Ang Publiko At Pribadong Karapatan Sa Islam

Ang Mga Karapatan Ng Makapangyarihang Allah

Ang mga pangunahing mga karapatan ng tao sa Allah ( y) ay ang Sambahin Siya ng Ganap at Lubos at wagas. Ang Allah ( y) ay hindi dapat bigyan ng anumang pagtatambal o pag-uugnay sa pagiging Diyos at walang dapat iugnay na anak sa Kanya ( y). Wala Siyang kahati o kasalo sa pagiging Diyos. Ang lahat ay kanyang nilikha at Siya ang Tanging Nag-iisang Tagapaglikha. Ang tao ay dapat magpahayag ng pagsaksi sa katotohanan. Ang tao ay dapat magpahayag ng panunumpa at pagsaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah ( y). Ang pagpapahayag at pagsaksi nito ay nangangailangan ng mga sumusunod na patakaran:

  • Ganap na Pananampalataya, Pananalig, at Paniniwala

    Dapat isuko ng tao ang kanyang buong pagkatao at kaisipan sa pananampalataya, pananalig at paniniwala sa Allah ( y). Nararapat niyang ipahayag ng may katapatan at buong puso ang pagtanggap na walang ibang diyos maliban sa Allah ( y). Siya, bilang Diyos, ay walang kasama, katulong o anak o maging anupaman. Sa Allah ( y) ang pagmamay-ari ng lahat ng nasa kalangitan at ng kalupaan at mga bagay na nasa pagitan ng mga ito. “Dapat na malaman na walang ibang diyos maliban sa Allah at humingi ng kapatawaran para sa inyong mga kakulangan at para sa mga lalaki at babaeng may paniniwala: sapagkat ang Allah ay nakababatid kung paano kayo kumilos at kung paano kayo mamahay sa inyong mga tahanan.” (Qur’an 47:19)
  • Ang Tanging Pagsamba at Tuwirang Pagdalangin

    Ang ganap na pagsamba ay para lamang sa Allah, ang Panginoon ng lahat ng nilikha. Bukod sa Kanya ay wala ng iba pang dapat sambahin tuwiran man o hindi tuwiran. Lahat ng pananalita, gawa, kilos at natatagong layunin ay nararapat na umaalinsunod sa anumang ipinag- uutos o itinakda ng Allah ( y). Lahat ng gawain ay nararapat na ginagawa para sa kasiyahan ng Allah ( y). Ang Makapangyarihang Allah ay nagsabi: “Ang inyong Panginoon ay nagsabi: ‘Dumalangin sa Akin; Aking kayong diringgin (ang inyong dalangin): ngunit silang mapagmataas (di sumusunod) upang maglingkod sa Akin, katiyakang kanilang matatagpuan ang sarili sa Impiyerno, ng may kahihiyan.” (Qur’an 40:60)
    Isang halimbawa ng pagsamba ay ang pagsasagawa ng itinakdang pagdarasal (salah). Ang isa sa bunga ng pagsasagawa at pagsasakatuparan ng naturang pagdarasal ay upang mag-anyaya sa paggawa ng mga kabutihan at pigilin ang mga gawaing makasalanan. Ang Allah ( y) ay nagsabi batay sa pahayag ng Banal na Qur’an: “Bigkasin kung ano ang ipinahayag mula sa Aklat (Qur’an) sa pamamagitan ng inspirasyon sa iyo, at magsagawa ng palagiang pagdarasal; sapagkat ang pagdarasal ay pumipigil mula sa mga nakahihiya at di makatarungang gawa; at ang pagbibigay ala-ala sa Allah ay pinakadakilang (bagay sa buhay) na walang alinlangan. At nababatid ng Allah ang inyong mga gawain.” (Qur’an 29:45)

Ang pagbabayad ng Zakah, ang itinakdang kawanggawa sa mga kapuspalad at mahihirap ay ginagawang malinis at wagas ang sarili. Inilalayo ang tao mula sa karamutan at kasakiman. Ang taong nagbibigay ng kawanggawa ay nagiging mapagbigay at maalalahanin sa kapwa lalo sa mga mahihirap at dukha. Ang Allah ( y) ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an: “Yaong gumugugol ng kanilang mga yaman para sa karagdagang paglilinis at pagiging wagas ng sarili, at sa kanilang isipan ay walang inaasahang kapalit mula sa mga pinagbigyan, isang gantimpala mula sa Allah ang nakalaang kapalit nito. Ngunit (sila na nagkakawanggawa) ay naghahangad lamang upang masilayan ang mukha ng kanilang Panginoong Kataas-taasan” (Qur’an 92:18-20)

Ang pag-aayuno ay nagtuturo sa tao na maging matiisin at pinipigil ang sarili laban sa mga masamang pagnanasa at mga tukso. Ito ay nagbibigay ng mabuting pagdidisiplina at nagbibigay kakayahan sa tao upang madama nito ang diwa ng kabanalan at pagiging maka-diyos, isang konsepto na mahirap bigyan ng katugunan at ilarawan. Mula sa Banal na Qur’an, ang Allah ( y) ay nagsabi: “O kayong mananampalataya! Ang pag-aayuno ay ipinag-utos sa inyo katulad ng pag-uutos sa mga naunang mamamayan sa inyo, upang kayo ay magkaroon (at matuto) ng pagpipigil sa sarili.” (Qur’an 2:183)

