng tagumpay.” (Qur’an 64:16)
Zakah purifies the hearts of those who are less affluent since they will have less hatred, jealousy and bitterness against the rich and wealthy class of people of the society because they see that they are paying their just dues and the rights to their poorer brethren.
Bilang karagdagan, ang Zakah ay pinapadalisay ang mga puso ng mga taong hindi nakatamasa ng kasaganaan. Ang mga maralita at kapus-palad ay naiibsan ang kanilang pagkapoot, pagkamuhi, paninibugho at pagseselos laban sa mga mayayamang tao sa Islamikong pamahalaan. Dahil dito nalalaman at nakikita ng mga kapatid na mahihirap ang pagiging maalalahanin at pagmamalasakit ng mga maykaya sa buhay na kanilang mga kapatid. Ang Makapangyarihang Allah ay nagbanta na may matinding kaparusahan sa mga hindi tumutupad at hindi nagbabayad ng Zakah. Ang Allah ( y)ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an: “At huwag hayaan ang mga mapag-imbot na nagtatago sa mga bagay na ipinagkaloob sa kanila mula sa Kasaganaan (kayamanan) ng Allah, nag-aakala na ito ay mabuti sa kanila. Hindi! ito ay higit na masama sa kanila, ang mga bagay na kanilang itinatago ng may kasakiman ay itatali sa kanilang leeg na katulad ng (kadenang) kuwelyo sa Araw ng Muling Pagkabuhay. At ang Allah ang nag-aangkin ng mga pamana ng kalupaan at kalangitan, at ang Allah ang Ganap na nakakabatid ng lahat ng inyong ginagawa.” (Qur’an 3:180)
-
Ang Karapatan ng mga Manggagawa/Pinaglilingkuran
Ang Karapatan ng mga Manggagawa
Ang Islam ay nagpanukala ng alituntunin at regulasyon para sa mga manggagawa at sa nagpapagawa. Ang pinaglilingkuran, batay sa turo ng Islam, ay kinakailangan makapagpatibay ng isang magandang ugnayan sa kanyang mga manggagawa. Ang ugnayang ito ay nararapat na batay sa pagkapantay-pantay, mabuting pakikisama at pagkakapatiran sa Islam. Ito ay nasasalig sa Hadith ng Propeta ng Allah ( s) : “Ang iyong manggagawa ay iyong kapatid. Ang Makapangyarihang Allah ay inilagay sila sa ilalim ng iyong pamamahala (para sa iyong kapakanan). Kinakailangan sa namamahala na pakainin ang kanyang kapatid na manggagawa ng pagkaing tulad ng kanyang kinakain, damitan sila tulad ng iyong kasuotan at huwag bigyan ng gawain ng higit sa kakayahan nila, magkagayon, kailangan tulungan sila (kung mabigat para sa kanila ang naiukol na gawain).” (Bukhari)
Karagdagan pa dito, pinagtibay ng Islam ang karangalan at dignidad ng mga manggagawa. Ang Propeta ng Allah ( s) ay nagsabi: “Ang pinakamabuting (malinis o dalisay) na hanap-buhay ay ang mga nanggagaling sa marangal (at matapat) na manggagawa.” (Mosnad Ahmad)
Bukod dito, ipinapatupad ng Islam sa mga pinaglilingkuran na magtakda para sa kanilang sahod (at magkasundo) sa kanyang manggagawa bago sila magsimula sa gawain. (Baihaqi at Abdul Razzaq in Al-Mosannaf.)
Binigyang katiyakan ng Sugo ng Allah ( y) ang mga karapatan ng manggagawa at maging ang sahod nito na tatanggapin. Ang Sugo ng Allah ( y) ay nagsabi: “Ako ay kaaway ng tatlong uri ng tao sa Araw ng Paghuhukom… at ang isang tao na pinagtrabaho ang manggagawa ngunit hindi niya ito (ganap na) binayaran.” (Bukhari)
Ang Karapatan ng mga Pinaglilingkuran
Pantay na ipinag-uutos ng Islam sa mga manggagawa na panatilihin ang magandang ugnayan nito sa kanyang pinaglilingkuran. Ipinag-uutos ng Islam na tuparin ang kanilang tungkulin at gawain para sa kanilang pinaglilingkuran sa abot ng kanilang kakayahan at talino. Ang mga manggagawa ay hindi dapat magpabaya sa kanilang mga gawain at tungkulin sa anumang dahilan. Ang Sugo ng Allah ( y)ay nagsabi : “Ang Makapangyarihang Allah ay nagnanais sa isang manggagawa na gawin ang kanyang tungkulin sa pinakamahusay (na antas ng paggawa).” (Hadith Abu Ya’la at Baihaqi)
-
Ang Karapatan para sa mga Ibang Nilikha.
