Ang Islam at ang Pangunahing Kinakailangan


Dapat nating matanto na ang Islam ay dumating upang bigyang kaganapan ang mga naunang relihiyon at pananampalataya sa mundo. Sa katunayan, si Propeta Muhammad bin Abdullah ( s)ay ganap na isinakatuparan ang mga layunin ng mga naunang mga Propeta. Ang Propeta ng Allah ( s)ay nagsabi: “Ang kahalintulad ko at ng mga Propetang nauna sa akin ay katulad ng isang tao na nagtayo ng isang magandang tirahan. Ang bahay na ito ay lubos na maganda, maringal at kahanga-hanga, maliban sa isang tipak ng bato (bricks) sa isang sulok na hindi nailagay. Ang mga tao ay humahanga sa bahay ngunit sila ay nagugulat kung bakit hindi ikinabit ng may-ari ang isang tipak ng bato na kulang. Ako ang isang tipak na batong nawawala. Ako ang panghuling Propeta (para sa Sangkatauhan).” (Sahih Al-Bukhari at Tirmidhi)

Mauunawaan natin na ang Islam ay naglaan ng mga pangunahing pangangailangan para sa tao at pinagtibay ang mga sumusunod:

  • Ang Pangangalaga Sa Dakilang Relihiyon
  • Ang Pangangalaga sa Katawan
  • Ang Pangangalaga ng Kaisipan
  • Ang Pangangalaga sa Dangal
  • Ang Pangangalaga sa Yaman
  • Ang Pangangalaga sa Dakilang Relihiyon:


    Basahin natin ang mga sumusunod na talata sa Banal na Qur’an: “At makipaglaban kayo para sa landas ng Allah sa kanila na umuusig sa inyo. Datapwa’t huwag kayong lumabag sa hangganan, sapagkat ang Allah ay hindi nagmamahal sa mga nagmamalabis (sa pagsuway).” (Qur’an 2:190)


    Ipinag-utos ng Allah ang Jihad, ang pakikibaka o pakikipaglaban dahil sa Kanyang Landas na may marangal na gantimpala at ito ay pinaniniwalaan at tinutupad ng mga Muslim. Sa katotohanan, ang Jihad ay itinuturing na isang umbok (sa likod) ng kamelyo, ang pinakamataas at mahalagang bahagi ng kamelyo para sa mga Muslim. Ang pakikipaglaban at pagpupunyagi para sa landas ng Allah ay ibinabantayog ng may pagtatangi ng mga matatapat na mananampalatayang Muslim sa mundong ito. Ito ay itinuturing ng may higit na pitagan kasabay ng may ganap at tamang kaalaman sa pinaka layunin nito. Sa katunayan, ang Jihad ay tinanggap at mahusay na naitatag at sadyang nalalaman na rin ito ng mga ibang pananampalataya at ng ibang bansa noong una pa. Datapwa’t (alam natin) na ang mabuti at masama ay lagi nang nangyayari sa lahat ng pamayanan sa buong mundo at ng buong kasaysayan. Samakatuwid, ang Jihad ay naitakda upang pumigil sa mga malulupit at mapaniil na namumuno. Ito ay ipinahayag at ipinapatupad bilang alituntunin ng buhay.

    Ang Jihad ay ipinatutupad din upang pigilin at ituwid ang mga taong sumasamba sa ibang nilikha at mga diyos-diyosan at nagpanukala ng katotohanan sa pagsamba sa nag-iisang Tagapaglikha lamang– Ang Allah . Siya ang Allah na walang anak at walang katambal sa Kanyang pagiging Makapangyarihang Diyos. Ipinakikilala rin ang pagsasagawa ng Jihad sa mga tao upang alisin ang lahat ng bagay na labag sa batas na nangyayari at ang Islam ay nagpanukala ng kapayapaan, katarungan, tiwasay at tahimik na pamumuhay – bilang pamamaraan ng buhay. Ang pagpapakilala sa Islam ay hindi para sa mga Arabo o mga Muslim lamang, kundi para sa kapakanan ng mga tao sa buong mundo, sapagkat ang Islam ay walang Heograpiyang (Geography) hangganan. Ang Islam ay mensahe para sa buong sangkatauhan at ito ay may malawak na kautusan para sa kagandahang asal. Ang Islam ay nagtatag ng prinsipiyong pangkatarungan, pagkapantay-pantay (walang kinikilingan), kasarinlan (kalayaan), pang kaunlaran at pagka matapat sa kapwa sa buong mundo.


    Sa kabilang dako, ang Jihad ay hindi tumutuligsa at walang pamimilit sa mga tao ng laban sa kanilang kalooban upang tanggapin ang Islam, kundi ito ay isang paraan ng pagpapalaganap sa pagsamba sa Nag-iisang Diyos at sa pagtataguyod ng Batas ng Pagkapantay-pantay at katarungan. Ang pinakamahalagang layunin ng Jihad ay ang magbigay ng mensahe sa mga tao at nasa kanilang mga sarili ang pagpapasiya kung tatanggapin ang Islam bilang pamamaraan ng kanilang buhay. Ang Allah ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an: “Walang sapilitan sa pananampalataya, ang katotohanan ay mangingibabaw laban sa kamalian. Sinoman ang tumalikod (umiwas) sa Taghut (pagsamba sa mga diyos-diyosan, idolo, imahen at ano mang bagay na sinasamba maliban sa Allah) at manalig sa Allah ay nakatangan ng tunay na mapagkakatiwalaang hawakan na hindi masisira. Ang Allah ang Nakakarinig at nakakabatid sa lahat ng bagay.” (Qur’an 2:256)

    Ang panutong prinsipiyo (directive) na nag-uugnay sa pamahalaan at sa mga tao ay ang kapayapaan. Magkagayon din, ang Allah ay naglahad ng mga alituntunin tungkol sa Jihad sa Islam para sa natatanging layunin. Mayroong pagkakaiba ang katawagan Jihad at digmaan. Ang Jihad, katulad ng paliwanag sa itaas at sa kaalaman sa Islam, ay hindi katulad ng tinatawag na banal na digmaan (Holy War), higit sa lahat ito ay marangal na pakikipaglaban upang pawiin ang di makatarungang gawain at ipagtanggol ang batas laban sa mga kaaway ng Allah at sa mga mapang-api at walang pananampalataya sa Kanya.


    Ang Digmaan, sa kabilang dako, ay mga pakikibaka para sa kanilang personal na kapakinabangan at ang pagkamkam ng mga lupain, mga likas na kayamanan at para sa politikal na adhikain. Sa Islam, ibinabantayog at tinatawag ang Jihad sa tatlong kadahilanan:
    • Ang pagtatanggol sa buhay, mga ari-arian at sa pangangalaga sa hangganan ng bansa (national boundaries).

      Ang pagkaunawa ay batay sa Salita ng Allah mula sa Banal na Qur’an: “At makipaglaban kayo para sa landas ng Allah, sa kanila na umuusig sa inyo, datapwat huwag kayong lumabag sa hangganan, sapagkat ang Allah ay hindi nagmamahal sa mga nagmamalabis (sa pagsuway).” (Qur’an 2:190)
    • Ang pagtatanggol at pagpapanatili ng mga karapatan ng mga inaapi.

      Ang konseptong ito ay batay sa talata ng Banal na Qur’an: “At ano ba ang humahadlang sa inyo, na kayo ay hindi nakikipaglaban para sa landas ng Allah, at sila na mahihina, ang mga pinakikitunguhan ng mga masasama at inaalipusta sa lipon ng mga kalalakihan, kababaihan at mga bata na ang pagsusumamo ay: Aming Panginoon! Iligtas Ninyo kami sa bayang ito na ang mga tao ay mapang-api, Inyong ipagkaloob sa amin mula sa Inyo ang isang tagapagtanggol, at Inyong ipagkaloob sa amin mula sa Inyo ang isang makakatulong at isang makapangangalaga.” (Qur’an 4:75)
    • Ang Pagtatanggol sa Pananampalataya at Relihiyon

      Ang tagapagtanggol ay nararapat magkaroon ng malinis na layunin na para lamang sa Allah , at dapat maunawaan na ang paglahok sa Jihad ay walang di-makatarungan hangarin o pagpapasiya. Ang mga nagtatanggol ay dapat matanto na ang pagsali nila ay upang ipalaganap at ibantayog ang Salita ng Allah . Ang konseptong ito ay batay sa Banal na Qur’an: “At makipaglaban kayo hanggang mapawi ang Fitna (kawalan ng pananalig at pagsamba sa Allah), hanggang mapawi ang gulo at mawala ang pang-aapi at manumbalik ang pagsamba at ang pananampalataya ng lahat ng tao at sa lahat ng lugar ay maging tanging sa Allah lamang. Datapwa’t kung sila ay titigil, katiyakan na ang Allah ay Siyang Ganap na nakakakita sa kanilang mga ginagawa.” (Qur’an 8:39)

      Karagdagan dito, kung ang mga kaaway ng Islam ay nagsitigil sa pakikipaglaban at nakipagkasundo sa katahimikan, ang mga Muslim na nakikipaglaban ay dapat ding tumigil. Sa katunayan, magiging labag sa batas ang patuloy na pakikipaglaban ng mga Muslim kung tumigil na ang mga kalaban at nakipagkasundo para sa katiwasayan.
      Ang konseptong ito ay batay sa Banal na Qur’an: “Magkagayon kung sila ay lumayo sa inyo at sila ay hindi na lumaban, at (sa halip ay) naghandog sa inyo (ng tiyak) na kapayapaan, sa pagkakataong ito ang Allah ay hindi nagbukas ng daan para sa inyo (upang makipaglaban) laban sa kanila.” (4:90)