Ang pagsasagawa ng Hajj (pagdalaw sa Makkah) ay mayroong natatanging kadahilanan sapagkat ang Allah ( y) ay nagsabi: “Na kanilang masaksihan ang mga kabutihang (ipinagkaloob) para sa kanila, at ipagdiwang ang pangalan ng Allah, mula sa mga Araw na Itinakda, sa (pamamagitan ng pagkatay ng) hayop na Kanyang ipinagkaloob; sa gayon kayo ay kumain mula dito at ipamahagi (o ipakain) sa mga kapuspalad na nangangailangan.” (Qur’an 22:28)

Ang lahat ng uri ng pagsamba sa Islam ay maaaring isagawa at isakatuparan ng isang taong may kakayahang isagawa at tuparin ang mga ito na ipinag-utos ng Allah ( y) bilang tungkuling ipinataw sa balikat ng isang taong nagnanasang maglingkod sa kanyang Panginoon, ang Allah ( y). Ang Islam ay likas at praktikal na relihiyon. Hindi itinakda ng Allah ( y) ang isang gawain sa tao ng hindi nito makakayanan. Batay sa Banal na Qur’an ang Allah ( y) ay nagsabi: “…Ang Allah ay naglalayon ng lahat ng gaan para sa inyo. Hindi Niya nais na ipataw sa inyo ang kahirapan (sa pagsasakatuparan ng tungkulin)...” (Qur’an 2:185)

At ito ay pinagtibay naman ng isang Hadith mula sa Sugo ng Allah ( y): “Kung ipinag-utos ko sa inyo ang isang gawain, gawin ito sa abot ng inyong makakayanan.” (Bukhari)

Ang mga gawaing pagsamba, magkagayunman, ay maaaring ganap na talikdan na may kapahintulutan sa pagkakataong may nahaharap na kahirapan sa pagsasagawa nito. Ang pahintulot na ito ay hindi maaaring isaalang-alang bilang pagtalikod sa mga gawaing pagsamba. Halimbawa, ang pagtayo ay kailangan sa pagsasagawa ng pang-araw- araw na pagdarasal. Kung ang isang mananampalataya ay walang kakayahang tumayo upang magsagawa ng pagdarasal, maaari niya itong isagawa ng nakaupo. Kung hindi niya magawa sa pamamagitan ng pag-upo, maaari niyang isagawa ito sa nakahilig ang sarili sa katawan niya sa ganoong kalagayan o sa anumang paraan na magaan sa kanyang kalagayan. At kung ang mananampalataya ay hindi magawang tuparin ang pagdarasal sa alinmang nabanggit sa itaas, maaari niyang isagawa ito sa pamamagitan ng paggalaw ng kanyang mga mata at maaari niyang isagawa sa pamamagitan ng senyas para sa pagtayo, pagyuko, pagsubsob at pag-upo. Katulad din naman ng isang lalaking Muslim na may tungkuling isagawa ang pagdarasal sa Masjid (sama-samang pagdarasal). Ang patakarang ito, gayunpaman, ay maaaring hindi na isaalang-alang kung mayroong pinangangambahang masamang mangyayari, sa labis na lamig o init ng panahon, pag-ulan at iba pang kalagayan. Sa pagsasagawa ng Wudhu, (paghuhugas ng ilang bahagi ng katawan bago ang pagdarasal) ang tubig ay siyang pangangailangan ngunit kung ito ay wala, ito ay maaaring ipagpaliban at magsagawa ng tayamum, (dry Ablution). Ang isang babae ay hindi kinakailangang magdasal sa panahon ng pagdurugo o pagkaraan ng kanyang panganganak hanggang malagpasan niya ang mga panahong iyon. At ang mga nakaligtaang pagdarasal ay hindi nangangailangan ng kabayarang dasal.

Ang isang Muslim, babae man o lalaki ay hindi kailangang magbayad ng Zakah kung ang kanyang naipong salapi ay hindi umabot sa itinakdang Nisab (ang hangganang pamantayan ng pagbabayad ng Zakah).

Ang isang matanda na walang kakayahang mag-ayuno at ang maysakit na mahihirapang mag-ayuno ay ligtas mula sa pag-aayuno. Kailangan lamang na sila ay magbayad sa pagpapaliban sa pamamagitan ng pagpapakain ng isang mahirap na tao sa bawat araw ng kanilang pagliban sa pag-aayuno. Ang naglalakbay ay maaaring hindi mag-ayuno sapagkat ang paglalakbay ay may kaakibat na hirap at pagod. Maging ang babaeng nasa kabuwanang pagdurugo at panganganak ay ligtas sa itinakdang pag- aayuno. Kinakailangan lamang nilang bayaran ito sa panahong wala na ang pagdurugo.

Ang Hajj, ay hindi tungkulin ng isang walang kakayahang magsagawa nito sa dahilan ng kawalan ng kalusugan o pananalapi. Datapwa’t ang taong may kakayahang salapi ngunit ang katawan ay walang kakayahan, ay maaaring magbayad sa isang tao upang isagawa ito para sa kanya. Ang isang taong walang kakayahang pananalapi ay kinakailangan munang asikasuhin ang pangangailangan ng kanyang pamilya bago siya magkaroon ng tungkuling pagsasagawa ng Hajj. Ang Banal na Qur’an ay nagsabi: “Naririto ang palatandaang hayag (malinaw): Ang yapak ni Abraham, na sinoman ang pumasok rito ay makakamtan ang kapanatagan; ang paglalakbay (Hajj) ay isang tungkulin ng tao sa Allah na dapat tuparin, silang may kakayahan sa paglalakbay; ngunit sinoman ang nagtakwil ng pananampalataya, walang anumang pangangailangan ang Allah mula sa Kanyang mga nilikha.” (Qur’an 3:97)