Lahat ng alagang hayop ay nararapat ng pakainin ng maayos, malinis na pinangangalagaan at pakitunguhan ng may kabaitan. Ang Sugo ng Allah ( y) ay nagsabi: “Ang isang babae ay nangyaring mapasok sa Impiyerno ng dahil sa isang pusa. Ikinulong niya ang pusa hanggang ito ay namatay. Hindi niya pinakain ang pusa at hindi man lamang pinainom ng tubig at hindi rin pinahintulutang makawala upang humanap ng kanyang makakain.” (Hadith Bukhari at Muslim)
Ang lahat ng hayop ay nararapat na pangalagaan batay sa Islamikong kautusan at aral. Ang mga hayop na nagpapasan o nagdadala ng mga bagay-bagay ay hindi dapat bigyan ng higit na bigat na pasanin na magiging sanhi ng kahirapan nito sa pagpapasan. Ang mga hayop ay hindi dapat saktan, pagmalupitan sa anupamang kadahilanan. Ang Sugo ng Allah ( y) ay nagsabi : “Isinusumpa ng Allah ang isang tao na sinunog (hinero) ang hayop upang lagyan ito ng tanda.” (Hadith Bukhari at Muslim)
Ipinagbabawal din ng Islam sa tao na gawing aliwan ang isang hayop sa pamamagitan ng pagpana nito ng buhay na nagiging sanhi upang ang inosente at kaawa-awang hayop ay magdusa sa kamay ng tao. Isinalaysay ni Ibn Omar nang nadaanan nito ang isang pangkat ng kabataang Quraish na pinapana nila ang isang ibon. Tinanong ni ibn Omar kung sino ay may kagagawan nito. At pagkaraan ay nagsabi:
‘Nawa’y sumpain ng Allah ang taong ginagawang asintahan ang isang buhay na hayop (gaya ng pagpapana sa ibon)’.
At si Ibn Omar ay nagsalaysay tungkol sa isang Hadith na may kaugnayan sa ganitong pagmamalupit sa mga hayop. “Nawa’y sumpain ng Allah ang sinomang nagsagawang asintahan ang buhay na hayop (halimbawa ang pagpana sa isang buhay na nilalang).” (Hadith Bukhari at Muslim)Itinatakwil at kinamumuhian din ng Islam ang pagputol-putol ng katawan ng isang hayop pagkaraan ito ay patayin na walang makatuwirang dahilan. (Hadith Bukhari)
Ipinagbabawal din ng Islam ang pananakot o pananakit sa mga hayop. Ito ay batay sa isang Hadith na isinalaysay ni Ibn Masoud “Kami ay nasa isang pangkat ng Sugo ng Allah. Siya ay umalis upang gumamit ng palikuran. Habang siya ay wala, aming napansin ang isang babaeng ibon kasama nito ang dalawang maliit niyang anak. Aming kinuha ang mga anak nito. Ang ina ng mga maliliit na ibon ay lumipad sa itaas ng ulo ng Sugo ng Allah (na tila nagsusumbong). Nang bumalik ang Sugo ng Allah, napansin niya ang aming ginawa.” Siya ay nagtanong: “Sino ang kumuha ng dalawang maliliit na anak ng ibong ito na siyang sanhi ng kalungkutan at pagdadalamhati nito? Ibalik ang mga anak sa kanyang ina.” (Hadith Abu Dawud)
Ipinag-uutos din ng Islam na gawing magaan ang pagkatay sa isang hayop na ang layon ay upang kainin. Ang Islam ay nagtuturo na hindi dapat iharap ang matalim na kutsilyo sa harapan ng hayop na kakatayin o kaya habang ang mga hayop ay nakikita ito. Ang mga hayop na kakatayin ay hindi dapat bakliin ang mga leeg o kaya ay balatan bago ganap na katayin. Ganoon paman, ang Islam ay nag-uutos na dapat patayin ang mga hayop o insekto na nakapipinsala sa tao. Sapagkat ang buhay ng tao ay banal at mahalaga. Ang tao ang siyang pinakamarangal o dakila sa paningin ng Allah ( y) Katulad ng paliwanag sa naunang paksa, ang tao ang siyang pinakakorona sa lahat ng nilikha. Ang Allah ( y): ay nagsabi: “At tunay nga na Aming pinarangalan ang mga anak ni Adan; pinagkalooban ng masasakyan sa mga lupain at karagatan; At Amin silang ginawaran ng kabuhayan na mabuti at wagas; at Amin silang pinagpala ng higit sa karamihan ng Aming mga nilikha na may tanda ng pagtatangi.” (Qur’an 17:70)
