Ang Paliwanag sa mga Maling Paratang Tungkol sa Karapatan ng Tao sa Islam

Panimula

Ang mga sumusunod na paksa ay mga paratang o bintang na nauukol tungkol sa Relihiyong Islam at sa mga tagasunod nito—ang mga Muslim. Aming tatangkaing ipaliwanag ang mga ito ayon sa kanilang kahalagahan at pamumuna sa abot ng aming kakayahan at kaalaman.

Unang Paratang :

Ang Shariah, na inihandog ni Propeta Muhammad smula pa noong labing apat na siglo ang nakaraan ay mahigpit, sa ngayon, sa karapatan ng Tao. Ang Islamikong Shariah sa ngayon ay isang di-nakauunlad na relihiyon na hindi angkop sa nagbabagong kabihasnan ng makabagong daigdig, na nagbibigay na malaking kapakinabangan sa pangangailangan ng tao.

Ang Paliwanag at Kasagutan:

Ang Islam ay iba kaysa sa mga naunang relihiyon. Ang mga nagdaang relihiyon ay humahalaw lamang tungkol sa pang-ispirituwal na buhay- ang ugnayan ng tao at ang kanyang Tagapaglikha-Ang Allah (U). Samantalang, ang Islamikong Shariah ay malawak, ganap at angkop sa nagbabagong takbo ng buhay sapagkat ito ay umaayon sa bawat panahon, sa bawat pook at bawat lahi o angkan ng tao. Karagdagan pa nito, ang Islam ay hindi lamang pang-ispirituwal na relihiyon kundi pang-materyal sapagkat ang Islam ay relihiyon na nagsasaayos ng ugnayan ng tao sa kanyang lipunan at maging ugnayan sa ibang tao at ibang bansa. Hindi katulad ng relihiyong Judaismo, ang Islam ay hindi nakahangga sa isang naturang uri ng tao. Ang Islam, hindi katulad ng Kristiyanismo sapagkat ang huli ay nakaugnay kay Hesus na hayagang sinabi na : “Ako ay hindi isinugo maliban sa mga naligaw na tupa ng Israel.” (Bibliya: Bagong Tipan: Mateo 15:24)

At sinabi rin ni Hesus sa kanyang labing dalawang disipulo na kanyang pinili upang ipantay sa labing-dalawang tribo ng Israel.
“Sa kanilang labing-dalawa, si Hesus ay nagtungo at nag-utos sa kanila at sinabing : Huwag kayong tutungo sa landas ng mga Gentiles at sa anumang lungsod ng Samaritans. Ngunit kayo ay magtungo sa mga naligaw na tupa ng Israel.” (Bibliya: Bagong Tipan: Mateo 10:5-6)

Ngunit ang Islam ay ipinahayag bilang Awa para sa Sangkatauhan. Ang Makapangyarihang Allah ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an: “Ikaw (o Muhammad) ay Aming isinugo bilang isang Awa para sa lahat ng nilikha.” (Qur’an 21:107)

Samatuwid, ang Islam ay binubuo ng dalawang pananaw:

Ang unang pananaw ng Batas ng Shariah at ang mga alituntunin nito ay isinaayos ang ugnayan ng tao sa kanyang Tagpaglikha-Ang Allah (U). Ang Pananampalataya, paniniwala, ibat- ibang uri ng pagsamba at mga batas tungkol sa pamana ay mayroong matatag na batayan na hindi maaaring baguhin, dagdagan o sirain. Ang mga ito ay permanente at matatag na batayan maging sa anumang panahon, sa kaninumang tao at saan mang lugar at pagkakataon o pangyayari. Halimbawa, ang pagdarasal (Salah), ito ay mayroong sariling patakaran, ritwal at alituntunin. Walang sinoman ang makapagpapabago ng mga prinsipiyo ng Pagdarasal. Halimbawa pa ay ang Zakah, ito ay permanente rin at matatag at di maaaring baguhin. Karagdagan pa nito, ang Batas sa Pamana- ang mga taong nararapat tumanggap ng pamana mula sa kanilang magulang, kapatid, amain at ibang kamag-anakan, sila ay mayroong permanenteng bahagi ng pamana na walang makapagpapabago nito ng sinoman sa ilalim ng Lipunang Islamiko. Ganyan din ang ibang uri ng pagsamba sa Islam.