Kung ang tao ay nakakaranas ng kakulangan ng pinahihintulutang pagkain at siya ay nasa bingit ng kamatayan, siya ay pinahihintulutang kumain ng pagkaing ipinagbabawal (katulad ng laman ng baboy). Ang pagkain na ipinagbabawal ay naglalayon lamang upang matighaw ang pansamantalang gutom. Ang kautusang ito ay batay sa Banal na Qur’an: “Ipinagbabawal Niya ang (pagkain ng) laman ng patay na hayop, at ang dugo, at ang laman ng baboy, at iba na kinatay sa ngalan ng ibang sinasambang mga diyos-diyosan bukod sa Allah . Ngunit sa tawag ng mahigpit na pangangailangan, na hindi naglalayong sumuway o di kaya lumagpas sa kaukulang hangganan, magkagayon, siya ay hindi nagkasala (kung siya man ay nakakain). Sapagkat ang Allah ay Lagi ng Mapagpatawad, Ang Maawain.” (Qur’an 2:173)

Si Sayyid Qutub, isang kilalang iskolar, ay nagbigay puna tungkol sa talatang nabanggit sa itaas, “Ito ay isang paniniwala o isang relihiyon, na tinatanggap (o kinikilala) ang sangkatauhan bilang tao. Ang tao ay hindi tinitingala bilang anghel o di kaya isang demonyo. Ang tao ay isinasaalang-alang ayon sa kanyang kakayahan. Ang lahat ng kanyang kahinaan ay isinasaalang-alang din sa larangan ng kanyang pagsasakatuparan ng tungkulin sa pagsamba. Ang kanyang lakas ay isinasaalang-alang din sa larangan ng pagsasakatuparan ng kanyang tungkulin sa Islam. Samakatuwid, ang tao ay tinitingala at itinuturing sa kanyang kabuuang pagiging tao. Ang kaluluwa ng tao, ang kanyang pisikal na pangangailangan, likas na pagnanasa, kakayahang pangkaisipan, damdamin at iba pang pangangailangan ay lahat ay isinasaalang-alang sa pagsasagawa ng mga ibat ibang uri ng pagsamba. Walang pagpapahirap o pagpapasan ang ipinapataw sa kanya ng higit sa kakayahan ng tao.”

Ang isang mananampalataya ay iniuutusang magkaroon ng ganap na paniniwala at pananalig sa mga Pangalan o Banal na Katangian na tinataglay ng Allah ( y) sa Kanyang Sarili o yaong mga Katangian na ipinahayag o sinabi ng Sugo ng Allah ( y). Ipinagbabawal sa tao na magbigay o mag-ugnay ng anumang katangian o pangalan sa Allah ( y) na hindi naman ipinahayag o sinabi ng Allah ( y) o maging ng Kanyang Sugo Ang isang mananampalataya ay hindi dapat magbigay ng walang kabuluhang pagpapaliwanag o magbigay ng pagkakahalintulad o paghahambing tungkol sa mga katangian o pangalan ng Allah ( y) batay lamang sa kanyang sariling haka-haka o pala-palagay. Ito ay batay sa pahayag ng Banal na Qur’an: “…Walang anuman ang makakatulad (at makakapantay) Niya. At Siya ang nag-iisang (ganap) na nakaririnig at (ganap) na nakakakita sa lahat ng bagay.” (Qur’an 42:11)

Ang tao ay kinakailangang ibigay ang kanyang ganap na pagtalima at pagsuko sa Kalooban ng Allah ( y). Ito ay ipinahahayag sa pamamagitan ng tapat na pagsunod sa lahat ng Kautusan ng Allah ( y). Ito ay batay sa kautusan na nakatala sa isang talata ng Banal na Qur’an: “Hindi naaangkop sa isang mananampalataya, lalaki o babae, na kapag ang isang bagay ay napagpasiyahan na ng Allah at ng Kanyang Sugo, na magkaroon pa ng ibang pagpipilian hinggil sa kapasiyahan: sinoman ang nagnasang sumuway sa Allah at sa Kanyang Sugo, siya ay tunay na nasa maling landasin.” (Qur’an 33:36)

Ang mananampalatayang Muslim ay nararapat na bigyang ganap at wagas ang pagmamahal niya sa Allah ( y) at maging sa Sugo ng Allah . Ang pagmamahal na ito ay kailangang mangibabaw kaysa sa kaninumang pagmamahal. Ang kautusang ito ay batay sa Banal na Qur’an na nagpahayag ng ganito: “Sabihin: Kung ang inyong mga ama, ang inyong mga anak, ang inyong mga kapatid, ang inyong mga asawa o kamag-anak, ang inyong kayamanan na inyong pinagkitaan, ang inyong kalakal na inyong pinangangambahang mabawasan, o ang inyong mga tahanan ng inyong kinagigiliwan- ay higit ninyong minamahal kaysa sa Allah, o ng Kanyang Sugo o ang pakikipaglaban sa landas ng Allah—kung gayon inyong hintayin ang tungkol sa pasiya ng Allah at hindi pinapatnubayan ng Allah ang mga naghihimagsik.” (Qur’an 9:24)


Ang Karapatan ng Propeta Muhammad

Sa maikling salita, ang mga karapatan ng Propeta Muhammad ( s)ay mailalahad batay sa pagpapahayag na, “Si Muhammad ay Sugo at Alipin ng Allah ”.