Binigyang-diin ng Islam na maging maawain sa mga hayop. Katotohanan pa nito, ang magandang pangangalaga ng may kabaitan sa mga hayop ay isang paraan ng pagtanggal ng mga kasalanan at ang pagpasok sa paraiso. Ang Sugo ng Allah ( y)ay nagsabi: “Habang ang isang lalaki ay nasa kanyang paglalakbay sa disyerto, siya ay nakadama ng pagkauhaw. Sa paghahanap niya ng tubig, kanyang natagpuan ang isang balon. Siya ay bumaba sa balon ng may kahirapan, uminom siya at umahon. Sa bukana ng balon, napansin niya ang isang ligaw na aso na sinisipsip ang dumi ng dahil sa masidhing uhaw. Napag-isip ng lalaki na ang asong ito ay masidhing uhaw na katulad din niya. At dahil walang matagpuang lalagyan para ibigay sa nauuhaw na aso, inalis niya ang kanyang sapatos, bumabang muli sa balon at pinuno ng tubig ang sapatos, tinanganan niya ang sapatos sa pamamagitan ng kanyang mga ngipin at muling umakyat at umahon mula sa balon. At ipinainom ng lalaki sa aso ang tubig na nasa sapatos. Ang Allah ay tumingin sa lalaking ito ng may awa ng dahil sa ginawang tulong sa aso. Nasiyahan ang Allah sa ginawa ng lalaki at Kanyang pinatawad ang mga kasalanan nito. Ang mga kasamahan ng Sugo ng Allah na nakikinig ay nagtanong:’ kami ba ay ginagantimpalaan sa mga kabutihang ginagawa para sa mga hayop. Siya (Sugo ng Allah ) ay sumagot: ’Oo, ito ay tiyak na mayroong gantimpala sa anumang tulong na ipinagkaloob sa anumang (buhay) humihingang hayop.” (Hadith Bukahri)
Rights Of Plants & Trees
At tungkol naman sa mga halaman at punongkahoy, ipinahihintulot na pakinabangan ang mga bunga ng mga punong kahoy. Ngunit, ipinagbabawal ng Islam na putulin ang isang punong kahoy o putulin ang mga sanga nito ng walang mabuting layon. Kung wala din lamang magandang layunin, ang mga puno o mga halamanan ay hindi dapat sirain o putulin. Sa kabila nito, ipinag-uutos ng Islam na panatilihin ang mga halaman o puno upang ang mga ito ay yumabong. Ito ay batay sa isang Hadith ng Sugo ng Allah ( y) : “Kung ang Araw ng Paghuhukom ay dumating, (at inyong nakita ang pangyayari), habang ang isang tao ay tangan niya ang isang punla ng datiles (upang itanim), hayaang itanim niya kung kaya niyang itanim bago niya lisanin ang buhay sa mundong ito.” (Hadith Musnad Ahmad)
Higit pa nito, isinasaalang-alang din ng Islam ang pagtatanim ng mga halaman at punong kahoy bilang isang gawaing kapaki-pakinabang at pinagpapala ng Allah ( y) Batay ito sa isang Hadith ng Sugo ng Allah ( y): “Walang Muslim na nagtanim ng isang punong-kahoy na ang mga ibon, o tao at maging hayop na kumain mula rito (ng bunga ng punong itinanim) na hindi makakatanggap ng gantimpala sa pagtatanim ng mga punong-kahoy.” (Hadith Muslim)
-
Iba pang mga Karapatan
Tinataguyod din ng Islam ang ilang mga karapatan maging sa mga lansangan o daan at pampublikong daraanan. Ang Sugo ng Allah ( y) ay nagsabi: “Iwasan ang pag-upo sa gilid ng daan.’ Ang mga kasamahan ng Sugo ng Allah ( y) na naroroon nang oras na yaon ay nagsabi: ‘O Sugo ng Allah, ang mga gilid ng mga daan ay lugar para sa amin upang maupo, mag-usap at magpahinga. At hindi namin ito maiwasan.’ Nang marinig nito ng Sugo ng Allah ( y) siya ay sumagot, ‘Kung hindi kayo makaiwas sa pag-upo sa gilid ng daan, samakatuwid, kayo ay magbigay karapatan para sa mga gilid ng daan’. Ang mga kasamahan ng Sugo ng Allah ( y)ay muling nagtanong, ‘O Sugo ng Allah, ano ba ang mga karapatan ng mga (gilid ng mga) daan’. Ang Sugo ng Allah ( y)ay sumagot: “Ibaba ninyo ang inyong paningin (kapag mayroon dumaraan). Iwasan ang pagkakaroon ng pinsala o pananakit sa kaninuman (na nagdaraan). Batiin (ng salam) ang sinomang bumati sa inyo. Kayo ay nararapat na mag-anyaya ng kabutihan at magbawal ng mga kasamaan.” (Hadith Bukhari at Muslim)
