Ang Pagpapakilala
Bawat lipunan ay dapat na may itinakdang alituntunin at prinsipiyo na magbibigay pangangalaga kalakip ng mga karapatan at kapanatagang inihahandog sa mga mamamayang nasa ilalim ng kapamahalaan nito. At sa gayon, bawat mamamayan ay makadarama ng diwa ng pagkakaisa, pagmamahal, katahimikan at kapayapaan. Ang ganitong kapaligiran at kalakaran ay tunay na isang sangkap ng magandang buhay at isinasaalang-alang bilang isang pangunahing pangangailangan ng bawat mamamayan upang kanilang matagumpay na gampanan ang bawat tungkulin at pananagutan sa maayos na pamamaraan at mamuhay sa gitna ng katiwasayan, kasarinlan at kaligayahan.
Sa kasalukuyan, mayroong tatlong kinikilalang paraan o kalagayang panlipunan sa buong mundo. Ang una ay lumalagpas sa hangganan ng karapatan ng mamamayan sa Lipunan. Ito ay nagbibigay ng ganap na kalayaan sa tao sa anumang kanyang naisin. Walang alinlangan, ito ay siyang daan upang maging magulo ang panlipunang kalagayan. Ang pagbibigay ng walang hanggang limitasyon at kalayaan sa tao ay nagbubunga ng masama sa kabuuan ng lipunan. Ang mga krimen ay lumalaganap at ang pagiging makamundo o materyoso ng tao ay sadyang nakakagulat. Ang ganitong kalagayan ay matatagpuan sa isang Kapitalistang Lipunan.
Ang Mga Karapatan Ng Makapangyarihang Allah
Ang mga pangunahing mga karapatan ng tao sa Allah ( y) ay ang Sambahin Siya ng Ganap at Lubos at wagas. Ang Allah ( y) ay hindi dapat bigyan ng anumang pagtatambal o pag-uugnay sa pagiging Diyos at walang dapat iugnay na anak sa Kanya.
Magbasa nang higit pa +Ang Karapatan Ng Namumuno Sa Lipunan
Pagsunod sa isang Pinuno hanggang hindi kayo inuutusang gumawa ng kasamaan. Ito ay batay sa utos ng Sugo ng Allah ( s): “Tumalima at sumunod, kahit maging ang isang alipin mula sa Ethiopia ay pinili bilang tagapamuno ninyo hanggang siya ay gumagawa ayon sa Banal na Aklat ng Allah.”
Magbasa nang higit pa +Ang Makapangyarihang Allah ay nagsabi sa Banal na Qur’an na naisalin ang kahulugan ng ganito:
“At ano ba ang humahadlang sa inyo, na kayo ay hindi nakikipaglaban para sa landas ng Allah, at sila na mahihina, ang mga pinakikitunguhan ng mga masasama at inaalipusta sa lipon ng mga kalalakihan, kababaihan at mga bata na ang pagsusumamo ay: Aming Panginoon! Iligtas Ninyo kami sa bayang ito na ang mga tao ay mapang-api, Inyong ipagkaloob sa amin mula sa Inyo ang isang tagapagtanggol, at Inyong ipagkaloob sa amin mula sa Inyo ang isang makakatulong at isang makapangangalaga.” [4:75]- Magandang bigyang pansin dito na ang pagsasakatuparan ng karapatan para sa tao sa ilalim ng Islamikong bansa ay malulutas lamang sa pagsasagawa ng aral at Prinsipiyo ng Islam. Ang mga ibang bansang Muslim ay tumatalikod (ng ganap) sa mga aral ng Islam at ang mga iba naman ay kinukuha lamang ang ibang aral na nakapagdudulot sa kanila ng personal na kapakinabangan. At mayroon namang ibang Islamikong lugar na nagkukunwaring isinasagawa ang mga Islamikong alituntunin at prinsipiyo, ngunit sa katotohanan sinisira nila ang Islam sa kaloob- looban nito. Kaya, aming ipinapayo sa mga taong may layunin na mag- aral tungkol sa Islam, na dapat pag-aralan ang buong katotohanan, ang batas ng Islam. Hindi dapat mahikayat sa mga ginagawa ng ibang tao o pangkat ng tao o ng isang bansa o ng isang pamahalaan.
- Katulad ng naunang nabanggit, ang pagsasakatuparan ng Islamikong batas at prinsipiyo ay nagkakaiba-iba, batay na rin sa layunin at pasiya. Mayroong mabuting alituntunin at batas ngunit mapapansin natin na may pagkukulang at pagkakamali sa pagsasagawa o sa pagpapatupad nito. Kailangang suriin nating mabuti ang paggamit o pagsasagawa mismo at hindi ang batas. Tulad halimbawa, kung may taong nagsasabi na siya ay isang mabuting Muslim, ngunit kung tingnan natin ang kanyang pag- uugali at kilos, ay taliwas naman at kakaiba sa tunay na asal na inilalarawan ng Islam – sa pagkakataong ito, dapat nating tanungin ang mga tao ng ganito. Kung may makita kayong mga taong nandaraya, at hindi tumutupad sa pinagkasunduan, huwag nating husgahan ang Relihiyong Islam, ngunit higit sa lahat ay tanungin at husgahan natin ang taong gumagawa ng kamalian.
- Kailangang isaalang-alang natin ang naidudulot nitong tunay na kabutihan. Katulad, halimbawa na kung kailangan ng isang tao ang tinapay dapat siyang pumunta at bumili sa panaderya o kaya sa tindahan na nagtitinda ng tinapay. Mayroong pangkalahatang pahayag ang Banal na Qur’an: “At kung kayo ang susunod sa karamihan sa kanila na nasa kalupaan, kayo ay kanilang ililigaw nang malayo sa landas ng Allah. Wala silang sinusunod maliban sa mga haka-haka lamang at wala silang ginagawa maliban sa kasinu-ngalingan.” [6:116]