TAng ikalawang pananaw ng Batas ng Shariah ay nauukol sa pagsasaayos ng ugnayan ng tao sa kapwa tao at sa kanyang lipunan. Ito ay tuwirang ugnayan ng tao sa kapwa tao at pamayanan. Ang mga alituntunin at kautusan nito ay nakatala sa pangkalahatang anyo sa Batas ng Shariah. Ang detalyeng pamamaraan ay hinayaan upang ito ay iugma sa nagbabagong kaunlaran ng lipunan. Sa ikalawang pananaw na ito ang mga alituntunin o regulasyon ay maaaring baguhin o isunod sa mahigpit na pangangailangan ng lipunan subalit ang pagbabago nito ay nararapat na sumailalim sa mga marurunong (paham) at mapananaligan sa larangan ng Shariah. Ang Shura, ang prinsipiyo ng Sanggunian ay isang halimbawa. Ang prinsipiyo ay binanggit ng Qur’an ngunit hindi binigyang detalye ang pagsasagawa at pagpapatupad nito sa lipunang Islam. Ang pinto ay bukas para sa mga paham at mapananaligang Muslim (scholar) na suriin, at pag-aralang mabuti ang suliranin batay sa Sanggunian at para sa ikabubuti ng mamamayan, lipunan at pamayanan batay sa kanilang pangangailangan bawat panahon at bawat lugar. Halimbawa, anumang angkop sa isang henerasyon ay maaaring di angkop sa isang henerasyon. Ang pamamaraan ng pagsusuri ng mga scholar ay isang paglalarawan lamang kung gaano kalawak ang sakop ng Islam sa lahat ng panahon at lugar.

Ikalawang Paratang :

Ang ibang tao na hindi ganap na nakauunawa sa katotohanan ng Islam na maaaring sila ay scholar o kaaway ng Islam, ay nagpaparatang na ang Islam ay walang paggalang sa Karapatan ng Babae. Ang walang paggalang na ito, na kanilang sinasabi, ay hayag na sumasalungat sa Karapatan ng Tao.

Ang Paliwanag o Kasagutan:

Ang katayuan ng Shariah sa mga di-Muslim na naninirahan sa Islamikong Lipunan, ay matuwid at malinaw. Ang Qur’an at maging ang Sunnah ng Propeta Muhammad ay naglalarawan na ang kalayaan ng relihiyon ay nakahanda sa lahat ng kasapi ng lipunan (mamamayan) sa ilalim ng Pamahalaang Islamiko. Hindi kinakailangan ng Islam ang sapilitang pagyakap ng sinomang di-Muslim sa Relihiyong Islam. Ang Banal na Qur’an ay nagpaliwanag tungkol dito: “Kung niloob lamang ng inyong Panginoon, silang lahat sa buong mundo ay tunay nga na maniniwala! Pipilitin mo bang maniwala ang sangkatauhan ng laban sa kanilang kalooban?” (Qur’an 10:99)