Ang pagpapahayag na ito ay nangangailangan ng mga sumusunod:

  • Ang paniniwala sa pangkalahatang mensahe (universality) ng Propeta Muhammad ( s)sa buong Sangkatauhan. Ang Islam ay hindi nakalaan sa isang partikular na lahi ng tao. Ito ay para sa buong sangkatauhan. Hindi ito katulad ng mga naunang Propeta na isinugo lamang para sa kani-kanilang mamamayan ngunit ang mensahe ni Propeta Muhammad ( s)ay para sa lahat. Ito ay batay sa pahayag ng Banal na Qur’an: “Sabihin: O sangkatauhan! Ako ay isinugo sa inyo bilang Sugo ng Allah, na Siyang nagmamay-ari ng kapamahalaan ng mga kalangitan at ng kalupaan : walang ibang diyos maliban sa Kanya : Siya ang nagbigay buhay at kamatayan. Kayat, maniwala sa Allah at sa Kanyang Sugo, ang di nag-aral na Propeta, na nananalig sa Allah at sa Kanyang Salita : sumunod sa kanya upang kayo ay mapatnubayan.” (Qur’an 7:158)
  • Ang paniniwala na ang Sugo ng Allah, si Propeta Muhammad ay ganap na pinangalagaan laban sa makataong pagkakamali. Hindi nagkamali o nag-iwan ng anumang kakulangan ang Propeta Muhammad ( s) sapagkat ang kanyang mensahe ay binigyang kaganapan. Ang Banal na Qur’an ay nagsabi: “Hindi siya nagsasabi batay sa kanyang sariling pagnanasa.” (Qur’an 53:3)

    Ang ganap na paniniwala na si Propeta Muhammad ang siyang Huling Sugo at Propeta para sa sangkatauhan at siya ay mula sa kawing ng mga Propeta ng Allah ( y) Siya ang pinakamahusay sa lahat ng mga Propeta at Sugo at wala ng Propeta o Sugo pagkaraan niya. Ito ay batay rin sa pahayag ng Banal na Qur’an: “Si Muhammad ay hindi ama ng sino man, ngunit siya ang Sugo ng Allah at siya ang Huli sa lahat ng Propeta.” (Qur’an 33:40)

  • Ang ganap na paniniwala na ang lahat ng kautusan, tungkulin at batas ng Relihiyong Islam ay binigyan ng kaganapan para sa sangkatauhan at ito ay ganap na naipalaganap at naipahayag ni Propeta Muhammad ( s) Karagdagan pa nito, ang mga magaganda at mabubuting aral at payo ni Propeta Muhammad ( s)ay ipinagkaloob niya sa mamamayan at ang pinakamabuting patnubay para sa paggawa ng kabutihan at pagtalikod sa mga kasamaan. Batay sa Banal na Qur’an: “… Sa araw na ito Aking binigyang ganap ang inyong relihiyon para sa inyo, ipinagkaloob ng ganap ang lahat ng pagpapala sa inyo, at Aking pinili ang Islam bilang inyong relihiyon…” (Qur’an 5:3)
  • Ang isang mananampalataya (Muslim) ay nararapat na sundin ang lahat ng Sunnah ng Sugo ng Allah Walang sinoman ang may karapatang baguhin, sirain, dagdagan ang alin man sa mga ito. Ito ay batay sa kautusan ng Banal na Qur’an: “Sabihin: Kung inyong minamahal ang Allah, ako ay inyong sundin: mamahalin kayo ng Allah at patatawarin kayo sa inyong mga kasalanan. Sapagkat ang Allah ay palagi ng Mapagpatawad, Ang Maawain.” (Qur’an 3:31)
  • Ang isang Muslim ay nararapat na panatilihin ang dangal o karangalan na ipinagkaloob ng Allah ( y) kay Propeta Muhammad ( s)Walang sinoman ang dapat magtaas o gawin labis ang karangalan niya. Ito ay batay sa pahayag ng Propeta ( s): “Huwag ninyo akong purihin ng higit sa nararapat sa akin. Ako ay nilikha ng Allah bilang alipin bago ako tinawag na isang Propeta, Sugo.” (Hadith Tabaranee)
  • Ang isang Muslim ay nararapat na magbigay ng pagbati sa Sugo ng Allah sa bawat banggit o sambit ng kanyang pangalan. Ito ay batay sa pahayag ng Banal na Qur’an: “Ang Allah at ang Kanyang mga Anghel ay nagbibigay ng pagpapala sa Propeta: O kayong mananampalataya! Magbigay ng pagpapala sa kanya at itanghal ang kanyang karangalan sa lahat ng pagkakataon.” (Qur’an 33:56)
  • Ang isang tunay na Muslim ay nararapat na mahalin ang Propeta ng Allah ( s) ng higit kaninuman. Ito ay dahil sa dinala niyang pagpapala, kagandahang loob, patnubay, magagandang aral sa tunay na Relihiyon ng Allah ( y). Ito ay batay sa Banal na Qur’an: “Sabihin: Kung ang inyong mga ama, ang inyong mga anak, ang inyong mga kapatid, ang inyong mga asawa o kamag-anak, ang inyong kayamanan na inyong pinagkitaan, ang inyong kalakal na inyong pinangangambahang mabawasan, o ang inyong mga tahanan na inyong kinagigiliwan- ay higit ninyong minamahal kaysa sa Allah, o ng Kanyang Sugo o ang pakikipaglaban sa landas ng Allah—kung gayon inyong hintayin ang tungkol sa pasiya ng Allah at hindi pinapatnubayan ng Allah ang mga naghihimagsik.” (Qur’an 9:24)
  • Ang isang tunay na Muslim ay nararapat ilaan ang kanyang panahon at kakayahan sa pagpapalaganap ng Islam sa lahat ng tao. Ito ay dapat gawin sa paraang kaaya-aya at magandang pakikipagtalakayan. Ipaliwanag sa mga hindi nakakaalam, ipaunawa sa mga mangmang, patatagin ang pananampalataya ng iba ng may ganap na pananalig. At ang lahat ay dapat gawin sa mataas na antas ng karunungan. Ito ay batay sa kautusan ng Banal na Qur’an: “Anyayahan ang lahat sa Landas ng iyong Panginoon na may karunungan at magandang pananalita at makipag-talakayan sa kanila sa mga paraang mabuti at kaaya-aya: sapagkat ang iyong Panginoon ay nakakabatid ng higit kung sino ang naliligaw mula sa Kanyang Landas at sino ang tumatanggap ng Patnubay.” (Qur’an 16:125)
    Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi rin ng ganito: “Ipalaganap (sa pamamagitan ko) kahit isang talata lamang.” (Hadith Bukhari)
  • Ang Karapatan Ng Mga Ibang Propeta
  • Ang Karapatan Ng Magulang
  • Ang Karapatan Ng Lalaki Sa Kanyang Asawa
  • Ang Karapatan Ng Babae Sa Kanyang Asawa
  • Ang Karapatan Ng Mga Anak
  • Ang Karapatan Ng Mga Kamag-Anak
  • Ang Karapatan ng mga ibang Propeta