    Bukod dito, lahat ng uri ng digmaan na ang layunin ay kamkamin at kupkupin ang mga lupain, at maghiganti na ang nagiging bunga ay malaking kapinsalaan, ay hindi pinahihintulutan ng Islam. Kahit na ang Islam ay nagpahintulot ng pakikipaglaban, ito ay sa lehitimong dahilan at ito ay nag-ulat ng mga alituntunin sa pakikipaglaban. Ipinagbabawal ng Islam na pumatay ng kahit sino. Ngunit ito ay nag-uutos na pumatay laban sa mga sundalo at mga tumutuligsa o nanlulupig na mga kalaban. Sa kabila nito, hindi pinapahintulot na pumatay ng mga matatanda, bata, mga babae, mga may sakit at ang mga kawani ng pagamutan at ang mga hermitanyo na nasa mga liblib na pook at sumasamba sa Allah lamang sa kanilang pansariling pamamaraan. Karagdagan pa dito, hindi pinapahintulutan ng Islam ang pumatay ng mga hayupan (lahat ng uri ng mga hayop) na pag-aari ng mga kalaban. Ipinagbabawal din ng Islam ang manira ng mga bahay ng mga tao, at bawal ding lagyan ng lason ang kanilang pinagkukuhanan ng inumin tulad ng mga ilog, lawa, bukal at mga balon ng mga kalaban. Ipinagbabawal ang pumatay ng mga sugatan na kalaban sa digmaan at bawal din ang tumugis ng mga tumatakbo ng palayong mga kalaban. Ang konseptong ito ay batay sa Banal na Qur’an: “Datapwa’t inyong hanapin (sa pamamagitan ng inyong kayamanan) na ipinagkaloob sa inyo ng Allah, ang Tahanan ng Kabilang Buhay, at gayun din huwag ninyong kaligtaan ang inyong bahagi na pinahintulutang kasiyahan sa mundong ito. Ngunit magsigawa kayo ng kabutihan, kung paano rin namang naging mabuti ang Allah sa inyo at huwag kayong maghanap (ng pagkakataon) na makapagkalat ng kasamaan sa kalupaan. Katotohanan na ang Allah ay hindi nagmamahal sa mga Mufsidun (mga mapaggawa ng mga kabuktutan, mapang-api, tampalasan at iba pa).” (Qur’an 28:77)

    Ito ay batay din sa salita ng Propeta ng Allah ( s) : “(Ipagtanggol) Makipaglaban sa landas ng Allah at (ibantayog) ang Kanyang Pangalan laban sa mga taong walang pananampalataya sa Kanya. Makipaglaban datapwa’t huwag sumira sa kasunduan, huwag putulin (ang bahagi ng katawan) ng mga patay na kalaban at huwag pumatay ng sanggol.” (Sahih Muslim)

    Ang iniulat na ito ay batay rin sa pagpapatupad, direksiyon at mga tagubilin ng unang Khalifa, si Abu Bakr , sa kanyang mga pinunong sundalo nang ang mga ito ay maglunsad ng Jihad. Ang sabi niya:
    “Pakinggan at tumalima sa mga sampung tagubilin at kautusan. 1) Huwag magtaksil kaninoman (na inyong pinangakuan). 2) Huwag kayong magnakaw sa mga labing-yaman ng digmaan. 3) Huwag magtaksil sa inyong pinagkasunduang kapayapaan ng mga kalaban. 4) Huwag pagputul-putulin ang mga patay (bangkay) ng mga kaaway. 5) Huwag pumatay ng sanggol at mga bata, at mga matatanda (lalaki at babae) at huwag pumatay ng mga kababaihan. 6) Huwag manira at manunog ng mga pananim na punong datiles at mga halamanan at huwag pumutol at manira ng mga punong kahoy na nagbubunga. 7) Huwag pumatay ng mga babaeng tupa at baka o kamelyo maliban sa inyong pangangailangan (sa pagkain). 8) May makikita kayong mga taong nag-iisa sa ilang na lugar (hermitanyo) na sumasamba sa Allah, huwag gambalain o guluhin. 9) Mayroong kayong makikitang mga taong mag-aalok at magbibigay ng mga pagkain, (purihin) at sambitin ang Pangalan ng Allah bago kayo magsikain. 10) At tiyak na may makikita kayong mga taong ahit ang buhok sa bandang tuktok (gitna) na pabilog at iniwang mahaba ang ibang bahagi ng buhok, sila ang mga mandirigma ng mga kalaban, patayin ang mga ito sa Ngalan ng Allah.”

    Katulad din ng mga bilanggo ng digmaan (POW- Prisoner of War), sa Islamikong Jihad, sila ay hindi dapat pahirapan, hamakin o ikulong sa masikip na kulungan at huwag pagputul-putulin ang kanilang mga patay (bangkay). Ito ay batay sa Banal na Qur’an: “At sila ay nagkaloob ng pagkain, dahil sa pagmamahal sa Allah, ang mga maralita, ang mga ulila at ang mga bilanggo ng digmaan… na sinasabi: ‘Kami ay nagpakain sa inyo dahil (sa pagmamahal namin) sa Allah, at hindi kami naghihintay ng anumang kabayaran o kapalit o kaya ng inyong pasasalamat.” (Qur’an 76:8-9)

    Ang Islamikong pamahalaan ay mayroong karapatan na palayain ang mga bihag o bilanggo ng digmaan na may pantubos o kaya kahit na walang anumang katubusan o bilang kapalit ng mga Muslim na bihag o bilanggo ng digmaan. Ito ay batay sa salita ng Banal na Qur’an: “Samakatuwid kapag inyong makaharap sa labanan (Jihad- pakikibaka sa landas ng Allah) yaong mga walang pananampalataya, tigpasin ang kanilang mga leeg, hanggang sa kalaunan ang karamihan sa kanila ay inyo nang napatay o nasugatan, inyo silang talian ng panggapos na mahigpit (at gawing bihag). Sa gayon, (makaraan nito) naririto ang sandali ng pagpaparaya (palayain sila ng walang tubos) o patubos (ayon sa kapakinabangan sa Islam), hanggang ang hapdi at hilahil ng digmaan ay mapawi. Sa gayon, kayo ay pinag-utusan (ng Allah na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng Jihad laban sa mga hindi sumasampalataya hanggang sa sila ay yumakap sa Islam, o kaya ay mapabilang sila sa ilalim ng inyong pangangalaga), datapwa’t kung ninanais lamang ng Allah ay magagawa Niya na magapi sila (na wala kayo), ngunit ninanais Niya kayo at ang mga iba. At yaong mga nasawi dahil sa landas ng Allah ay hindi Niya hahayaang ang kanilang mga gawa ay mawalang saysay.” (Qur’an 47:4)
    At ang mga taong nagapi, ang mga di-Muslim na naninirahan sa Islamikong bayan, ang kanilang pamilya (kamag-anak), ang kanilang kalagayan at ang kanilang ari-arian ay kailangan ang pangangalaga. Walang sinoman ang may karapatang kumamkam sa kanilang mga kayamanan at mga pag-aari. Walang sinuman ang may karapatan na hamakin o makialam sa kanilang puri at dangal. Walang sinoman ang may karapatan na tuligsain sila para sa paghihiganti ng kahit na sa anong dahilan. Karagdagan pa dito, ang mga hindi-Muslim sa bayang Islamiko ay dapat pakitunguhan ng mabuti, pantay at makatuwiran. Ang mga paniniwala at ang mga gawaing pagsamba ng mga di-Muslim sa pamayanang Islamiko ay dapat igalang. Ang lahat ng ito ay batay sa Banal na Qur’an: “Sila (Muslim na namumuno) kung Aming pagkakalooban ng kapangyarihan sa kalupaan, (sila) ay nag-uutos ng Salah (palagiang pagdarasal ng mataimtim), at pamamahagi ng Zakah (takdang tulong pangkawanggawa) at sila ay nag-aanyaya sa Al-Maruf (sa Kaisahan ng Allah at lahat ng ipinag-uutos ng Islam) at nagbabawal sa Al- Munkar (paganismo, kawalan ng pananampalataya at lahat ng ipinagbabawal ng Islam), at sa Allah nakasalalay ang kahihinatnan ng lahat ng pangyayari (ng mga nilalang).” (Qur’an 22:41)
    Sa kabilang dako, ang mga di-Muslim na nakatira sa Islamikong pamayanan ay kinakailangan magbayad ng mababang halaga ng buwis na tinatawag na Jizyah. Ito ang pangunahing buwis na sinisingil sa mga mamamayan na hindi tumatangkilik sa Islam at nais manatili sa kanilang dating relihiyon o pananampalataya na naninirahan sa Islamikong bayan. Ang pangunahing buwis ay may tatlong uri; ito ay ang mga sumusunod:

    Ang buwis mula sa mga mayayaman na ang kabuuang halaga ay katumbas ng apatnaput-walong (48) Dirhams51 sa loob ng isang taon.

    Ang buwis mula sa mga mamamayan na may kainamang pamumuhay (middle class) na ang kabuuang halaga ay katumbas ng dalawamput-apat (24) na Dirhams sa loob ng isang taon.

    Ang buwis na mula sa mga manggagawa, katulad ng mga karpintero, tubero, at iba pa na nagkakahalaga ng labing-dalawang (12) Dirhams sa loob ng isang taon.

    Ang pangunahing buwis ay sinisingil sa mga di-Muslim na naninirahan sa Islamikong pamayanan bilang pagbabayad sa kanilang proteksyon sa buhay at karagdagang pangangalaga sa kanilang mga ari-arian at mga kayamanan. Karagdagan pa rito, ang mga di-Muslim ay magtatamasa ng pantay na karapatang tinatamasa ng mga Muslim. Ito ay ipinahayag ng isang Muslim na pinuno na si Heneral Khalid bin Walid noong siya ay lumagda ng kasunduan sa mga di-Muslim na naninirahan sa Islamikong pamahalaan at sinabi niya na: “Ibinibigay ko ang aking matapat na pakikipagkasunduan para sa inyong pangangalaga dahil sa pagbabayad ninyo ng buwis. Kung walang pangangalaga ay hindi kayo nararapat magbayad.” (Balathuree, Ang Kasaysayan)

    Samantala, ang buwis ay hindi pinaiiral sa lahat ng di-Muslim na naninirahan sa Islamikong pamayanan. Katulad ng mga mahihirap, mga bata, babae, mga bulag, hermitanyo at sa mga may kapansanan (o mga pinanganak na inutil). Manapa’y ang Islamikong pamahalaan ay nagbibigay ng buong pagkalinga sa mga taong nabanggit at binibigyan pa sila ng kaukulang panggastos. Sa katotohanan, ang panatang kasunduan na nilagdaan ni Heneral Khalid bin Waleed sa mga di- Muslim na naninirahan sa bayan na tinatawag na Heerah sa Iraq na nasa ilalim ng pamamahala ng Muslim ay nagsasaad ng ganito: “Sinoman ang kabilang sa mga matatanda, mga naging inutil na manggagawa, ipinanganak na lumpo o ang mga naluging dating mayayaman, lahat ng mga ito ay nararapat na bigyan ng kawanggawa mula sa kanilang mga relihiyosong kasamahan, lahat ng mga nabanggit na tao ay hindi dapat magbayad ng buwis. Karagdagan dito, ang mga nasabing tao at ang kani-kanilang pamilya ay dapat bigyan ng kaukulang panggastos mula sa ‘Kaban ng Bayan.” (Abu Yousuf, Al-Kharaj, p. 144)

    Bukod dito, ang ikalawang Khalifa, si Omar bin Al-Khattab ay napadaan minsan (at nakita niya) ang isang matandang Hudyo na namamalimos sa mga tao. Si Omar ay nagtanong sa taong ito at napag-alaman niya na ang Hudyong ito ay di-Muslim na naninirahan sa (Islamikong) kanilang bayan. At sinabi ni Omar ;
    “Hindi kami naging makatarungan sa iyo! Noong bata ka at may kakayahan, nagbabayad ka nang buwis at ngayong tumanda ka na ay pinabayaan ka na namin!”