Ang kalakalang pakikipag-ugnayan sa mga di-Muslim ay pinahihintulutan sa Lipunang Islamiko. Ang pagkaing ipinag-uutos sa kanila ay pinahihintulutan din para sa mga Muslim. Katotohanan pa nito, pinahihintulutang pakasalan ng isang Muslim ang isang babaeng Hudyo o Kristiyano. Alalahanin na ang Islam ay nagbibigay payo ng isang mabuting pangangalaga sa pagtatatag ng isang kaaya-ayang pamilya ngunit sa kabila nito ang Islam ay nagbigay pahintulot na maaaring pakasalan ng lalaking Muslim ang babaeng Hudyo o kristiyano. Ang Banal na Qur’an ay nagsabi: “Sa araw na ito pinahihintulutan ang lahat ng bagay na mabuti at malinis para sa inyo. Ang pagkain ng mga Angkan ng Kasulatan (Kristiyano o Hudyo) ay pinahihintulutan para sa inyo at ang inyong (pagkain) ay pinahihintulutan sa kanila. Pinahihintulutan sa inyo (ang pag-aasawa) mula sa malilinis na babae na may pananampalataya sa Islam at ang malilinis na babae mula sa Angkan ng Kasulatan, na ipinahayag sa kanila na nauna sa inyong panahon, at kung inyong naibigay ang karampatang handog na salapi o iba pa (mahar), sa mga naghangad ng kalinisan at hindi gumawa ng bawal na pakikipagtalik (pangangalunya) at hindi pumasok sa pakikiapid. At sinuman ang hindi sumampalataya sa kaisahan ng Allah at sa ibang Haligi ng Pananampalataya, magiging walang saysay ang kanyang mga ginawa, sa Kabilang Buhay siya ay kabilang sa mga nangaligaw at mga talunan (mawalan ng kabuluhan ang lahat ng kabutihang pang- Ispirituwal).” (Qur’an 5:5)


Karagdagan pa nito, ang Allah y “Hindi ipinagbabawal ng Allah ang makipag-ugnayan o makitungo ng may katarungan at kabaitan sa mga taong hindi nakikipaglaban sa inyo (tungkol sa inyong Pananampalataya) at silang hindi nagtataboy sa inyong mga tahanan: sapagkat minamahal ng Allah ang mga makatarungan.” (Qur’an 60:8)

Subalit, ang mga di-Muslim na naghahasik ng digmaan laban sa Islam at mga Muslim ay mayroong ibang pakikitungo ayon sa Batas ng Islam. Ang Allah yay nagsabi: “Ipinagbabawal lamang ng Allah na huwag makipag-ugnayan (makitungo) sa kanila (bilang kaibigan at tagapagtanggol) yaong nakikipaglaban sa inyo (para sa Pananampalataya), at nagtataboy sa inyong mga tahanan at tumutulong sa iba upang kayo ay itaboy na papalayo (mula sa inyong tahanan). Ang gayong pakikipag-ugnayan (pakikitungo) sa kanila ay kamalian.” (Qur’an 60:9)

Tunay nga na ang Islam ay nagkaroon ng isang hakbangin tungkol sa kalagayang ito. Ipinahihintulutan ng Islam ang makipagtalakayan sa mga di-Muslim sa larangan ng relihiyon sa paraang kaaya-aya, makatuwiran at magandang pamamaraan. Ang Allah yay nagpahayag mula sa Banal na Qur’an: “At huwag makipagtalakayan sa mga Angkan ng Kasulatan (Hudyo at Kristiyano) maliban sa paraang kaaya-aya (ng higit kaysa sa pakikipagtalo lamang) hanggang ito ay hindi nagbubunga ng kasamaan (at pananakit); ngunit inyong sabihin: Kami ay naniniwala sa Kapahayagang ipinadala sa amin at yaong (kapahayagan) ipinadala sa inyo; ang aming Diyos at ang inyong Diyos ay Tanging Isa at sa Kanya kami ay yumuyuko (sa Islam).” (Qur’an 29:46)

Higit pa rito, ang Allah yay nagbigay aral sa mga kasapi ng ibang relihiyon batay sa Banal na Qur’an: “Sabihin:’Hindi ba ninyo nakikita (ang mga istatwa, imahen, diyos- diyosan na nililok ng inyong mga kamay) kung ano ang inyong dinadalanginan bukod pa sa Allah ? Ipakita mo nga sa Akin kung ano ang kanilang mga nilikha sa mundo, o di kaya sila ba ay may bahagi (ng karapatan) sa mga kalangitan? Dalhan mo ako ng Aklat (ng Kapahayagan) bago pa man ito o anumang nalalabing kaalaman (kung mayroon pa), kung tunay nga na kayo ay nagsasabi ng katotohanan.” (Qur’an 46:4)