Ang Sugo ng Allah ( y)ay nagsabi rin: “Ang pag-alis ng mga nakasasakit na bagay sa daan ay isang uri ng kawanggawa (na ginagantimpalaan at ikinasisiya ng Allah ).” (Hadith Bukhari)
Sinabi rin ng Sugo ng Allah ( y): “Iwasan ang mga kasumpa-sumpang mga bagay’. Ang mga kasamahan ng Sugo ng Allah ( y)ay nagtanong, ‘O Sugo ng Allah, ‘Ano ba ang mga kasumpa-sumpang mga bagay?’ Ang Sugo ng Allah ( y)ay sumagot: ‘Ang pagdumi ng isang tao sa pampublikong daanan at ang pagdumi (o pag-ihi) sa mga lilim na sinisilungan o pahingahan (pasyalan) ng mga tao.” (Hadith Muslim)
Kung ang mga karapatang ito ay hindi naipatupad, ito ay mananatiling mga pangarap lamang na patuloy na inaasam-asam ng tao. At kung wala naman namumuno na maaaring magpatupad ng mga karapatang ito, ang mga mabubuting bunga na maaaring makamtan tungkol dito ay mananatiling mga adhikain lamang na walang katuparan. Ang Sugo ng Allah ( y)ay nagbigay aral na: “Pigilin ang isang mangmang mula sa paggawa ng mga kasamaan.’ Anyayahan siyang gumawa ng mga mabubuting bagay, kung ito ay hindi magawa, ang parusa ng Allah ay mapapasaiyo.”
Upang mapanatili ang mga karapatan sa isang Islamikong lipunan, ipinahayag ng Allah ( y) sa pamamagitan ng Kanyang Sugo ang mga kautusan na huwag lumagpas sa itinakdang hangganan. At ang Allah ( y) ay nagtakda ng mga kaukulang parusa tungkol dito.
Ipinagbabawal ng Islam ang pagpatay sa kaninumang tao. Itinuturing ng Islam ang pagpatay bilang isa sa pinakamalaking kasalanan. Ito ay batay sa pahayag ng Banal na Qur’an: “Huwag kumitil ng buhay na ginawang banal ng Allah, maliban sa makatarungang dahilan. At kung sinoman ang pinatay ng may pagkakamali, Aming ipinagkaloob sa mga naiwan nito, ang karapatang (maningil ng Qisas o di kaya magbigay ng kapatawaran): ngunit huwag siyang lumagpas sa itinakdang hangganan hinggil sa pagkitil ng buhay sapagkat siya ay tinutulungan ng batas.” (Qur’an 17:33)
Ipinagbabawal ng Islam ang pang-aabuso laban sa dangal, karapatan at pribadong pamumuhay. Ang pang-aabuso sa kapwa ay isinasaalang- alang rin ng Islam bilang isang malaking kasalanan. Ang Makapangyarihang Allah ay nagpahayag sa Banal na Qur’an: “At huwag kayong magtangkang lumapit man lang sa bawal na pakikipagtalik; dahil ito ay nakakahiya (Fahishah; paglampas sa hangganan ng pagsuway) at malaking kasalanan at magbubunsod sa ibang daan (ng kasalanan).” (Qur’an 17:32)
Ipinagbabawal din ng Islam ang lahat ng uri ng nakahihiyang gawain o anumang bagay na nag-aanyaya ng kalaswaan sa Lipunan. Samakatuwid, lahat ng gawain na maaaring magbigay daan ng kalaswaan ay ipinagbabawal din ng Islam. Ang Makapangyarihang Allah ay nagpahayag: “Ipahayag! Halina kayo, aking bibigkasin (sa inyo) kung ano ang mga ipinagbabawal ng Allah sa inyo; huwag kayong magtambal ng anupaman sa pagsamba sa Kanya, maging mabuti at masunurin sa inyong mga magulang, huwag ninyong patayin ang inyong mga anak dahil sa kahirapan; Kami ang nagkakaloob ng ikabubuhay nila at ninyo, huwag kayong lumapit sa kahiya-hiyang kasalanan (bawal na pakikipagtalik at iba pa), kahit na ito ay ginawa ng lantad o lingid, at huwag kayong pumatay ng sinomang ipinagbawal ng Allah, maliban kung ito ay sa makatarungang dahilan (na ayon sa Batas Islamiko). Ito ay kanyang ipinag-utos sa inyo upang kayo ay makaunawa.” (Qur’an 6:151)