    Dinala ni Omar ang matandang Hudyo sa kanilang pamamahay at binigyan siya ng mga pagkain at damit na mayroon siya. Pagkatapos noon, tinawag niya ang Ingat Yaman at inutusan nito at nagsabing;
    ‘Subaybayan at sikapin mong malaman ang kalagayan ng mga katulad niyang mga tao. Pagkalooban sila ng sapat na tulong para sa kanila at ng kanilang buong mag-anak mula sa ‘Kaban ng Bayan’.


    Ang Allah ay nagsabi sa Banal na Qur’an: “Ang As-Sadaqat (ito ay nangangahulugan ng katungkulang kawanggawa, gaya ng Zakah) ay para lamang sa mga Fuqara (mga mahihirap na hindi nagpapalimos) at sa mga Masakin (sa mga mahihirap na nagpapalimos)...” (Qur’an 9:60)
  • Ang Pangangalaga sa Katawan:


    AAng buhay ng tao ay napakahalaga sa Islam. Ang mga tao ay nangangailangan ng pangangalaga, pag-iingatan at karapatan. Sa ganitong layunin, ang Islam ay nagpanukala ng kaukulang parusa at pagganti o pagpaparusa sa mga taong nanakit ng kapwa tao. Kaya, ang Islam ay nag-uutos na patayin din ang mga nagtangkang pumatay sa walang kasalanang tao. Datapwa’t, ang hindi sinasadyang pagpatay ay may bukod na kahatulan. Ang ganitong pangyayari, ang pamilya o ang mga tagapagmana ng namatay ay bibigyan ng ‘Diyyah’ (Blood Money) o salaping kabayaran sa napatay. Kaalinsabay nito, ang (atonement) pagsisisi o pagbabayad-sala ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagpapalaya ng alipin at kung ito ay hindi magawa, ang pag-aayuno (fasting) ng sunod-sunod na dalawang buwan ay dapat gawin. Ang lahat ng parusa ay itinakda upang mapangalagaan ang kaluluwa ng tao. Walang sinoman ang may karapatan na makialam sa buhay ng sinoman, sa kanyang pag-aari dahil sa lehitimong katuwiran. Lahat ng mapang- abuso o mapaniil na tao ay kinakailangang bigyan ng babala laban sa mga di-makatuwirang pagpatay, pamiminsala, panliligalig o panggugulo sa Islamikong pamayanan. Karagdagan pa rito, kahit na ang may tangka o balak pumatay ay nakaaalam din na siya ay hahatulan ng kamatayan bilang kabayaran sa kanyang pagpatay. Kung ang kabayaran sa krimen ay hindi katulad ng krimen na ginawa at kung hindi pantay ang igagawad na kaparusahan sa krimeng ginawa, ang tao ay hindi mag-iingat na gumawa ng kabuktutan na nais niyang gawin. Ito ang alituntunin na inilahad ng Islam. Ang Allah ( y) ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an: “Sa Batas ng pagkapantay-pantay (Al-Qisas), mayroong (kaligtasan ng) buhay sa inyo, O mga taong nakauunawa; upang kayo ay magkaroon ng sariling pagpipigil.” (Qur’an 2:179)

    Ang Islam ay hindi nagtatapos sa pagpapairal ng kaparusahan sa mga gumagawa ng krimen. Manapa’y, isinasaalang-alang na ang mga makasalanan ay makatatanggap pa ng panibagong kaparusahan sa Kabilang Buhay. At ang parusa roon ay ang Matinding Poot ng Allah ( y) na karagdagang parusa na mas masidhi kaysa sa kaparusahan dito sa mundo. Ang Allah ( y) ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an: “At sinoman ang pumatay na sinasadya sa isang mananampalataya, ang kanyang kabayaran ay Impiyerno, upang manahan doon, at ang Poot at Sumpa ng Allah ay nasa kanya, at ang masakit na kaparusahan ay inihanda para sa kanya.” (Qur’an 4:93)

    At tungkol sa buhay ng tao, ang Islam ay naglapat ng mga partikular na alituntunin para sa lahat. Ang mga tungkuling ito ay ang mga sumusunod:


    • Hindi pag-aari ng tao ang kanyang kaluluwa at katawan, ngunit ito ay ipinagkatiwala sa kanya ng panandalian lamang. Samakatuwid, ang tao ay walang karapatan na saktan o gawan ng masama na sinasadya ang kanyang katawan. Ang buhay ng tao ay iniaalay lamang para sa landas ng Allah ( y). Samakatuwid, ipinagbabawal ng Islam ang pagpapakamatay o kahit na anong uri na maging sanhi dito. Ang Allah ( y) ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an: “O kayong mananampalataya! Huwag ninyong lustayin ang inyong ari-arian sa inyong sarili ng walang kabuluhan, ngunit hayaang magkaroon ng pakikipagkalakalan sa lipon ninyo sa pamamagitan ng pinagkaisang kasunduan, at huwag ninyong patayin at wasakin ang inyong sarili (o huwag magpatayan sa isa’t- isa). Katotohanan, ang Allah sa inyo ay pinakamaawain!” (Qur’an 4:29)
    • Dapat panatilihin ng tao ang tamang pagkain para sa kanyang kalusugan na kinakailangan upang makapamuhay ng maayos.Samakatuwid, ang tao ay kailangan huwag alisan ng karapatan para sa mga pinahintulutang mga pagkain, inumin, pag-aasawa at tamang pangangalaga sa sarili. Ang Allah ( y) ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an: “Ipahayag (O Muhammad)! Sino ang nagbabawal sa magandang (kaloob) na iginawad ng Allah sa Kanyang mga alipin, at ng At- Tayyibat (lahat ng uri ng mga pinahintulutang bagay at pagkain – Halal) na dalisay at malinis? Ipahayag o sabihin, ang mga ito, sa buhay sa mundong ito, ay para sa mga sumasampalataya, (at) tanging para sa kanila sa araw ng Muling Pagkabuhay. Sa ganito Namin ipinapaliwanag ang Ayat (mga batas Islamiko) sa masusing paraan para sa mga taong may kaalaman. (Qur’an 7:32)

    Sa katotohanan, ang Allah ( y) ay nagbigay puna sa kanyang Propeta ( s)nang pagkaitan ang sarili na kumain ng pulut-pukyutan (honey) para sa ikasisiya ng isa niyang asawa. Ang Allah ( y) ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an: “O Propeta! Bakit mo pinagkaitan ang iyong sarili sa (mga bagay na) ginawang malinis at pinahintulutan ng Allah para sa iyo. Para ba sa ikasisiya ng iyong mga asawa? At ang Allah ay mapagpatawad at maawain.” (Qur’an 66:1)
    Ganoon pa man, inaasahang ang tao ay hindi maging isang kuripot o kaya ay maluho. Sa pamamalakad ng Islam, kailangang maging katamtaman (hindi lumalabis) sa lahat ng bagay. Sa Islam, binigyang karapatan ang tao para magtamasa sa mga masaganang bagay na ibinigay ng Allah ( y) ngunit dapat ay alinsunod sa batas at sa paraang katamtaman. Ang katamtaman ay pinakamagandang paraan tungo sa mga ganitong bagay. Ang katamtaman ay ipinapatupad na may saklaw na hangganan at batay sa balangkas na itinatag at pinaiiral ng Islam. Ang Allah ( y) ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an: “O, mga Anak ni Adan! Magsuot kayo ng maayos at malilinis na damit sa lahat ng oras at lugar ng pagdarasal, at kumain at uminom,datapwa’t huwag maging maluho, katiyakan ang Allah ay hindi malugod sa mga maluluho.” (Qur’an 7:31)
    Hindi pinahihintulot ng Islam na pabayaan ang pangangatawan kundi dapat ay makuha ang nararapat para sa magandang pamumuhay. Ang pagkamalungkutin ay hindi tinatanggap at hindi pinapahintulot ng Islam. Ang tao ay hindi rin dapat pahirapan ang kanyang sarili, kahit na ito ay isang uri ng pagsamba sa Allah ( y). Ang Makapangyarihang Allah ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an: “Walang sinomang tao ang binigyan ng Allah ng pasanin na hindi niya kayang dalhin. Ito ay nagtatamasa ng bawat kabutihan na kanyang pinagsumikapan at magdurusa rin naman sa bawat masama na kanyang pinagtangkaan…” (Qur’an 2:286)