Katotohanan pa nito, babanggitin namin ang sinabi ni Sir Thomas Arnold, isang Kristiyanong paham (scholar) na sumulat ng isang aklat na may pamagat na, “Call to Islam” sa pahina 48: “Batay sa magandang ugnayan naitatag sa pagitan ng Kristiyano at Muslim mula sa mga Arabo, ating mahuhusgahan na ang pamimilit ay hindi isang pangangailangan upang yumakap ang isang tao sa Relihiyong Islam. Ang Propeta Muhammad y ay nakilahok sa isang kasunduan mula sa mga tribong Kristiyano. Higit pa rito, si Propeta Muhammad yay binalikat ang tungkuling pangalagaan at pagkalooban ng kalayaan ang mga ito (di-Muslim) na isakatupran ang kanilang mga rituwal na pangrelihiyon. Katotohanan, pinahintulutan nito ang isang pari ng simbahan na gampanan ang karapatan at kapangyarihan nito ng may kapayapaan at kaligtasan.”

Ito ay sapat na upang bigyang liwanag ang maling paratang laban sa karapatan ng tao sa Islam. Sa pangkalahatang pagpapasiya tungkol dito, ito ay nagsasabing: Ang mga di-Muslim ay may karapatan sa anumang karapatang nauukol sa amin (Muslim). Sila (di-Muslim) ay napag- uutusan din kung ano ang iniuutos sa amin (Muslim). Ang pananalitang ito ay nagpapatunay na walang alinlangan na walang pagkakaiba ang sinoman na namumuhay sa ilalim ng Islamikong Lipunan.

Ikatlong Paratang:

Ang pagpapatupad at paglapat ng Hudud (Batas sa Pagpaparusa), ayon sa Islam, (ang pahayag nila) ay isang malupit at di makataong gawain. At ito ay lumalagpas sa karapatan ng tao.

Ang Paliwanag at Kasagutan :


Una sa lahat, ating ilarawan na ang krimen at pagpatay sa Islam ay nahahati sa dalawang uri:
  • Ang mga krimen ay mayroong kaukulang parusa ayon sa Batas ng Shariah. Ang mga krimeng ito ay ang pagpatay, pangangalunya, pagnanakaw, pag-inom ng alak, maling pagbibintang laban sa pangangalunya o ibang imoral na gawain at pakikipag-away laban sa Muslim o pananakit at pananakot sa kanilang lipunan.
  • Ang mga krimen na walang kaukulang parusa ayon sa Shariah. Ang pinuno ay binigyan ng kapangyarihan na magtakda ng parusa sa ganitong krimen batay sa kapakanan ng mamamayan at lipunan. Ang mga ganitong parusa ay tinatawag na “pangaral o babala”

Ang mga krimeng mayroong tiyak na kaparusahan ayon sa Shariah ay nahahati din sa dalawang uri:

  • Unang Uri:

    Ito ay tumutukoy sa mga krimen na nakaugnay sa personal na karapatan ng tao katulad ng pagpatay, pag-atake sa isang tao na nagbunga ng sakit sa tao (naputol ang kamay, o paa, napilayan), o paratang ng pangangalunya. Ang parusa ng ganitong krimen ay maaaring bumaba o mabawasan kung ang biktima (taong nagsampa ng daing) ay binawi ang kaso sa pamamagitan ng pakikipagkasundo. Ang parusa sa ganitong krimen ay magiging Tazeer (parusa na naglalayong bigyan ng disiplina ang nasasakdal).

  • Ikalawang Uri:

    Ito ay tumutukoy sa parusa na nakaugnay sa pagsuway sa Kautusan ng Allah at ibang itinakdang kautusan ng Shariah. Ang mga krimeng ito ay ang pag-inom ng alak, pangangalunya o ang pagnanakaw. Ang parusa sa mga nabanggit na krimen ay hindi maaaring bawiin kahit na ang nagsampa ng daing ay bawiin ang kaso sa korte.