    Ayon sa Islam, ang paniniwala at pananampalataya ng isang Muslim ay hindi ganap malibang kanyang tapat na ipahayag ang paniniwala sa mga naunang Propeta at Sugo ng Allah ( s)Ang isang Muslim ay nararapat na maniwala sa lahat ng naunang Propeta at Sugo na ipinadala sa ibat- ibang lupain sa ibat-ibang panahon. Ang layunin at adhikain ng mga Propeta ay magkakatulad bagamat ang mensahe ng Islam at ng Propeta Muhammad ( s)ay pangkalahatan at para sa lahat ng panahon at mamamayan hanggang sa Araw ng Paghuhukom. Ito ay batay sa pahayag ng Banal na Qur’an: “Ang Sugo ay naniniwala sa anumang ipinahayag sa kanya mula sa kanyang Panginoon, katulad ng mga taong mayroong tunay na pananampalataya. Bawat isa sa kanila ay naniniwala sa Allah, sa Kanyang mga Banal na kasulatang ipinahayag, at sa Kanyang mga Sugo. “Kami ay hindi nagbibigay ng pagtatangi sa pagitan ng bawat isa sa kanila.” At sila ay nagsabi :’Aming narinig, at aming sinusunod, (kami ay humihingi) ng kapatawaran, Aming Panginoon at sa Iyo ang huling hantungan ng lahat ng paglalakbay.” (Qur’an 2:285)

    Katulad ng naunang binanggit, ang Muslim ay may tungkuling anyayahan ang ibang tao sa mensahe ng Islam bilang isang pamamaraan ng Buhay. Ang tanging tungkulin ay ipaabot at ipalaganap ang mensahe nito at hindi ito ipinipilit sa kanino man upang yakapin. Ang Banal na Qur’an ay nagsabi: “Sabihin; Ang katotohanan ay mula sa iyong Panginoon: Hayaan kung sino ang nais maniwala at hayaan kung sino ang magtakwil (nito)...” (Qur’an 18:29)

  • Ang Karapatan ng Magulang

    Ang karapatan ng magulang ay nagpapahiwatig ng ganap na pagsunod sa kanila. Ang pagsunod na ito ay nararapat na umaalinsunod sa Kautusan ng Allah ( y). Ito ay pagpapahiwatig din ng pantay na pakikitungo sa mga magulang sa pagbibigay ng regalo at pag-aasikaso. Ang isang anak, lalaki o babae man, ay nararapat na bigyan ng sapat na pangangailangan ang kanilang magulang katulad ng pagkain, pananamit at maayos na pamamahay. Ang isang anak na lalaki o babae ay nararapat na magpakita ng kababaang loob at paggalang sa kanyang mga magulang. Ang mga anak ay hindi dapat magpakita ng anumang pagmamataas laban sa kanyang mga magulang. Ang mga anak ay nararapat magpakita ng matimyas na damdamin, pagtitiis at pagtitiyaga sa panahon ng pangangalaga ng mga ito at nararapat na unawain ang mga damdamin ng mga ito. Ang Banal na Qur’an ay nagsabi : “Ang iyong Panginoon ay nagtakda na wala kayong dapat sambahin maliban sa Kanya, at kayo ay (napag-utusang) maging mabait sa inyong mga magulang. Kung ang isa o kapwa nasa gulang ng katandaan ng kanilang buhay, huwag magsabi ng anumang may bahid ng pagkamuhi o di kaya sila ay pagdabugan, bagkus sila ay tawagin sa diwa ng paggalang.” (Qur’an 17:23)
    At ito ay batay rin sa isang Hadith mula sa Sugo ng Allah ( y) : “Ang kasiyahan ng Allah (sa tao) ay batay sa kasiyahan ng mga magulang (sa kanyang anak). Gayundin naman, ang galit ng Allah (sa isang tao) ay batay sa galit ng magulang sa anak.” (Tirmidhi)

    Kahit hindi pa Muslim ang mga magulang, sila ay may karapatan din sa kanilang mga anak maliban kung sila ay sumusuway sa Kautusan ng Allah ( y). Ito ay batay sa utos ng Sugo ng Allah na isinalaysay ni Aisha, ang asawa ng Sugo ng Allah ‘Nang hindi pa Muslim ang aking ina, siya ay dumalaw sa akin. Tinanong ko ang Sugo ng Allah tungkol sa pagdalaw ng aking ina (paano ang pakikitungo sa kanya). Ang aking ina ay nasasabik na dumalaw sa akin. Dapat ko bang pakitaan ng kabaitan at pag-asikaso?’
    Ang Sugo ng Allah ay nagsabi: “Ang ina ay dapat bigyan ng higit na kabaitan, pagmamahal at pangangalaga”.