Ipinagbabawal ng Islam ang lahat ng uri ng pang-aabuso laban sa kayamanan at ari-arian ng ibang tao. Samakatuwid, lahat ng uri ng pagnanakaw at pandaraya ay ipinagbabawal sa Islam. Ito ay batay sa Hadith ng Sugo ng Allah ( y): “Sinoman ang mandaraya ay hindi nabibilang sa atin.” (Hadith Muslim)
Ang pagpapatubo ay mahigpit na ipinagbabawal sa Islam. Ang Makapangyarihang Allah ay nagbigay pahayag mula sa Banal na Qur’an: “…Yaon ay sapagkat kanilang sinasabi: “Ang kalakal ay katulad ng patubuan (interest)” ngunit pinahintulutan ng Allah ang kalakalan at ipinagbawal ang patubuan (interest)...” (Qur’an 2:275)
Ipinagbabawal ng Islam ang lahat ng uri ng pandaraya at pagtataksil. Ang Makapangyarihang Allah ay naghayag: “O kayong mananampalataya! Huwag magtaksil (o sirain) ang tiwala ng Allah at ng Kanyang Sugo. At huwag lustayin ang mga bagay na ipinagkatiwala sa inyo.” (Qur’an 8:27)
Ipinagbabawal din ng Islam ang Monopoliya. Ayon sa salaysay ng Sugo ng Allah ( y): “Walang gumagawa ng monopoliya maliban sa isang makasalanan.” (Hadith Muslim)
Ipinagbabawal din ng Islam ang lahat ng uri ng Suhol. Ang isang Hadith ng Sugo ng Allah ( y)ay nagbigay babala tungkol dito: “Nawa’y isumpa ng Allah ang nagbibigay suhol at tumatanggap nito.” (Hadith Ibn Hibban)
Kaugnay nito, ang pagbabawal ay ipinag-uutos din tungkol sa mga makasalanang pamamaraan ng pagkuha o pagkakakitaan ng salapi. Ang Makapangyarihang Allah ay nagpahayag batay sa Banal na Qur’an: “At huwag lustayin ang inyong mga ari-arian sa pamamagitan ng luho at huwag gamitin ito para sa pagsuhol sa Hukom na maaaring maglayon ng maling pag-iimbot at paglustay sa ari-arian ng ibang tao.” (Qur’an 2:188)
Isinusumpa ng Islam ang pang-aabuso sa kapangyarihan o katayuan upang makamtan lamang ang sariling kapakinabangan mula rito. Sinomang nagsamantala sa pamamagitan ng pang-aabuso sa kanyang tungkulin o kapangyarihan ay nararapat na ang lahat ng kanyang ari-ariang nagmula sa pang-aabuso ng tungkulin ay ilagay sa kaban ng pamahalaan. Ito ay batay sa isang Hadith ng Sugo ng Allah ( y): “Sinabi ng Sugo ng Allah kay Ibn-ul- Lutbiyyah na itinalaga bilang tagapangasiwa ng mga koleksiyon ng Zakat, nang ang tagapangasiwa ng zakat ay hinati ang mga koleksiyon sa dalawang pangkat, ang isa ay para sa Kaban ng Pananalapi at ang isa namang bahagi ay inako bilang mga handog at alay na ipinagkaloob sa kanya. Nagalit ang Sugo ng Allah nang marinig niya ito mula sa tagapangilak. Tumayo ang Sugo ng Allah at nagbigay papuri sa Allah at pagkaraan ay nagsalita. “Ako ay nagtalaga ng ilan sa inyo sa pagsasagawa ng tungkuling ipinagkatiwala ng Allah sa akin. Pagkaraan, ang tagapangilak ay bumalik at nagsabing; Ang bahaging ito ay sa iyo at ang bahaging ito ng napangilak para sa Zakah ay ibinigay na handog para sa akin. Bakit hindi subukan ng ganitong tao na umupo sa tahanan ng kanyang ama o ina at pagmasdan kung mayroong mga tao na magbibigay sa kanya ng handog o alay? Isinusumpa ko sa Allah na Siyang may tangan ng aking kaluluwa, kung ang isang tao ay kumuha sa kaban ng Zakah, ito ay papasanin niya sa kanyang leeg (at balikat) sa Araw ng Paghuhukom.”