    Bukod dito, iniulat ni Anas bin Malik na nagsabi: ‘Tatlong tao ang dumating sa bahay ng Propeta ( s) Nagtanong tungkol sa mga kaugalian at kung gaano ang pagsasagawa nito ng pagsamba habang nasa pamamahay. Nang makuha nila ang inpormasyong nais nilang malaman, nanliit sila sa nalaman nila [sa pagsambang ginagawa ng Propeta ( s) Ang Allah ( y) ay pinatawad na ang mga kasalanan ng Propeta at pinatawad na pati ang lahat ng mga nakaraan at mga darating pang mga kasalanan. Dahil dito, ang tatlong tao ay nagkasundo at sumumpa na gumawa ng higit na pagsamba; nasabi ng isa, ‘Hindi ako matutulog sa gabi at ako ay tatayo at gugugulin ko ang buong gabi sa pagdarasal’. Nagsalita ang pangalawa, ‘Mula ngayon (hanggang ako ay mamatay) ay hindi ako titigil sa pag-aayuno. Mag-aayuno ako sa buong buhay ko (sa pagsamba sa Allah’. At ang pangatlo ay nagpahayag; ‘Para sa akin, hindi ako magpapakasal sa babae sa buong buhay ko (hindi makikipagugnayan sa buong buhay, manapay maging malinis sa pagsamba sa Allah’. Habang si Anas ay nagpapatuloy, dumating ang Propeta ng Allah ( s) at kanyang narinig ang lahat ng sinabi ng tatlong panauhin, at tinanong niya kung sila ang nagsabi na ganito at ganito…Ang tatlo ay sumagot ng pasang-ayon, at sinabi ng Propeta ng Allah sa kanila; “Kung pag-uusapan ang tungkol sa akin, ako ang pinakamatatakutin sa Allah at pinakamaingat sa pagsasagawa ng pagsamba. Datapwa’t, ako ay naghahandog paminsan minsan ng pagdarasal sa gabi at ako rin ay natutulog. Ako ay nag-aayuno sa mga ilang araw at humihinto sa pag-aayuno sa mga ibang araw (sa labas ng buwan ng Ramadan, buwan ng pag-aayuno) at ako ay nag-asawa. Kung sinoman ang lumihis sa aking ‘Sunnah’, siya ay hindi kabilang sa akin (sa pananampalataya).” (Bukhari at Muslim, Al-lulu Wal-Mrjan)

    Kapayapaan at Kaligtasan:

    Ang Islam ay nag-aalay ng pansariling katiwasayan at pampamilyang kaligtasan at pangangalaga. Ang mga kasapi ng pamayanan ng mga Muslim ay dapat na walang kinatatakutan o pinangangambahan at hindi dapat na pagbantaan ng sinoman kahit sa salita man lang. Ito ay batay sa Hadith ng Propeta ng Allah ( s) states: “Sinoman ang manakot o mang-abuso sa isang mananampalataya (dito sa mundo), magiging isang tungkulin ng Allah na bigyan ang taong ito (nanakot) ng walang kapanatagan at takutin siya (ng walang tigil) sa Araw ng Paghuhukom.” (Iniulat ni Tabaranee, Targheeb Abd Tarheeb.)

    Ang katiwasayan ay nagbibigay sa isang mamamayan (sa pamayanan) ng kalayaan sa pagkilos upang makapaghanap-buhay at tuluyang kumita sa matapat na pamamaraan. Ang pangunahing parusa (Capital Punishment) ay ipinapataw at ipinaiiral upang magkaroon ng mahigpit na parusa sa mga taong may tangkang maghasik ng kaguluhan sa kapayapaan, katiwasayan at katatagan ng bayan ng mga Muslim. Isa sa mga mahigpit na parusa sa mga kriminal, batay sa batas ng Islam ay ang parusa para sa paghahasik ng kaguluhan sa kapayapaan at katiwasayan at ang pananakot sa mga inosente o walang kasalanan na mamamayan. Inilahad ito ng Propeta ng Allah ( s) mula sa kanyang huling sermon: “Katotohanan, ang inyong dugo, ang inyong pinangangalagaang bagay, ang inyong mga kayamanan ay ipinagbabawal sa iba. At bawal na dungisan ang mga ito katulad ng pagbabawal na dungisan ang Banal na Araw na ito (Araw ng Arafah, sa panahon ng Hajj), sa Banal na Buwan na ito, [ang Buwan ng Peregrinasyon, (Pilgrimage), Thul- Hijjah] at ang Banal na Lugar (Lungsod ng Makkah).” (Sahih Al-Bukhari)


    Malinis na Pagkain at Kabuhayan Para sa Lahat

    Ang pagkaing malinis at mainam na kabuhayan ay nakatalaga sa Islamikong pamayanan, mula sa maayos at magandang paghahanap- buhay. Ang Islamikong pamahalaan ay may nakalaan na mabuting gawain para sa mga mamamayan para sa kanilang pangangailangan sa buhay. At ang mga taong hindi na kayang maghanapbuhay, mga matatanda, mga may kapansanan, may karamdamang hindi na gagaling, at ang mga naulila sa mga ama, ay dapat paglaanan ng pamahalaang Islamiko ng kanilang kabuhayan. Ang mga Zakah at kawanggawa ay nararapat sa mga ganitong uri ng tao na hindi na makapaghanap-buhay. Ang Zakah at mga kawanggawa ay kumakatawan bilang mekanismo sa panlipunang pagkakaisa ng mga mamamayan sa Islamikong pamayanan. Ang Zakah at kawanggawa ay mga tungkulin at kusang pagbibigay mula sa mga mayayaman at mga may kakayahan at ibinibigay ito sa mga tunay na mahihirap at nangangailangan sa pamayanan. Ito ay batay sa Hadith ng Propeta ng Allah ( s)bilang payo sa kanyang kasamahan na si Muaadh bin Jabal samantalang inuutusan siyang pumunta ng Yemen upang ipalaganap ang Islam (Dawah- layuning mag-aanyaya sa Islam): “Sabihin mo sa mga mamamayan ng Yemen na ipinag-uutos ng Allah na magbigay ng tulong, ilang bahagdan mula sa kanilang mga kayamanan bilang Zakah at Sadaqah (kawanggawa). Ang Zakah ay mula sa mga mayayamang mamamayan na kasapi ng kanilang pamayanan at ibinibigay sa mga mahihirap at sa mga taong nangangailangan.” (Iniulat ni Muslim)

    Karagdagan dito, ang mga ibang kusang loob na kawanggawa at tulong o handog at mga salaping nakalaan dito ay ibinibigay ng taos-puso sa mga mahihirap na mamamayan, na may tanging layunin upang bigyang kasiyahan at lugod ang Allah ( y). Ang pahayag na ito ay batay sa Hadith ng Propeta ng Allah ( s) : “Sinoman sa mga taong nakatira sa isang Islamikong pamayanan at hindi binigyang pagpapahalaga ang kanyang kapwa na nagugutom (nagdarahop) siya ay hindi itinuturing ng Allah at ng Kanyang Propeta bilang tunay na Muslim.” (Mosnad Ahmad)
    Ang mga mahihirap at ang mga dukhang mamamayan ay may karapatang bigyan ng tulong mula sa Kaban ng Muslim na Lipunan. (Bait-al- Mal Al Muslimeen). Ang paglalahad ng aral na ito ay batay sa Hadith ng Propeta ng Allah ( s): “Ang sinomang may naiwanang yaman upang ipamana ay nararapat ibigay sa kanyang mga tagapagmana (heredero). Ngunit yaong mga taong iniwang mahihirap na miyembro ng pamilya, ang Allah at ang Propeta ang magkakaloob ng mga pangangailangan nila.” (Iniulat ni Imam Bukhari)


    Maayos at Maaliwalas na Tanggapang Pangkalusugan

    Sa isang dako, ang Islam ay nagbabawal sa lahat ng bagay na nakakasira sa kalusugan ng mga mamamayan. Ipinagbabawal ang lahat ng uri ng gamot na nakakapinsala at nakakalasing. Ipinagbabawal ng Islam ang magtinda ng lahat ng uri ng pagkaing lagpas na sa itinakdang taning na petsa ng bisa. Bawal din sa Islam ang lahat ng uri na gawaing kalaswaan (immorality) katulad ng pakiki-apid at pangangalunya [maging ang ugnayang babae sa babae (lesbian) at lalake sa lalake (homosexual)]. Pinangangalagaan ng Islam ang mga tao mula sa mga gawaing immoralidad sa pamamagitan ng pagpapailalim sa kuwarentenas (quarantine) upang sa gayon ang mga sakit ay hindi kumalat at lumaganap sa buong pamayanan. Ang Propeta ng Allah ( s)ay nagsabi: “Kung may balitang kumakalat na sakit o epidemya sa isang lugar, magkagayon huwag kayong maglakbay (patungo) sa pook na yaon. At kung may kumakalat na epidemya sa mismong lugar na inyong tinitirhan, nararapat na huwag kayong umalis o lumisan mula dito.” (Mosnad Ahmad)
    Bukod dito ang Propeta ng Allah ( s)ay nagsabi: “Ang isang may sakit na tao ay hindi dapat dumalaw sa isang papagaling na sa karamdaman.” (Iniulat ni Imam Bukhari at Imam Muslim)
  • Ang Pangangalaga ng Kaisipan:


    Sa tawag ng tungkulin at sa pagsasagawa ng gawaing pang relihiyon, ang pag-iisip ng tao ang siyang nagbabalikat at dito nakasalalay ang pananagutan. Samakatuwid, ipinagbabawal ng Islam ang lahat ng nakakasamang inumin, gamot, nakalalasing at nakalalango at lahat ng may masamang bunga sa isip. Ang salitang “Khamar” sa wikang Arabic ay kinabibilangan ng lahat ng uri ng inumin na nakalalango o nakalalasing na sumisira sa kalinawan ng pag-iisip mula sa paggawa ng maayos. Ang “Khamar” ay kinikilala ng Islam bilang pinaka-ugat ng lahat ng kasamaan sapagkat ito ay nagbibigay ng masamang bunga sa mga gumagamit nito. Kaya ang Islam ay nagpanukala ng mabigat na parusa sa mga taong umiinom o gumagamit nito. Samakatuwid, kung ang utak ay pinangangalagaan sa maayos at magandang pakiramdam, ang kalusugan ay mananatili, ang kayamanan ay maayos na mapangangalagaan at ang lahat ng bagay na pinangangalagaan ay magiging maayos. Lahat ng nakakasirang bagay ay mula at bunga ng mga inuming nakakalasing, nakalalango at nakasisira ng pag-iisip. Ang Allah ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an: “O kayong mananampalataya! Ang “Khamar” at (lahat ng uri ng inuming nakalalasing, nakalalango at nakakasira ng katinuan ng isip), ang Sugal, ang Al Anzab at Al Azlam (mga palaso sa paghahanap ng kapalaran) ay kasuklam-suklam na gawain ni Satanas. Kaya’t (mahigpit) na talikdan (ang lahat ng gayong kasuklam-suklam na bagay) upang kayo ay maging matagumpay. Si Satanas ay naghahangad lamang na pasiglahin ang pagkagalit at pagkamuhi sa pagitan ninyo sa pamamagitan ng mga bagay na nakakalasing at pagsusugal, at humahadlang sa inyo sa pag-aala- ala sa Allah at sa pagdarasal. Kaya nga, hindi ba kayo magsisitigil?” (Qur’an 5:90-91)