    Ito ay batay sa payo ng Sugo ng Allah “Isang tao ang lumapit sa Sugo ng Allah at nagtanong, ‘O, Sugo ng Allah sino ba ang higit na karapat-dapat kong pakisamahan? Ang Sugo ng Allah ay sumagot,” Ang iyong Ina’ Ang tao ay muling nagtanong, Sino ang sumunod na taong karapat-dapat kong pakisamahan? Ang Sugo ng Allah ay sumagot, ang iyong Ina.’ Ang tao ay muling nagtanong sa ikatlong pagkakataon, Sino ang sumunod? ang Sugo ng Allah ay nagsabi: Ang iyong Ina’. At sa ika- apat na pagtatanong, sino ang sumunod? Ang Sugo ng Allah ay sumagot,’ Ang iyong ama.”

    Ating mapapansin na ang Sugo ng Allah ( y) ay nagbigay ng ikatlong bahagi sa larangan ng pakikisama at pakikitungo sa isang ina samantalang binigyan lamang ng isang bahagi ang ama. Ito ay sapagkat ang Allah ( y) ang nakakaalam kung ano ang kaukulang bahagi ang dapat ipagkaloob sa ina ng dahil sa hirap at pagdurusang dinanas ng ina sa panganganak, at pangangalaga sa mga anak. Ito ay batay sa pahayag ng Banal na Qur’an: “At Aming ipinag-utos sa tao na maging mabait sa kanyang mga magulang; sa hirap (at dusa) ang kanyang ina ay nagpasan at sa pighati siya ang nagluwal (nagsilang) sa kanya...” (Qur’an 46:15)

    Ang ina ang siyang nagdala ng sanggol sa sinapupunan nito hanggang siyam na buwan. Sa sinapupunan, ang pagkain ay nagmumula sa ina nito. Tunay na ang ina ay dumanas ng ibayong sakit at pagpapakasakit. At sa pagluwal ng sanggol, ang ina pa rin ang nagdurusa sa pangangalaga, pagpapasuso, pagpapalaki ng anak.

  • Ang Karapatan ng Lalaki sa kanyang Asawa

    Ang asawang lalaki ay may karapatan sa pangangasiwa ng tahanan. Ang isang asawang lalaki, bagamat tumatayo bilang puno ay hindi kailangang maging malupit. Ang isang asawang lalaki ay may tungkulin na dapat niyang tingnan na ang kanyang pamilya ay nasa ayos na kalagayan. Ayon sa Banal na Qur’an: “Ang mga lalaki ang siyang tagapangalaga at tagapangasiwa ng mga babae, sapagkat (ang mga lalaki) ay pinagkalooban ng Allah ng higit na lakas kaysa sa iba, at sapagkat sila ang nagtataguyod sa kanila (babae) mula sa kanilang pinagpaguran…” (Qur’an 4:34)

    Karagdagan pa nito, ang lalaki ay higit na makatuwiran sa paglulutas ng mga suliraning pampamilya. Ang asawang babae ay likas na maramdamin. Ang asawang babae ay inuutusang maging masunurin sa mga kautusan ng kanyang asawa hanggang ito ay hindi naglalayong sumuway sa Kautusan ng Allah ( y) at maging sa mga aral ng Sugo ng Allah ( y) Ito ay batay sa kautusan ng Sugo ng Allah na isinalaysay ni Aisha nang ang huli ay magtanong sa una. “Sino ang may higit na karapatan sa isang babae? Ang Sugo ng Allah ay sumagot ng malinaw, ‘Ang asawa ng babae.’ Nang ang Sugo ng Allah ay tinanong,’Sino ang may higit na karapatan sa isang lalaki? ‘Siya ay sumagot, “Ang kanyang sariling ina.” (Hadith Al Hakim)

    Ang babae ay hindi dapat humingi sa kanyang asawa ng bagay na hindi kayang ibigay o higit sa makakayanan nito. Ang babae ay may tungkuling pangalagaan ang mga kayamanan, ang mga anak at dangal ng kanyang asawa (sa pamamagitan din ng pangangalaga sa kanyang sarili at pananatiling malinis ang pagkababae). Ang babae ay hindi dapat umalis ng kanilang tahanan na walang pahintulot ang kanyang asawa. At siya rin ay hindi dapat magpapasok ng sinomang tao na kinamumuhian o di nais ng kanyang asawa. Ito ay batay na rin sa aral ng Sugo ng Allah ( y) : “Ang pinakamabuting babae ay siya na kapag tiningnan, ikaw ay masisiyahan (tingnan) kapag inutusan mo (upang gawin ang isang mabuting bagay) siya ay sumusunod, at kapag ikaw ay wala, pinangangalagaan at pinananatili ang iyong yaman at pangalan.” (Hadith Ibn Majah)
  • Ang Karapatan ng Babae sa Kanyang Asawa

    • Ang Mahar (Dowry)