Ipinagbabawal din ng Islam ang lahat ng uri ng nakalalasing na bagay na nakakasira sa kaisipan ng gumagamit nito. Ito ay batay sa kapahayagan ng Banal na Qur’an: “O kayong mananampalataya! Ang “Khamar” at (lahat ng uri ng inuming nakalalasing, nakalalango at nakakasira ng katinuan ng isip), ang Sugal, ang Al Anzab at Al Azlam (mga palaso sa paghahanap ng kapalaran) ay kasuklam- suklam na gawain ni Satanas. Kaya’t (mahigpit) na talikdan (ang lahat ng gayong kasuklam-suklam na bagay) upang kayo ay maging matagumpay.” (Qur’an 5:90)
Ipinagbabawal din ang anumang uri ng pananakit sa mga tao o hayop katulad ng pagpalo at iba pang masamang gawain katulad ng paninirang puri, paggawa ng masasamang salita, pagsaksi ng walang katotohanan. Ito ay batay sa kapahayagan ng Banal na Qur’an: “Ang yaong yumayamot sa mga mananampalatayang lalaki at babae, ipataw sa kanilang mga sarili ang paninira at malaking kasalanan.” (Qur’an 33:58)
Karagdagan pa nito, ang Islam ay pinangangalagaan ang puri at dangal ng iba. Magkagayon, kinamumuhian ang paninirang puri. Ang Makapangyarihang Allah ay nagsabi: “O kayong mananampalataya! Iwasan ang panghihinala hanggang maaari: sapagkat ang panghihinala sa ibang pagkakataon ay isang kasalanan: at huwag maniktik sa kapwa o di kaya magsalita ng masama sa iba ng talikuran. Nais ba ninyo na kainin ang laman ng iyong kapatid na yumao? Ah, ito ay inyong pakaiwasan. Magkagayon, matakot sa Allah: sapagkat ang Allah ay lagi ng tumatanggap ng mga taong nagbabalik loob, ang Maawain.” (Qur’an 49:12)
Ang Allah ( y): ay nagpahayag din ng isang kautusan na umuugnay sa mga gawaing di kanais-nais: “Kung inyong matagpuan ang isang tahanan na walang tao, huwag pumasok maliban kung may kapahintulutan; kung kayo ay inutusang umalis, kayo ay humayo: ito ay makapagbibigay ng higit na kalinisan sa inyong mga sarili: at ang Allah ay nakababatid ng ganap sa lahat ng inyong mga gawa.” (Qur’an 24:28)
Ipinag-utos din ng Islam ang lahat ng uri ng gawaing di makatarungan laban sa kapariwaraan ng kaluluwa. Ito ay batay din sa kautusan mula sa Allah ( y) na matatagpuan sa Banal na Qur’an: “Ipinag-utos ng Allah ang katarungan, ang paggawa ng kabutihan, ang pagiging mapagbigay sa mga malalapit na kamag-anak, at ipinagbawal Niya ang lahat ng nakahihiyang gawain, ang di makatarungan at ang paghihimagsik. Siya ay nagbigay kautusan upang sakali kayo ay makatanggap ng babala. Tuparin ang kasunduan sa Allah kapag kayo ay pumasok (sa kasunduan) at huwag sirain ang pangako pagkaraang ito ay inyong tinanguan. Katotohanan, itinalaga mo ang Allah bilang tagapamagitan (surety); sapagkat ang Allah ang nakaaalam ng lahat ng inyong gawa.” (Qur’an 16:90-91)
Bilang pagbibigay patunay nito, isang Hadith Qudsi ng Sugo ng Allah ang nagbigay inspirasyon. Ang Allah ( s) ay nagsabi: “O aking mga alipin! Ipinagkait Ko sa Aking Sarili ang pang-aabuso (pang-aapi) gawang di makatarungan. (Kayat) Ipinahayag Ko ang pagbawal sa pagiging di makatarungan sa mga tao. Samakatuwid, huwag gumawa (o magsanhi) ng anumang gawang di makatarungan sa isa’t isa.” (Hadith Muslim)