    Sa katunayan, ang Islam ay nagpapataw ng mahigpit na patakaran upang pigilin ang alkohol sa lugar ng Islamikong pamayanan sa lalong madaling panahon. Hindi pinahihintulot ng Islam ang paggawa ng mga inuming may alkohol at ang kinikita sa pagtitinda ng alak. Karagdagan pa dito, ang Islam ay nagbabawal sa pagtataguyod ng ganitong inuming may alkohol, kahit na ang nagtitinda ay hindi umiinom o gumagamit nito. Ang pagbabawal na ito ay batay sa Hadith ng Propeta ng Allah ( s) : “Ang alak ay isinumpa, ang umiinom at nagpapakalasing ay isinumpa, ang nagtitinda nito at ang nagsisilbi nito sa mga umiinom ay isinumpa, at ang bumibili ay isinumpa, at ang pumipiga ng ubas upang gawing alak ay isinumpa, ang magdadala sa nagtitinda ay isinumpa, ang nagdala (inutusan) at ang nag-utos na magdala sa kanya ng alak upang uminom ay mga isinumpa at ang mga gumawa ng paraan at ang mga nakinabang sa pagtitinda nito ay isinumpa rin.” (Ibn Majah)

    Pangunahing Edukasyon para sa Lahat

    Ang Allah ( y) ay nagsabi batay sa pahayag ng Banal na Qur’an: “Sabihin mo! ‘Yaon kayang may kaalaman ay katulad niyaong walang kaalaman ? Yaon lamang mga taong may pang-unawa ang tatanggap ng paalala.” (Qur’an 39:9)
    Karagdagan pa dito, ang Allah ( y) ay nagsabi sa isa pang talata ng Banal na Qur’an: “…at kung kayo ay sinabihan upang bumangon (para sa pagdarasal, Jihad at iba pang mabubuting gawa) kailangan kayong tumindig… Ang Allah ay itataas kayo (sa angkop na antas) at sa mataas na kalagayan yaong sa inyo ay nananampalataya at yaong mga pinagkalooban ng katalinuhan. Ang Allah ang maalam sa lahat ng inyong ginagawa.” (Qur’an 58 :11)
    Ang edukasyon sa Islamikong pamayanan ay hindi lamang karapatan ng mga mamamayan. Bagkus, ito ay isang tungkulin ng bawat isa na may kakayahan. Lahat ng may talino at may kakayahan sa isang pamayanan na Muslim ay nararapat na mag-aral tungkol sa Relihiyon at sa makamundong kapakanan. Sa katunayan, ang Islamikong pamahalaan ay dapat maghanda at tumulong sa lahat ng kaparaanan (para sa mga mamamayan) para sa kanilang magandang kinabukasan. Ang konseptong ito ay batay sa Hadith ng Propeta ng Allah ( s) ,said: “Ang paghahanap ng kaalaman (mabuting edukasyon) ay tungkulin ng bawat Muslim (lalaki man o babae).” (Iniulat ni Ibn Majah)
    Bukod dito, iminumungkahi ng Islam ang paghahanap ng magandang edukasyon bilang pagsisikap at isang uri ng Jihad (pakikibaka sa landas ng Allah) na may malaking gantimpala mula sa Allah ( y). Ang Propeta ng Allah ( s)ay nagsabi: “Sinoman ang naghahanap ng kaalaman (kapaki-pakinabang), ay itinuturing ang taong ito bilang nagsagawa ng Jihad para sa Landas ng Allah hanggang siya ay makabalik (sa kanyang tahanan)” (Iniulat ni Tirmidhi)
    At sinabi pa rin ng Propeta ng Allah ( s) “Kung sinoman ang tumahak sa daan ng paghahanap ng kaalaman (o magandang edukasyon), ang Allah ay naglaan ng daan para sa kanya tungo sa Paraiso.” (Iniulat ni Abu Dawoud at Tirmidhi)
    Sa katunayan, isinaalang-alang ng Islam na ang pagkakait o pagpipigil upang makamit ang mabuting kaalaman at ang hindi pamamahagi nito para sa kapakanan ng iba ay hindi umaayon sa Batas ng Islam. Ang Propeta ng Allah ( s) said: “Kung sinoman ang nagkait at hindi namahagi ng mabuting kaalaman sa mga nangangailangan ay mapaparusahan sa apoy ng Impiyerno sa Araw ng Paghuhukom.” (Ibn Hibban)
    Karagdagan pa dito, ipinapaalala at binabalaan na lapatan ng parusa o multa ang mga taong nagbabawal at yaong hindi naghahanap o di kaya ay hindi lumalahok at nakikiisa sa pagpapataguyod at pagpapaunlad ng edukasyon sa Islamikong pamayanan. Ang Propeta ng Allah ( s) ay nagsabi: “Ang sinomang hindi nakapag-aral ay dapat magsikap humanap ng kaalaman sa kanilang mga kapit-bahay o karatig pook. Ang may kaalaman ay dapat magturo sa kanilang mga kapit-bahay, at kung ito ay hindi magawa, may ipapataw na parusa sa mga ito.”
    Iniulat ni Tabrani, Al-Mu’jam Al-Kabeer (Grand Collection of Hadith).
  • Ang Pangangalaga sa Dangal:


    Hindi pinahihintulutan ng Islam ang anomang pakikiapid at pangangalunya. At ipinagbabawal din ang lahat ng uri ng gawain na nagiging daan para mahulog sa karumal-dumal na krimeng ito laban sa sarili, sa ibang tao at sa buong pamayanan. Sa pagkakataong ito, ang Islam ay hindi naiiba sa naunang mga dakilang relihiyon. Ngunit ang Islam ay pumalaot pa sa puntos ng higit pang pagpipigil nito, na pati ang mga mahalay na kilos o asal bilang panghihimok o pang-akit upang makagawa ng krimeng ito laban sa pamayanan ay ipinagbabawal din. Bawal ding tumingin sa mga babae o lalake na tinging nang-aakit o makatawag pansin sa mga ito. Karagdagan pa dito, ipinagbabawal din ng Islam sa mga hindi magkamag-anak na babae at lalaki (na maaaring maging asawa) na magsama sa ilang na lugar. At pinagbabawal din ng Islam ang mga may pagnanasang paghipo o paghawak ng magkabilang kasarian (babae at lalaki) at bawal din ang pagsasalamuha at pakikipaghalo ng magkabilang kasarian. Ang mga ito ay pumipinid sa lahat ng posibleng hantungan upang makagawa ng ano mang uri ng pangangalunya at pakikiapid. Ito ay batay sa talata ng Banal na Qur’an: “At huwag kayong magtangkang lumapit man lang sa bawal na pakikipagtalik; dahil ito ay nakakahiya (Fahishah; paglampas sa hangganan ng pagsuway) at malaking kasalanan, at magbubunsod sa ibang daan (ng kasalanan)”. (Qur’an 17:32)

    Batay din ito sa ibang talata ng Banal na Qur’an: “Ipahayag! Halina kayo, aking bibigkasin (sa inyo) kung ano ang mga ipinagbabawal ng Allah sa inyo; huwag kayong magtambal ng anupaman sa pagsamba sa Kanya, maging mabuti at masunurin sa inyong mga magulang, huwag ninyong patayin ang inyong mga anak dahil sa kahirapan; Kami ang nagkakaloob ng ikabubuhay nila at ninyo, huwag kayong lumapit sa kahiya-hiyang kasalanan (bawal na pakikipagtalik at iba pa), kahit na ito ay ginawa ng lantad o lingid, at huwag kayong pumatay ng sinomang ipinagbawal ng Allah, maliban kung ito ay sa makatarungang dahilan (na ayon sa Batas Islamiko). Ito ay kanyang ipinag-utos sa inyo upang kayo ay makaunawa.” (Qur’an 6:151)

    Samakatuwid, ang Islam ay naghanda ng Pangunahing Kaparusahan (capital punishment) sa mga binata at dalaga na nagkasala ng pakikiapid. Ang Allah ( y) ay nagsalita batay sa Banal na Qur’an: “Ang babae at ang lalaki na nagkasala ng bawal na pakikipagtalik, hagupitin sila ng isang daang hampas. Huwag hayaan ang awa ay mangibabaw sa inyo upang pumigil sa inyo sa ganitong kaso, sa kaparusahan na inihatol ng Allah, kung kayo nga ay sumasampalataya sa Allah at sa Huling Araw. At hayaang ang isang pangkat ng mga sumasampalataya ay makasaksi sa kanilang parusa.” (Qur’an 24:2)


    Ang Propeta ng Allah ( s) ay nagdagdag ng paliwanag sa lubhang kaselanan ng pagkakasala sa krimeng bawal na pakikipagtalik at sinabi: “Wala ng mas mabigat na kasalanan [sa Paningin ng Allah at sa Islam] sa kasalanang pagtatambal ng ibang diyos sa pagsamba sa Allah at wala ng mas mababa pa sa paningin ng Allah kaysa sa naglagay ng punlay sa maselang bahagi ng babae ng lalaking walang karapatang maglagay dito (sa bawal na pakikipagtalik).” (Ibn abid-Dunya)

    At sa mga may asawang lalaki at babae na nakagawa ng pakikiapid sa ilalim ng kani-kanilang kasal, o kaya ay sa oras ng paghihiwalay pa lamang ng kanilang asawa, ang kaparusahan sa taong gumawa ng krimeng ito ay ang batuhin sila hanggang sa mamatay. Ang pagsuri kung paano igawad ang Pangunahing Kaparusahan ay batay sa pagsasakatuparan ng mga sumusunod na patakaran:

    At sa mga may asawang lalaki at babae na nakagawa ng pakikiapid sa ilalim ng kani-kanilang kasal, o kaya ay sa oras ng paghihiwalay pa lamang ng kanilang asawa, ang kaparusahan sa taong gumawa ng krimeng ito ay ang batuhin sila hanggang sa mamatay. Ang pagsuri kung paano igawad ang Pangunahing Kaparusahan ay batay sa pagsasakatuparan ng mga sumusunod na patakaran:

    • Ang Pag-amin (Confession):

      Ang ibig sabihin nito ay ang pag-amin ng hayagan ng dalawa, ang lalaki at babae, na ginawa nila ang krimeng ito sa harap ng Hukumang Tagahatol o Huwes. Sa ganitong kaso, sa unang sandali ng pagdulog at pag-ulat, ang kaparusahan ay hindi kaagad-agad ipinatutupad. Ang mga nagkasala ay bibigyan ng pagkakataon upang makapag-isip ng maigi sa kanilang pag-amin sa kasalanan. Kung sila ay nagpumilit ng maraming ulit ang Pangunahing Kaparusahang ay ipatutupad.
    • Ang Pagpapatunay ng mga Saksi:

      Ibig sabihin nito ay may apat na saksi na walang kinikilingan, mapagkakatiwalaan, matapat at makatarungang tao na nakasaksi sa pakikipagtalik na ginawa ng mga nagkasala. Ang mga saksi ay nararapat na isalaysay ang detalye ng pakikipagtalik. Ang ganitong kaso ay napakadalang mangyari, dahil ginagawa ng normal na tao ang bawal na pakikipagtalik na palihim at sa mga puspos saradong kuwarto o silid at tagong lugar. Kaya ang makakita sa akto ng pakikiapid ay halos imposible sa normal na pagkakataon. Sa katunayan, sa kasaysayan ng Islam mayroon lamang dalawa o tatlong pangyayaring may nagsaksi sa krimeng bawal na pakikipagtalik. Ang mga taong nagkasala ng kalaswaan ay hayagang tinanggap ang krimeng pakikiapid sa dahilang nababagabag sila ng kanilang konsiyensya at sila ay mayroong matatag na paniniwala at takot sa Allah ( y). Hinahangad nilang maparusahan dito sa mundo para mapangalagaan sila sa Kabilang Buhay. Datapwa’t kung ang pagtatalik ay hindi naganap, katulad halimbawa kung halik o lambingan lang ang nangyari, at ang aktual na pakikipag-ugnayan (intercourse) ay hindi nangyari, ang Pangulong Kaparasuhan ay hindi ipapatupad.

    Sa kabilang dako, ang Islam ay nagpasiyang magpataw ng pagpaparusa sa mga taong nagbibintang lamang na pakikiapid sa mga ibang tao ngunit hindi nagpapakita ng matibay na patunay o ebidensiya para sa kanilang paratang. Ang nagbibintang na ito ay malalapatan ng parusa ng hagupit ng walumpung hampas para sa kanyang maling bintang. Ang iniulat na ito ay batay sa Banal na Qur’an: “At yaong mga nagpaparatang sa mga malilinis (birhen) na babae, at hindi makapagtanghal ng apat na saksi, hagupitin sila ng walumpung hampas, at itakwil ang kanilang pagsaksi ng lubusan, katotohanan sila ay mga Fasiqun (mga sinungaling, palasuway at mapanghimagsik sa Allah).” (Qur’an 24:4)

    Karagdagan dito, ang Islam ay nagbabawal sa mga paninirang puri sapagkat ito ay paglabag sa karangalan ng mga Muslim sa pamayanan. Ito ay batay sa talata ng Banal na Qur’an:
    “O kayong mga sumasampalataya! Huwag hayaang ang isang pangkat sa inyong kalalakihan ay mangutya sa ibang pangkat. Maaaring ang huli ay higit na mainam kaysa sa una at huwag din namang hayaan na ang ilan sa inyong kababaihan ay mangutya sa ibang kababaihan, maaaring ang huli ay higit na mainam kaysa sa una. Gayundin naman, huwag ninyong siraan ang bawat isa, at gayundin, huwag ninyong tawagin ang bawat isa sa nakakasakit na mga palayaw. Tunay namang masama na inyong hihiyain ang isang kapatid matapos na siya ay magkaroon ng Pananampalataya. At kung sinoman ang hindi magsisisi, katotohanan sila ang Zalimun (mga gumagawa ng kamalian, kabuktutan at mga buhong atbp.)”
    “O kayong sumasampalataya! Inyong iwasan ang maraming panghihinala, katiyakan ang ilang panghihinala (sa ilang katayuan) ay maaaring mga kasalanan. At huwag kayong manubok, gayundin huwag kayong magpamalas ng panlalait sa bawat isa sa talikuran. Mayroong bang isa sa inyo ang ibig kumain ng laman ng patay niyang kapatid? Tunay ngang kasusuklaman ninyo ito (kaya’t kamuhian ninyo ang panlalait sa talikuran), datapwa’t inyong pangambahan ang Allah, katotohanan ang Allah ang Tanging Isa na tumatanggap ng pagsisisi, ang Pinakamaawain.” (Qur’an 49:11-12)
    Ito rin ay batay sa isa pang talata sa Banal na Qur’an: “At sinuman ang umani ng kamalian o kasalanan, at pagkatapos ay ipinataw ito sa sinumang walang muwang, katotohanang binigyan niya ang kanyang sarili ng pasanin ng kasinungalingan at ng maliwanag na kasalanan.” (Qur’an 4:112)


    Ang Islam ay nagbigay ng natatanging pansin sa pagpaparami at pangangalaga ng lipi (ng tao) sa mundo. Ang lahi ng tao ay pinagkalooban ng pagtataguyod at pangangalaga sa buong daigdig at ng paglalarawan ng banal na karunungan upang tumayo bilang katiwala (Khalifa) ng Makapangyarihang Allah sa mundong ito. Samakatuwid, ang pagbabawal o pagpapahinto sa pagpaparami ng mga lipi ng tao, sa kahit na anong paraan, ay hindi umaalinsunod sa Batas ng Islam. Ang Makapangyarihang Allah ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an; “At kung siya ay tumalikod (mula sa iyo O Muhammad), ang kanyang gawain sa lupain ay maghasik ng kasamaan mula rito at pinsalain ang mga pananim at hayupan at (katotohanan) hindi minamahal ng Allah ang mapaggawa ng kasamaan.” (Qur’an 2:205)

    Ang Islam, halimbawa, ay hindi pinapahintulutan ang pagpapalaglag ng sanggol kung mayroon ng higit na apat na buwan sa pagbubuntis ang babae. Sapagkat pinaniniwalaan ng mga Muslim na ito ay magkakaroon na ng kaluluwa sa sinapupunan sa ika-apat na buwan ng pagdadalantao. Ngunit kung may inaasahang mangyayaring masama sa pagbubuntis o sa panganganak ng babae, maaari niyang ipalaglag ang namumuong (fetus). Ito ay batay sa salita ng Propeta ng Allah ( s): “…Ang silmilya (fetus) ay mangyaring mabuo bilang isang hugis ng punlay sa loob ng apatnapung araw (ng pagbubuntis). Pagkaraan ay mangyaring isang namuong dugo na nakabitin sa sinapupunan (ng ina) sa loob ulit ng apatnapung araw. Ang sumunod dito, ito ay magiging isang laman sa loob ulit ng apatnapung araw. At pagkatapos ipapadala ang Anghel para ihinga ang kaluluwa para dito. Bukod parito, inutusan ang Anghel na isulat ang apat na bagay (tungkol sa magiging buhay ng similya) na magiging kahihinatnan niya; ang kanyang magiging kapalaran sa panustos (pre-determined provision), isusulat ang kanyang mga gawain (deeds), kung ilang taon siyang mabubuhay sa mundo at kung siya ay magiging matagumpay o hindi (sa Kabilang Buhay).” (Bukhari)

    Sa katunayan, itinuturing ng Islam na isang pinaghandaang pagpatay kung ang buntis na ina ay magpapalaglag (abortion) sa bilang ng apat na buwan (pagkatapos na ihinga ang kaluluwa sa similya). Ang ganitong uri ng pagpatay ay nararapat na bigyan ng kaparusahan ang mga magulang.
    Marami ang naiulat ng Propeta ng Allah ( s)tungkol sa normal na pagpaparami ng tao at pangangalaga ng lahi (ng tao) sa mundo. At sinabi niya: “Mag-asawa at magpakasal sa isang mapagmahal, mabait at palaanakin, dahil ipagmamalaki ko ito para sa inyo pagdating ng Araw ng Paghuhukom.” (Abu Daoud)

    Binibigyan ng kahalagahan ng Islam ang pinagmulan ng angkan at ng pamilya. Ang pinagmulan ng pamilya ang siyang batayan at haligi ng pamayanan. Upang mapangalagaan ang pamilya laban sa pagkabuwag at sa pagkahiwa-hiwalay, ang Islam ay nagbigay ng mabuting pangangalaga para sa kapakanan ng pamilya bilang isang mahalagang bahagi ng pamayanan. Ang angkan ay isa sa mahalagang ugnayan ng pamilya. Ang isang kamag-anak ay dapat na makikilala ang karapatan ng kanyang kamag-anak at kaalinsabay nito, ipinagkakaloob ang kaukulang karapatan sa naturang kamag-anak sa paraang mahusay. Ang Allah ( y) ay nagbigay ng katiyakang alituntunin at regulasyon upang patatagin ang haligi ng pagkamag-anakan ng bawat miyembro ng isang pamilya. Karagdagan pa nito, pinangangalagaan ng Islam ang pamilya laban sa lahat ng mga ugnayan na maaaring maging daan upang magkaroon ng suliranin na maaaring maging sanhi ng paghihiwalay. Ang labis o hayag na ugnayan na walang hangganan sa mga kamag-anakan (na maaaring magkapangasawahan) ay maaaring magiging daan ng suliraning pampamilya at panlipunan. Ang ganitong hayag o bukas na ugnayan ay maaaring maging daan tungo sa mga ipinagbabawal ng uri ng pagpapakasal halimbawa na ang incest marriage o maaaring maging dahilan ng pagkait ng pamana para sa isang tao na may karapatan sa pamana. Ang Propeta ng Allah ( s)ay nagsabi: “Sinomang babae ang nagsinungaling sa pag-ako ng anak ng kanilang pamilya at sinabing tunay na anak ng kanyang asawa, siya ay hindi matatawag na mananampalataya sa Allah. Karagdagan pa dito, hindi pahihintulutan ng Allah ang babae na makapasok sa Paraiso. Gayundin sa isang lalaki na nagsinungaling at itinanggi niya ang kanyang anak, habang tinitingnan niya ito (at nalalaman niyang ito ay anak niya), maglalagay ang Allah ng isang harang sa kanilang pagitan (at hindi Niya papayagang makita Siya ng taong ito). Dagdag pa rito, hihiyain ng Allah sa harap ng buong sangkatauhan (sa Araw ng Paghuhukom) ang taong nagpahayag ng kasinungalingan.” (Abu Dawoud at Nasaiee)