Ating suriin ang mga batayan ng pagpapatupad ng Hudud (Batas sa Pagpaparusa) ng Shariah:

  • Ang Hudud ay angkop lamang sa isang tao na nasa tamang gulang, nasa tamang pag-iisip.
  • Ang Hudud ay ipagwawalang bisa kung sakaling ang ebidensiya ay hindi sapat o kaya kung ito ay hinala lamang. Ito ay batay sa isang Hadith ng Sugo ng Allah na nagsabing: “Itigil ang pagpapatupad ng parusa nang batay lamang sa panghihinala.”
  • Ang Hudud, ayon sa Islam, ay nararapat lamang sa mga krimen na ginawa na sinasakop ng limang mahigpit na pangangailangan ng tao sa buhay.
  • Ang Hudud ay pinatutunayan sa pamamagitan ng pag-amin ng nasasakdal. Ganoon pa man, posible ding bawiin ang pag-amin. Ang pahayag lamang ng mga lalaki ang tinatanggap sa kaso ng Hudud.
  • Ang mahalagang layunin ng pagsasagawa ng ganitong parusa ay upang turuan ng isang mabuting aral ang mga kriminal na huwag gawin ang bagay na magbubunga ng pangamba o takot sa lipunan. Walang sinoman ang dapat makialam o humadlang sa anumang karapatan ng tao samakatuwid ang parusa ay nagsisilbing proteksiyon upang makatiyak na ang karapatan ng bawat mamamayan ay mapangalagaan. Sa ganitong paraan, ang buong mamamayan sa lipunan ay nakadarama ng kapayapaan at kaligtasan.

Bagamat ang Islam ay nagbibigay babala na isang masakit na parusa sa kabilang buhay sa mga taong gumagawa ng ibat ibang uri ng krimen hindi naman agad na nilalapatan ng pasura dito sa mundo. Lahat ng tao sa Islamikong Lipunan na sinuway ang mga batas at mga alituntunin ng Islam ay pumapailalim sa ganitong mga parusa. Mayroong mga tao sa anumang lipunan na hindi maaarng pigilin ang kanilang mga gawang krimen maliban na sila ay sapilitang pigilin ang kanilang masamang gawa laban sa lipunan. Kaya, ating mapapansin na ang Islam ay tinitingnan nito ang karampatang parusa sa bawat krimen. Ang Qisas, ang pagpatay sa isang mamamatay tao (kriminal) ay isang makatarungang parusa at ito ay akma lamang sa isang pumatay ng kanyang kapwa. Ang Banal na Qur’an ay nagpahayag: “O kayong mananampalataya! Ang Batas ng pagkapantay-pantay ay ipinag-utos sa inyo sa kaso ng pagpatay: ang malaya para sa malaya, ang alipin para sa alipin, ang babae para sa babae...” (Qur’an 2:178)

Magkagayunman, kung ang pamilya ng biktima ay nagbigay patawad sa nakapatay, ang parusa ay babawiin. Ito ay batay sa Banal na Qur’an: “…Ngunit kung mayroong kapatawaran na ginawa mula sa kapatid ng biktima, samakatuwid ipagkaloob ang karampatang kahilingan at bayaran siya ng kasiya-siyang kabayaran…” (Qur’an 2:178)

At tungkol naman sa pagputol ng kamay ng magnanakaw, ang Banal na Qur’an ay nagsabi: “At para sa magnanakaw, lalaki man o babae, putulin ang kanilang mga kamay, bilang kabayaran sa kanilang ginawang krimen, isang kaparusahan bilang pakitang halimbawa mula sa Allah. At ang Allah ay Dakila sa Kapangyarihan, Tigib ng Karunungan.” (Qur’an 5:38)