Hindi tinatanggap ng Allah ang di makatarungang gawain maging ito ay sa pagkakaroon ng di magkakatulad na relihiyon at paniniwala. Ipinag-utos ng Allah sa mga Muslim na maging mabait at makatarungan sa mga di-Muslim lalo na yaong naninirahan sa Islamikong pamayanan at lipunan. Ang Allah ay nagpahayag batay sa Banal na Qur’an: “Hindi ipinagbabawal ng Allah ang makipag-ugnayan o makitungo ng may katarungan at kabaitan sa mga taong hindi nakikipaglaban sa inyo (tungkol sa inyong Pananampalataya) at silang hindi nagtataboy sa inyong mga tahanan: sapagkat minamahal ng Allah ang mga makatarungan.” (Qur’an 60:8)
Ipinagbabawal ng Islam ang paghamon sa mga di-Muslim sa larangan ng kanilang relihiyon, sapagkat ito ay nagbibigay daan ng hidwaan sa magkabilang panig. Ang Banal na Qur’an ay nagsabi: “Huwag hamakin (alipustain) yaong kanilang mga dinadalanginan bukod sa Allah sapagkat maaari nilang hamakin (alipustain) ang Allah ng may kamangmangan...” (Qur’an 6:108)
Sa kabila nito, ipinag-utos ng Allah ( y)sa mga Muslim na maging pantay at gawing kaaya-aya ang pakikipagtalakayan sa kanila. Ayon sa Banal na Qur’an: “Sabihin: O, angkan ng mga Kasulatan ! halina sa isang kasunduang namamagitan sa inyo at sa amin: na tayo ay walang dapat sambahin maliban sa Allah; na hindi tayo magbibigay ng anumang katambal sa Kanya sa pagsamba, at hindi tayo magtatag mula sa ating mga sarili ng anumang mga Panginoon at patron maliban sa Allah. At kung sila man ay tumalikod, ito ay iyong sabihin: Ikaw ay saksi na kami ay Muslim (na yumuyuko sa Kalooban ng Allah).” (Qur’an 3:64)
Ipinatitigil ng Islam ang lahat ng uri ng katiwalian maging ito ay panlipunan, politikal o moral na kasalanan. Ito ay batay sa Banal na Qur’an: “Huwag gumawa ng katiwalian sa mundo pagkaraang ito ay pinagtibay bagkus dumalangin sa Kanya ng may takot at pagsusumamo (sa inyong mga puso) sapagkat ang Awa ng Allah ay (lagi) malapit sa mga gumagawa ng kabutihan.” (Qur’an 7:56)
Hindi rin tinatanggap o di inaayunan ng Islam ang pilitin ang mga di- Muslim na pumasok o yumakap sa Relihiyong Islam. Ang Makapangyarihang Allah ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an: “Kung niloob lamang ng inyong Panginoon, silang lahat sa buong mundo ay tunay nga na maniniwala! Pipilitin mo bang maniwala ang sangkatauhan ng laban sa kanilang kalooban?” (Qur’an 10:99)
Hindi naman nangangahulugan na ang mga Muslim ay hindi dapat mag-anyaya sa mga di-Muslim na yumakap sa Islamikong paniniwala sa nag-iisang Diyos sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mensahe ng Allah ( y)sa mga mamamayan. Ang mga Muslim ay nararapat na manawagan o mag-anyaya sa paraang maayos, makatuwiran at magandang pakikipag-ugnayan. Ang Islam ay mayroong pangkalahatang layunin at hindi lamang ito nakalaan sa isang partikular na lugar o lahi o mamamayan. Tungkulin ng mga Muslim na iparating ang mensahe ng Islam sa lahat ng tao ngunit hindi tungkulin ng Muslim na piliting yumakap sa Relihiyong Islam ang sinoman. Ang tunay na patnubay ay nasa mga kamay ng Allah ( y)lamang at wala sa kamay ng sinomang tao.