      Ang dalawang prinsipiyong ito ay dapat maisakatuparan kung ang lalaki ay mayroong dalawa o higit pang asawa. Ang mga asawang babae ng isang lalaki ay may karapatan para sa pantay at makatarungang pangangalaga ng asawang lalaki. Kaya, ang isang lalaki na nakapag- asawa ng higit sa isa ay nararapat na bigyan ng kaukulan at pantay na pansin ang lahat ng kanyang asawa. Dapat silang bigyan ng magkatulad na tahanan, pananamit at pantay na panahon na dapat gugulin sa bawat isa sa kanila. Kung ito ay hindi niya magampanan, ang lalaki ay magiging di makatarungan at di pantay. Ito ay batay sa aral ng Sugo ng Allah: “Sinoman ang nag-asawa ng dalawa at hindi niya ito pinakitunguhan ng pantay (di makatarugnan), sa Araw ng Paghuhukom (ang lalaking ito) ay lilitaw na paralisado (di pantay ang magkabila niyang tagiliran).” ( Hadith Nasaiee)
    • Pagtataguyod sa Pananalapi

      Ang asawang lalaki ay nararapat magbigay ng pananalaping pagtataguyod sa kanyang asawa, pamilya at mga anak. Siya ay nararapat na magbigay ng bahay at magandang kalagayan para sa kanyang pamilya. Dapat siyang magbigay ng lahat ng mga pangunahing pangangailangan ng kanyang mga asawa at buong kapamilya, gamot, pananamit at iba pang mahalagang bagay. Nararapat niyang ipagkaloob ang lahat batay sa kanyang kakayahan at hangganan. Ito ay batay sa kautusan ng Banal na Qur’an: “Hayaang ang taong may kakayahan ay gumugol ayon sa kanyang kakayahan: at ang taong ang kabuhayan ay may hangganan, ay gumugol ayon sa ipinagkaloob ng Allah sa kanya. Hindi nagbibigay pasanin ang Allah sa kaninumang tao ng higit sa kung anong ipinagkaloob sa kanya. Pagkaraan ng kahirapan, kagyat na may kaginhawahang ibibigay ang Allah.” (Qur’an 65:7)
    • Pantay na Panahon at Pagniniig

      Isa sa pinakamahalagang karapatan ng isang asawang babae sa kanyang asawa ay ang pagkakaloob sa kanya ng isang tapat na ugnayan at pakikipagniig sa kanya at ang paggugol ng kaukulang panahon sa kanyang mga anak. Ang Batas ng Islam ay binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na ugnayang pang mag-asawa. Ang karapatan ng asawang babae ay nararapat na panatilihin habang panahon. Ang babae ay nangangailangan ng isang mapagmahal at maalalahaning asawa na nagbibigay katuparan sa kanyang pangunahing kailangan. Kung ito ay hindi magagawa, maaaring ito ang sanhi ng pagkawasak ng kanilang ugnayan bilang mag-asawa. Nawa’y pangalagaan tayo ng Allah ( y) mula sa ganitong kalagayan.
    • Pangangalaga ng mga Lihim ng Asawa

      Hindi dapat ipagmarali o ipagsabi ang kakulangan o kapintasan ng kanyang asawa. Ang asawang lalaki ay nararapat na itago ang lahat ng kanyang nakikita o naririnig mula sa kanyang asawa bilang kanilang mga lihim na hindi dapat malaman ng sinoman. Ang lahat ng ugnayang pakikipaniig ay hindi dapat ikuwento bagkus ito ay dapat sarilinin at pangalagaan. Ang ugnayan bilang mag-asawa ay banal na ugnayan ayon sa Relihiyong Islam at hindi dapat mabahiran ng anumang kasamaan. Ito ay batay sa aral ng Sugo ng Allah ( y): “Isa sa pinakamasamang kalagayan sa paningin ng Allah sa Araw ng paghuhukom ay yaong taong (asawang lalaki) na nakipagniig sa kanyang asawa at pagkaraan ay ipinagsabi ang mga lihim ng kanyang asawa sa iba.” (Hadith, Muslim)
    • Ang pagiging makatarungan at pantay ay dapat panatilihin ng asawang lalaki sa pakikitungo sa kanyang mga asawa at pamilya. Siya ay dapat maging huwaran sa pagpapakita ng isang tunay na pangangalaga, kabaitan at ang kakayahan nitong lutasin ang anumang suliranin ng kanyang pamilya.
    • Pantay at Mabait na Pakikitungo

      Ang asawang lalaki ay nararapat na pangalagaan ang kanyang asawa at pamilya laban sa anumang mapanganib na kalagayan. Hindi niya dapat pahintulutan na magtungo sa mga masasamang kapaligiran. Batay sa pahayag ng Banal na Qur’an: “O kayong mananampalataya ! Iligtas ang inyong sarili at ng inyong pamilya mula sa Apoy na ang panggatong ay mga tao at bato, dito ay mayroong nagbabantay na mabagsik at mahigpit na anghel na hindi sumusuway sa Kautusan ng Allah, ngunit ginagawa kung ano ang ipinag-uutos.” (Qur’an 66:6)
    • Ang asawang lalaki ay nararapat na pangalagaan ang mga ari-arian, kayamanan at pang-sariling kagamitan ng kanyang asawa. Ang asawang lalaki ay hindi dapat umabuso o maglustay sa anumang salapi ng kanyang asawa ng walang pahintulot. Ang asawa ay hindi dapat gumawa ng anumang pakikipagkasundo kaugnay ng mga pananalaping ari ng kanyang asawa ng walang pahintulot.
  • Ang Karapatan ng mga Anak