    Noong kapanahunan ng Jahiliyah (kamangmangan) bago dumating ang Islam, ang alituntuning pang-pamilya ay hindi maganda at wala sa tamang kaayusan. At ang Islam ay nagpanukala ng mga tiyak na kasagutan para sa pagbabago. Pinuksa nitong lahat ang mga dating masasamang gawain at ang pang-aabuso sa tungkulin. Ang mga sumusunod ay mga ibang ipinagbabawal ng Islam:

    • Ang Pag-ampon ng Bata:

      Hindi pinapahintulot ng Islam ang pag-ampon ng bata na hindi kamag- anak o kadugo ng lalaki. Dahil ang apelyido ng ama na nais umampon sa bata ang siyang gagamitin niya at magkakaroon siya ng karapatan sa lahat ng pribilehiyo na ibinibigay sa tunay na anak. Ito ay batay sa talata ng Banal na Qur’an: “Ang Allah ay hindi naglagay sa kaninomang lalaki ng dalawang puso sa kanyang dibdib, gayun din naman hindi Niya ginawa ang inyong asawang babae na inyong dinidiborsiyo sa pamamagitan ng Ziha,Zihar ay ang bukang bibig na pagsasalita sa asawang (babae) na: ‘Pinapahayag kong ikaw ay bawal sa akin at ikaw ay katulad ng likod ng aking ina, (samakatuwid, ikaw ay hindi nararapat sipingin)’. Ito ay pinagbabawal na gawain noong bago pa dumating ang Islam, pre-Islamic (Jahiliyyah) na pamayanan. na (maging) inyong tunay na ina, at hindi rin Niya ginawa ang inyong mga ampon na lalaki (na maging) inyong mga tunay na anak. Ito ay isa lamang bukang bibig o sinasambit ng inyong mga bibig. Datapwa’t ang Allah ay nagsasabi ng katotohanan (sa inyo) at Siya ang nagtuturo ng (tamang) landas.”
      “Tawagin ninyo sila sa pangalan ng kanilang (tunay) na ama, ito ay higit na makatarungan sa Paningin ng Allah. Datapwa’t kung hindi ninyo alam ang pangalan ng kanilang ama, (kung gayon ay sila) ay inyong kapatid sa pananampalataya o inyong mga (Maulas Ito ay katawagan noong bago pa dumating ang Islam (pre-Islamic, Jahiliyyah, pamayanan) na itinatawag sa isang tao o grupo ng tao na sumuko bilang matapat na tagasunod ng isang tribo o angkan, bagama’t hindi sila kamag-anak, para sa kapakanan at pagbibigay nila ng tulong. Ang mga taong ito ay walang karapatan gaya ng mga orihinal na miyembro ng tribo o angkan.)kaibigan. Datapwa’t hindi ninyo ito kasalanan kung kayo ay nagkamali rito, (ang higit na) mahalaga ay ang sa loobin ng inyong puso, at ang Allah ang lagi ng Nagpapatawad, ang Pinakamaawain.” (Qur’an 33:4-5)
    • Ang Pagtanggap sa Bata bilang Anak (lalaki o babae)

      Kailangan ang hayagang pagpapahayag ng ama na ang bata ay tunay nga niyang anak upang ito ay mapabilang sa kanilang angkan. Hindi tinatanggap ng Islam ang pagtawag sa anak ng isang tao na wala itong hayagang pagtanggap bilang kanyang anak, dahil ang pagtawag dito (na anak) ay makakasira sa ugnayan ng mag-asawa at ng kanilang pamilya (kung hindi siya tunay na anak). Karagdagan dito, ang walang pakundangang pagtawag (ng anak) ay magbibigay ng karapatan sa lalaki na kahit na anong sabihin sa babae (kahit hindi siya ang asawa ng ina ng bata). At ang babae (na posibleng siya ang asawa) ay magiging paksa ng mga di magandang usap-usapan at maaari siyang pagbintangan ng hindi kanais-nais. Ito ay makakasira sa kanyang dangal at puri na maaari siyang akusahan na nakipagtalik sa ibang lalaki. Bukod pa dito, ang maling paratang ng lalaki ay magbibigay ng di-pagkakaunawaan sa lahat ng mga anak. At ang pagsasama ng hindi tunay na anak sa mga tunay na anak ay makakasira sa angkan ng naturang pamilya. Samakatuwid, ang Islam ay itinatalaga ang isang batang tunay na anak sa kasal na tawaging anak ng ama na walang pagtanggi o pagpapatunay. Ang kaugaliang ito ay batay sa salita ng Propeta ng Allah ( s): “Ang ipinanganak na bata (bilang anak sa lehitimong kasal) ay para sa kanyang ama.” (Abu Daoud)
      Ang di-pangkaraniwan sa alituntuning ito ay kung napatunayan ng walang pagsala, na ang babae ay nagtaksil sa asawa at siya ay buntis sa ibang lalaki maliban sa kanyang tunay na asawa. Sa pagkakataong ito, may partikular na regulasyon o pagpapasiya ang Huwes ukol dito. Maibibigay ang mga alituntuning ito sa ibang pagkakataon.
    • Ang “Khal’a” o Ang Pagtanggi:

      Sa pagkakataon na natuklasan ng ama na hindi sa kanya ang mga ibang anak na ipinapalagay na sa kanya kung kaya pagkatapos na kanyang pagtanggi sa mga batang hindi niya anak, kailangang magiging lubos siyang malayo sa kanila. Ibig sabihin nito, kung ang itinanggi niyang anak ay isang babae, hindi niya dapat makaharap ito o makahalubilo at makasama sa paglalakbay o makapisan sa bahay.
    • Ang Pagpapalit ng Apelyido ng Babae pagkatapos ng Kasal:

      Sang-ayon sa hukumang lupon ng taga-hatol sa Islam, ang Muslim na babae, pagkatapos ng kasal, ay mananatiling gamit niya ang kanyang apelyido. Batay sa turo at batas ng Islam, bawal na gamitin ng babae ang apelyido ng kanyang asawa pagkatapos ng kasal. Kung masusing pag- aralan ang tungkol dito, mauunawaan na malaki ang pagpapahalaga sa dignidad, karangalan at respetong ipinagkaloob na kalayaan sa babae ng Islam. Ang pagsasakatuparan nito ay bilang pangangalaga sa makatarungang karapatan at pagkapantay-pantay ng lalaki at babaeng Muslim dahilan sa pagpapanatili at paggamit ng kani-kanilang pangalan. Minamabuti ito kaysa gamitin ng babae ang pangalan ng lalaki pagkatapos ng kasalan.
    • Ang Pangangalaga at Paggalang ng Karapatan sa mga Mahihina at mga may Kapansanang Mamamayan:

      Binibigyan ng pagpapahalaga ang mga taong matatanda na miyembro ng Islamikong pamahalaan, iginagalang at iginagawad ang lahat ng posibleng maitutulong sa kanila. At sinoman ang nagtalaga ng buhay sa paglilingkod para sa pamahalaan at bansa dapat siyang parangalan at igalang. Gayundin ang mga taong may kapansanan, bilang pagsubok sa kanila ng Allah ( y) ay dapat ding ibigay ang paggalang sa kanila. Ito ay minarapat ng Allah, ang Pinakamaalam, upang subukin ang kanilang pagiging matiyaga at pagkamatiisin at ang iba namang makakakita sa kanila ay magkakaroon ng pasasalamant sa magandang biyaya at pangangatawan na walang kapansanan. Ang inilahad na ito ay batay sa salita ng Propeta ng Allah ( s): “Hindi siya maituturing na isang Muslim yaong hindi nagpapakita ng awa sa mga bata at hindi gumagalang sa mga matatanda.” (Abu Dawoud at Tirmidhi)

      Tungkol sa mga walang kakayahang ulila na nangangailangan ng tulong at kalinga, ang Makapangyarihang Allah ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an: “Samakatuwid huwag pakitunguhan ang ulila ng may kalupitan.” (Qur’an 93:9)

      At sinabi rin ng Allah ( y) batay sa Banal na Qur’an: “At huwag kayong lumapit (nang may pag-iimbot) sa ari-arian ng mga ulila maliban na ito ay inyong paunlarin, hanggang sapitin niya ang tamang gulang at lakas. At inyong tuparin (ang bawat) kasunduan.Katotohanan, ang kasunduan ay tatanungin (Sa Araw ng Pagbabayad).” (Qur’an 17:34)

      Karagdagan pa rito, ang Allah ( y) ay nagsabi rin batay sa Banal na Qur’an: “Ang umaangkin ng mga ari-arian ng mga ulila ng walang katarungan ay kumakain ng apoy sa kanilang tiyan, hindi magtatagal, sila ay magdurusa sa naglalagablab na Apoy!” (Qur’an 4:10)

      Ganoon pa man, itinalaga ng Allah ( y) ang pangangalaga ng karapatan ng mga inosenteng bata laban sa mga magulang nito na maaaring gumawa ng hindi maganda o pagpapatayin sanhi ng kahirapan at malaking kamangmangan. Ang Allah ( y) ay nagsalita batay sa Banal na Qur’an: “Ipahayag! Halina kayo, aking bibigkasin (sa inyo) kung ano ang mga ipinagbabawal ng Allah sa inyo; huwag kayong magtambal ng anupaman sa pagsamba sa Kanya, maging mabuti at masunurin sa inyong mga magulang, huwag ninyong patayin ang inyong mga anak dahil sa kahirapan; Kami ang nagkakaloob ng ikabubuhay nila at ninyo, huwag kayong lumapit sa kahiya-hiyang kasalanan (bawal na pakikipagtalik at iba pa), kahit na ito ay ginawa ng lantad o lingid, at huwag kayong pumatay ng sinomang ipinagbawal ng Allah, maliban kung ito ay sa makatarungang dahilan (na ayon sa Batas Islamiko). Ito ay kanyang ipinag-utos sa inyo upang kayo ay makaunawa.” (Qur’an 6:151)


      Sa pagpapaliwanag na ito, makikita natin kung paano ang pangangalaga sa mga mahihina, mga mangmang at mga mahihirap na tao sa pamayanan ng Islam.
  • Ang Pangangalaga sa Yaman:


    Ang Islam ay nangangalaga sa pansariling kayamanan at ito ay nagpataw ng mahigpit na pagpaparusa laban sa pagnanakaw at mga nagnanakaw. Ito ay ginagawa upang makatiyak ng pangangalaga ng mga kayamanan ng bawat mamamayan at lahat ng kanilang ari-arian. Kaya ang Islam ay naglapat ng Pangunahing Kaparusahang pagputol ng kamay sa mga taong magnakaw sa mga pag-aari ng iba. Ang Makapangyarihang Allah ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an: “At para sa magnanakaw, lalaki man o babae, putulin ang kanilang mga kamay, bilang kabayaran sa kanilang ginawang krimen, isang kaparusahan bilang pakitang halimbawa mula sa Allah. At ang Allah ay Dakila sa Kapangyarihan, Tigib ng Karunungan.” (Qur’an 5:38)

    Ang pamamaraan ng pagputol ng kamay ng isang nagnakaw ay nasa kaayusan. Hindi ito pabigla-bigla katulad ng mga sinasabi ng mga ibang

    • Ang ninakaw na bagay, salapi o mahahalagang ari-arian ay kailangang nasa isang masinop na lalagyan at ang magnanakaw ay dapat sinira o binasag niya ang kinalalagyan nitong mahalagang bagay na ninakaw. Samakatuwid, kung ang ninakaw na bagay ay nasa labas at hindi nakasinop, hindi makatuwiran na putulin ang kamay ng nagnakaw. Datapwat, ang nagnakaw ay mapapasa-ilalim din sa pagpaparusa. Ang may-ari ng ninakaw, sa ganitong kaso, ay maituturing bilang isang pabaya sa kanyang mahalagang pag-aari.
    • Hindi kabilang dito ang pagkaing ninakaw para pangtawid gutom. Kung ang hangarin ng pagnanakaw ay para makakain, ang kamay ng magnanakaw ay hindi mapuputol. Ang iniulat na ito ay batay sa pangyayari noong kapanahunan ng pangalawang Khalifa na si Omar bin Al-Khattab na ang panahon noon ay taon ng Tag-gutom. Hindi pinairal ang pangunahing kaparusahan dahil sa umiiral na pangkalahatang kalagayan na tag-gutom.
    • Ang halaga ng bagay na ninakaw ay kailangang hindi humigit kumulang sa halaga na itinakda ng batas para sa pagputol ng kamay ng nagnakaw.

    Kinakailangang bigyang-diin dito na ang Pangulong Kaparusahan ay hindi ipinaiiral hanggat walang maliwanag na ebidensiya at walang anomang pag-aalinlangan sa isip ng Huwes na Muslim. Ito ay batay sa salita ng Propeta ng Allah “Dapat mapigil ang pagsasagawa ng Pangulong Kaparusahan kung may nakitang anumang pag-aalinlangan o dili kaya ay maaaring may nasilip na pagkukulang sa paglilitis ang Huwes.”

    Ang Islamikong Hukumang Tagapaghatol, gayon pa man, samantalang pinipigil ang Pangulong Kaparusahan para sa krimeng nagawa, ay nagbaba ng ibang uri ng pangdisiplinang pagpaparusa. Ang ganitong kaparusahan ay mas mababa kaysa sa Pangulong Kaparusahan. Ito ay nasa pagpapasiya ng Muslim na Huwes at batay sa uri ng kaso at sa kalubhaan ng krimeng ginawa at sa gumawa mismo ng krimen at sa kanyang mga nakaraang kriminal na kaso. Ang pangdisiplinang kaparusahan ay maaaring pagkulong, paghampas sa harap ng publiko o mahigpit na pangangaral ng huwes o kaya ay ang pagbabayad ng multa para sa krimeng nagawa.

    Karagdagan pa dito, ipinagbabawal ng Islam ang lahat ng uri ng paglapastangan laban sa mga pribadong ari-arian at lupain. Ito ay batay sa talata ng Banal na Qur’an: “At huwag lustayin ang inyong mga ari-arian sa pamamagitan ng luho at huwag gamitin ito para sa pagsuhol sa Hukom na maaaring maglayon ng maling pag-iimbot at paglustay sa ari-arian ng ibang tao.” (Qur’an 2:188)

    Samakatuwid, ang nagkasala sa kasong pagnanakaw ay mapaparusahan ng kaukulang parusa sa Araw ng Paghuhukom. Ito ay batay sa pag-ulat ng Propeta ng Allah ( s) : “Kung sino man ang naghangad ng hindi makatarungan sa mga salapi o kayamanan ng ibang Muslim na wala siyang karapatan, nasa matinding galit ang Allah sa pagkakataon (o oras) ng kanyang pagharap sa Allah.” (Mosnad Ahmad)
    Ito ay batay din sa isa pang salita ng Propeta ng Allah ( s): ““Kung sino man ang umagaw o nag-angkin sa gadangkal na haba ng lupa (ng ibang Muslim), parurusahan ng Allah ang naniil na ito sa Araw ng Paghuhukom at paliligiran siya ng pitong mundo (sa kanyang leeg).” (Ibid)


    Karagdagan dito, iniuutos ng Islam na ang naniil o nagnakaw ay kailangang maibalik niya ang halaga ng kanyang ninakaw na pag-aari ng ibang Muslim o kaya ay dapat pilitin na bayaran niya ng sapat na halaga ang kanyang mga ninakaw. At ang nagnakaw sa ganitong pagkakataon ay kailangang maparusahan ng paghampas, batay sa pasiya ng Huwes na Muslim. Datapwa’t binibigyan ng pagkakataon ng Islam ang may-ari ng kayamanan na pangalagaan ang kanyang pag-aari kahit ito ay humantong sa pagpatay niya sa aktong pagnanakaw nito. At kung napatay niya ang magnanakaw nang dahil sa kanyang pagtatanggol, siya ay hindi mananagot. At kung napatay siya ng magnanakaw dahilan sa pagtatanggol ng kanyang mga pag-aari, siya ay maituturing na isang martir. Ito ay batay sa salita ng Propeta ng Allah ( s) “Sinoman ang namatay dahil sa pagtatanggol niya sa kanyang mga kayamanan (pag-aari), siya ay katiyakang isang Martir” (Bukhari)

    Ang Pangangalaga at ang Kaligtasan ng mga Pambansang Likas na Yaman:

    Lahat ng mga nakatago, nakabaon at nakalaan sa pambansang likas na kayamanan ay pag-aari ng publiko. Ito ay pagpapahiwatig na walang sinoman, tuwirang makakagamit sa mga ito sa nais niyang pamamaraan, manapay ang kinikitang nagmumula sa mga ito ay inilalagak sa Ingat- Yaman ng Islamikong pamayanan. Ang taga Ingat-yaman ay siyang magpapaabot ng mga salaping babayaran para sa mamamayan. Ang mga likas na kayamanan ay hindi maaaring ariin ng mga tao o ng mga partikular na grupo o uri ng tao para sa kanilang naturang sariling kabutihan. Ang mga likas na kayamanan ay pag-aaring kayamanan para sa kapakinabangan at kapakanan ng publiko. At magiging kasunduang pananagutan ng lahat ng mga mamamayan sa Islamikong pamayanan ang pagbantay sa mga nanghihimasok sa mga ito (mga likas na kayamanan) at ipagbigay alam sa mga may kapangyarihan upang manatili ang kaayusan at kaligtasan. Ipinagbabawal ang pagsasamantala sa mga ito batay sa Alituntunin at Prinsipiyo ng Islam. Ang Allah ( y) ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an: “At huwag gumawa ng kasamaan at katiwalian sa (balat ng) lupa.” (Qur’an 2:60)
    At ang naiulat sa itaas ay batay din sa salita ng Propeta ng Allah ( s): “Ang mga tao ay magkakaisa sa tatlong bagay. Ang mga ito ay; tubig, pagpapastol sa damuhan at sa apoy (panggatong).” (Abu Daoud)

    Ang Publiko at Pribadong Karapatan sa Islam

    Pinagsisikapan ng Islam na mapatatag ang ugnayan ng mga mamamayan sa Islamikong pamayanan. Unang itinakda ng Islam ang karapatan ng mga malalapit na miyembro ng pamilya. Lahat ng mga magkakamag-anak ay mayroong karapatan sa bawat isa. Ang kahalagahan at ang kabuluhanan ay batay sa antas ng relasyon. Ang Allah ( y) ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an: “O Sangkatauhan! Maging mapitagan at masunurin kayo sa inyong Panginoon na lumikha sa inyo mula sa isang tao (Adan) at mula sa kanya ay nilikha Niya ang kanyang asawa (Eba), at mula sa kanilang dalawa ay nilikha Niya ang maraming lalaki at babae. Matakot sa Allah, mula sa Kanya ay nanggaling ang inyong magkaugnay na karapatan at (huwag putulin ang ugnayan) ng mga sinapupunan (na nagluwal sa inyo) sapagkat katiyakan na ang Allah ay lagi nang nagmamasid sa inyo.” (Qur’an 4:1)

    Karagdagan pa, ang pangkaraniwang ugnayan ay hindi rin kinakaligtaan ng Islam. Ang iba’t-ibang ugnayan ng mga tao ang siyang bumubuo bilang lipunan, na siyang nagbubuklod sa mga tao upang maging malapit ang bawat isa sa pamayanan. Ang pagkakalayo ng mga tao ay dapat magkaroon ng ugnayan upang maging daan ng pagkakaisa at pagpapahalaga sa bawat isa. Kaya itinalaga ng Islam ang mga batayan para sa mapayapang pamayanan. Ang Allah ( y) ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an: “Sila (Muslim na namumuno) kung Aming pagkakalooban ng kapangyarihan sa kalupaan, (sila) ay nag-uutos ng Salah (palagiang pagdarasal ng mataimtim), at pamamahagi ng Zakah (takdang tulong pangkawanggawa) at sila ay nag-aanyaya sa Al-Maruf (sa Kaisahan ng Allah at lahat ng ipinag-uutos ng Islam) at nagbabawal sa Al- Munkar (paganismo, kawalan ng pananampalataya at lahat ng ipinagbabawal ng Islam), at sa Allah nakasalalay ang kahihinatnan ng lahat ng pangyayari (ng mga nilalang).” (Qur’an 22:41)

    Ang uri ng pagpapatibay sa ugnayan ng bawat isa ay batay din sa salita ng Propeta ng Allah ( s) said: “Ang halimbawa ng mga mananampalataya sa pag-ibig, pagmamahal, pagtutulungan at pagdadamayan ay katulad ng isang katawan. Kung ang isang bahagi ng katawan ay may pananakit, ito ay nararamdaman ng buong katawan.” (Sahih Bukhari at Sahih Muslim)