Ipinag-uutos ng Islam ang pamamalakad ng kanilang pamahalaan sa pamamagitan ng sanggunian. Ang sanggunian ay isang pangunahing Prinsipiyo ng Islam. Ang prinsipiyo ng sanggunian ay pinahihintulutan sa mga pagkakataong ang mga suliranin o paksang tinatalakay ay hindi binabanggit ng Qur’an o Sunnah. Ang sanggunian ay itinatag (ang Allah, U, ang lubos na nakaalam) upang ang mga tao o mamamayan ay malayang lasapin ang mga karapatan sa Islamikong Lipunan. Ang Allah ( y)ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an: “…at sila ang namamalakad ng kanilang mga gawain sa pamamagitan ng pinagkaisang sanggunian…” (Qur’an 42:38)
Binigyan-diin ng Allah ( y)ang kahalagahan ng pagpapatupad at pagpapairal ng prinsipiyong sanggunian sa Islamikong Lipunan o Pamahalaan upang maging isang huwarang pamamaraan ng buhay. Ang Makapangyarihang Allah ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an: “Ito ay bahagi ng Awa ng Allah na kayo ay (napag-utusang) makipag- ugnayan sa kanila sa paraang may kabaitan. Kung ikaw ay naging malupit at matigas ang puso, sila ay lalayo mula sa iyo; kaya’t maging mapagpaumanhin sa kanilang pagkukulang, at dumalangin sa Allah para sa kanilang mga kasalanan; at sumangguni sa kanila sa mga gawain (pansamantala). Pagkaraan, kapag ikaw ay nagkaroon na ng pagpapasiya, magtiwala sa Allah. Sapagkat minamahal ng Allah ang nagtitiwala (sa Kanya).” (Qur’an 3:159)
Ipinag-uutos ng Allah ( y)na lahat ng magkakaugnay na karapatan ay ipagkaloob sa sinomang karapat-dapat bigyan. Ang ganap na katarungan ay lagi ng ipinag-aanyaya ng Islam para sa tao. Ayon sa Banal na Qur’an, ang Allah ( y)ay nagbigay aral: “Ipinag-uutos ng Allah na ibalik ang ipinagkatiwala sa inyo mula sa tao na ang tiwala ay nauukol para dito at kung magbibigay hukom sa pagitan ng dalawang tao, maging makatarungan; tunay na napakaganda (napakabuti) ng aral na ipinagkaloob Niya sa inyo! Sapagkat ang Allah ay Siyang nakaririnig at nakakakita ng lahat ng bagay.” (Qur’an 4:58)
Ipinag-uutos din ng Allah ( y)na tulungan ang mga naaapi maging sa pamamagitan ng lakas. Ito ay batay sa Banal na Qur’an: “At ano ba ang humahadlang sa inyo, na kayo ay hindi nakikipaglaban para sa landas ng Allah, at sila na mahihina, ang mga pinakikitunguhan ng mga masasama at inaalipusta sa lipon ng mga kalalakihan, kababaihan at mga bata na ang pagsusumamo ay: Aming Panginoon! Iligtas Ninyo kami sa bayang ito na ang mga tao ay mapang-api, Inyong ipagkaloob sa amin mula sa Inyo ang isang tagapagtanggol, at Inyong ipagkaloob sa amin mula sa Inyo ang isang makakatulong at isang makapangangalaga.” (Qur’an 4:75)
Sa pananaw ng katotohanan na mayroong mga pangkat ng mamamayan, na naunang binanggit sa aklat na ito, na hindi magiging mabuti kung walang puwersahang paggamit ng lakas laban sa kanila samakatuwid ang Islam ay nagtatag ng makapangyarihang pamamaraan. Ang pamamaraang ito ay magbibigay ng katiyakan sa lahat ng mamamayan na makamtan o malasap ang mga magkakaugnay na mga karapatan sa Islamikong Lipunan. Ang pamamaraang ito ang siyang mamamalakad o susubaybay sa pagpapairal o pagpapatupad ng mga nabanggit na karapatan at pigilin ang pang-aabuso o pang-aapi sa Islamikong Lipunan. At ang pamamaraang ito ay mayroong karapatan upang ilapat din ang mga naturang parusang laban sa mga taong mapang-abuso o mapang-api at yaong lumalabag sa batas ng Islamikong Lipunan. Ang sumusunod na paksang tatalakayin ay isang maikling paglalahad ng iba’t ibang pamamaraan ng Islam na siyang bumubuo ng pangkalahatang pamamaraan nito.