Ganoon pa man, ang Islam ay hindi naglalapat ng parusang pagputol ng kamay sa magnanakaw maliban sa mga kondisyon at pangyayari. Una, ang pagnanakaw ay nararapat sakop ng itinakdang hangganan. Pangalawa, ang ninakaw na bagay ay nararapat na nasa pangangalaga o nasa nakapinid na lalagyan. Ikatlo, ang pangyayari ng pagnanakaw ay isang panghihinala lamang o ang dahilan ng pagnanakaw ay bunga ng kahirapan o karukhaan, sa ganoong mga dahilan, ang magnanakaw ay hindi nararapat putulan ng kamay. Ang pagnanakaw ay isang maselang krimen sa lipunan. Kapag ito ay kumalat sa buong lipunan, ang mga mamamayan ay magkakaroon ng pangamba at takot. At bunga nito, ang kapayapaan at kaligtasan ng mga mamamayan ay maglalaho. Bukod pa rito, kapag ang magnanakaw ay nahuli, maaari siyang magpumiglas o tumakas at dahil sa ganitong kalagayan maaaring makagawa pa ito ng panibagong krimen katulad halimbawa ng pagpatay. Samakatuwid, ang krimeng ito ay nararapat na harapin sa paraang maayos at matatag. Kapag ang magnanakaw ay nakapag-isip- isip na ang kanyang kamay ay mapuputol, maaaring kanyang iiwasan ang masamang gawaing ito. Kaya, ang yaman at kaligtasan ng pamayanan ay mapangangalagaan.

Ang Islam ay nagtakda rin ng tiyak (specific) na parusa na tinatawag na Hirabah- isang krimen na isinasagawa sa ilalim ng pananakot sa pamamagitan ng sandata (ang parusa nito ay bibigyang paliwanag sa mga sumusunod na halimbawa). Isang halimbawa ng Hirabah ay: panunulisan (pagtambang sa mga dumadaan at sapilitang kinukuha ang mga salapi at ari-arian, pagpatay, panloob o puwersahang pagpasok sa mga mapayapang tahanan at pananakot sa mga inosenteng mamamayan. Ang pinagkasunduang parusa ay batay sa Banal na Qur’an: “Ang parusa sa mga taong nagbabanta ng digmaan laban sa Allah at ng Kanyang Sugo, at pagsikhay ng lakas para sa paghasik ng kasamaan sa kalupaan ay: kamatayan o pagpako sa krus, o ang pagputol ng kanyang mga kamay at paa mula sa magkabilang panig o ang pagtapon sa kanya sa labas ng bayan. Ito ang kahihiyan nila sa mundong ito at isang mabigat na parusa ang kanilang makakamtan sa Kabilang Buhay; Maliban sa mga nagbalik loob (at nagsisi) bago sila nahulog sa iyong kapangyarihan, sa ganoong kalagayan, (dapat na) malaman na ang Allah ay Lagi ng Mapagpatawad, ang Maawain.” (Qur’an 5:33-34)


Ang Parusa ay inilalapat ayon sa likas at masamang bunga ng isang krimen. Kung ang isang magnanakaw ay nakapatay at nagawang agawin ang salapi ng biktima, ang parusa ay kamatayan o pagpako sa krus ng magnanakaw. Kung ang magnanakaw ay nakuha niya ang salapi lamang ngunit hindi niya ito pinatay, ang kanyang kamay ay puputulin. Kung ang magnanakaw ay nakapatay at hindi naman nakuha ang salapi, ang parusa ay kamatayan. Kung ang magnanakaw ay nagawang takutin ang mga mamamayan ngunit wala namang pinatay, siya ay nararapat itapon sa labas ng kanyang bansa.