    Ang mga karapatan ng mga anak ay marami. Unang-una na rito ay ang karapatan nila na magkaroon ng isang marangal at mapayapang buhay at ang pagkakaroon nila ng mga magagandang pangalan. Sila ay may karapatan sa lahat ng mga pangangailangan ng buhay na binubuo ng maayos na tahanan at pagkain, maayos na edukasyon at tamang pangangalaga. Sila ay nararapat na magkaroon ng moral na pag-uugali at kilos at pangalagaan sila laban sa lahat ng masasamang asal at gawa katulad ng pagsisinungaling, pandaraya, pagnanakaw, pagseselos, pagkukunwari at di kaaya-ayang ugali sa kanilang mga magulang. Ito ay batay sa aral na ipinag-utos ng Sugo ng Allah to be given honorable names. The Prophet ( s): “Sapat na kasalanan ang pagpapabaya sa mga dapat tangkilikin, na sila ay hindi pinagkakalooban ng kaukulang pangangalaga at pagpapalaki.” (Hadith Abu Dawud)

    Higit sa lahat, ang mga anak ay may karapatan para sa makatarungan at pantay na pakikitungo. Walang isang anak na dapat bigyan ng unang priyoridad kaysa sa ibang anak hinggil sa mga regalo, pamana at pag- aasikaso. Lahat ng anak ay dapat pantay na pakitunguhan ng may kabaitan at magandang asikaso. Ang di makatarungang pakikitungo sa mga anak ay nagbubunga ng masamang pag-uugali sa pakikitungo ng mga ito sa kanilang mga magulang pagdating ng katandaan. Ang di pantay na pakikitungo sa kanila ay nagbubunga rin ng pagkamuhi sa isat- isa. Ito ay batay sa isang Hadith ng Sugo ng Allah ( y)nang minsan may isang tao ang lumapit sa Sugo ng Allah ( y)at nagwika: ‘O Sugo ng Allah, nais kong makibahagi ka sa isa sa aking mga anak at nais kong ikaw ay maging saksi para dito’.
    Nang marinig ng Sugo ng Allah ( y)ang pakiusap ng isang tao, ang Sugo ng Allah ( y)ay nagtanong: “Inihahandog mo ba ang regalo sa lahat ng iyong mga anak ? Ang tao ay sumagot. Hindi! Ang Sugo ng Allah ay nagbigay puna.


    “Samakatuwid, humanap ka ng iba na sasaksi sa iyong pagbibigay regalo sapagkat ako ay hindi sasaksi sa isang hindi makatarungan at hindi pantay na pakikitungo. Maging masunurin (at matakot) sa Allah. Maging makatarungan at maging pantay ang pakikitungo sa iyong mga anak.” (Hadith Bukhari at Muslim)

  • Ang Karapatan ng mga Kamag-anak

    Ang mga kamag-anak ay mayroong natatanging pagpapahalaga sa Islam. Ito ay nagbibigay paalala na tayo ay nararapat maging mabait at maasikaso sa kanila. Ang mayamang Muslim, lalaki o babae man, ay may tungkuling bigyan ng kaukulang asikaso ang kanyang mga kamag- anak. Nangunguna na rito yaong mga kamag-anak na malalapit at minamahal. Ayon sa aral ng Islam, ang isang Muslim ay nararapat na makibahagi sa mga pangangailangan ng mga kamag-anak sa pamamagitan ng pagbibigay ng kahit maliit na tulong sa kanila sa mga panahon ng kahirapan at kalungkutan. Ito ay batay sa aral na ipinag-utos ng Banal na Qur’an: “O, sangkatauhan! Matakot sa iyong Panginoon, na Siyang lumikha sa inyo mula sa iisang tao (Adan), at mula (kay Adan) nilikha Niya ang asawa nito, at mula sa kanilang dalawa, ay nilikha Niya ang di mabilang na mga lalaki at babae; (kayat) matakot sa Allah, at mula sa Kanya nanggaling ang iyong magkasanib na karapatan at (huwag ninyong putulin ang ugnayan) ng mga sinapupunan (na nagluwal sa inyo) sapagkat katiyakang ang Allah ang Lagi ng Ganap na Nagmamasid sa inyo (lahat).” (Qur’an 4:1)

    Katotohanan pa nito, iminumungkahi ng Islam sa isang Muslim na maging mabait sa kanilang mga kamag-anak kahit pa ang mga ito ay hindi mabait sa kanya. Inuutusan ng Islam ang bawat Muslim na patawarin ang sinomang nagkasala sa kanyang mga kamag-anakan maging ang mga ito ay mapaghiganti sa kanya. Iminumungkahi rin ng Islam na maging malapit ang kalooban sa mga kamag-anak kahit pa ang mga ito ay kumikilos ng taliwas sa kanya. Ito ay batay sa aral na sinabi ng Sugo ng Allah ( y): “Ang isang tao na nagtatag ng magandang ugnayan sa kanyang angkan ay hindi siya ang ginantimpalaan. Ang isang tunay na mabuting makipag-ugnayan (sa kanyang mga kamag-anakan) ay ang isang tao na mabuti pa rin sa kanyang mga kamag-anak bagamat ang mga ito ay tumalikod sa ugnayan sa kanya.”

    INagbigay babala ang Islam laban sa pagtalikod sa ugnayang pang kamag-anakan. Ito ay isinasaalang-alang ng Islam bilang isang mabigat at malaking kasalanan. Ito ay batay sa pahayag ng Banal na Qur’an: “Samakatuwid, inaasahan ba sa iyo na kapag ikaw ay itinakda sa katungkulan ikaw ay gagawa ng mga kabuktutan sa mga lupain, at sirain ang ugnayang pangkamag-anakan? Sila yaong mga tao na isinumpa ng Allah sapagkat sila ay ginawang mga bingi at binulag ang mga paningin.” (Qur’an 47:22-23)