Karagdagan pa nito, ang Islam ay nagtakda rin ng parusa ng paghahagupit sa mga lalaking walang asawa na nagkasala ng pakikiapid. Ito ay batay sa kautusan na nakatala sa Banal na Qur’an: “Ang babae at ang lalaki na nagkasala ng bawal na pakikipagtalik, hagupitin sila ng isang daang hampas. Huwag hayaan ang awa ay mangibabaw sa inyo upang pumigil sa inyo sa ganitong kaso, sa kaparusahan na inihatol ng Allah, kung kayo nga ay sumasampalataya sa Allah at sa Huling Araw. At hayaang ang isang pangkat ng mga sumasampalataya ay makasaksi sa kanilang parusa.” (Qur’an 24:2)


At para naman sa mga may-asawa, babae man o lalaki, na nagkasala ng pangangalunya, ang pagbato sa kanila hanggang mamatay ay siyang parusang ipalalasap sa kanila. Ang parusang ito ay ilalapat lamang kapag ang mga itinakdang kondisyon ay ganap na naipatupad. Ang may-asawa, lalaki o babae ay maaaring batuhin hanggang mamatay sa dalawang pagkakataon:
  • Ang Hayag at Tuwiran na Pag-amin.

    Walang sapilitan upang makamtan ang pag-amin ng isang kriminal. Bukod dito, ang paglilitis ay hindi isinasagawa pagkaraan ng unang pag- amin o hayag na pagtanggap ng kasalanan. Ang pag-amin ay nagkakaroon lamang ng bisa kapag ito ay inulit ng apat na beses, apat na pagkakataon ng pagpupulong sa korte (court sessions). Ang hukom sa lahat ng pagpupulong (sessions) at sa bawat pag-amin ay binabaling ang mukha at nagpapahiwatig ng di pagsang-ayon dito. Katotohanan pa nito, ang hukom ay maaaring mag-alay ng mga kondisyon, salita na maaaring magbigay ng pagpigil sa pag-amin nito at pagpapayuhang suriing mabuti ang pag-amin. Ang Hukom ay maaari pa rin niyang sabihin sa nasasakdal ng ganito: “Maaaring hinalikan mo lamang siya o hinawakan (pisikal) ngunit hindi naman aktual na nakagawa ka ng pangangalunya. O maaaring niyakap mo lamang ito na wala namang aktual na pakikipagniig.” Ang lahat ng ito ay bukas na pintuan upang bawiin ng nasasakdal ang kanilang mga pag-amin. Ito ay batay sa Sunnah ng Sugo ng Allah na kanyang ginawa nang ang isang babae (Tribo ng Ghamidi) ay nagpumilit na parusahan dahil sa katatagan ng pag-amin nito ng aktual na paggawa ng pangangalunya at siya ay buntis bunga ng pakikipagniig nito. Kaya, kung ang nasasakdal ay nagpupumilit sa pag- amin, ang pagbato sa kanya ay isasagawa. Kahit na sa oras ng pagbabato, kung ang taong binabato ay tumakbong papalayo upang takasan ang pagbato sa kanya, ito ay pagpapahiwatig ng pagbawi ng kanyang pag- amin. Sa ganoong kalagayan, ang pagbato ay ititigil.
  • Ang Pangangailangan ng Apat na Makatarungang Saksi

    Ang apat na makatarungang saksi ay nararapat na kilala sa pagiging makatotohanan sa kanilang mga pananalita at pag-uugali. Ang apat na saksi ay nararapat na patunayan ang tunay na naganap na pakikipagtalik (ibig sabihin kanilang aktual na nakita na ang ari ng lalaki ay nasa ari ng babae). Ang ganitong kalagayan ay makikita lamang kung ang dalawang nasasakdal ay hayagang ginawa ang pakikipagtalik, nagpakita ng walang paggalang sa batas at dangal ng Islamikong Lipunan. Sa kaso ng panghihinala lamang na ating nabanggit na nauna, ang parusa ng pagbato ay hindi maaaring isagawa. Ito ay batay sa Hadith ng Sugo ng Allah y: “Itigil ang pagpapatupad ng parusa na batay lamang sa panghihinala.”

Ang pangangalunya at pakikipag-apid ay hindi isang pansarili o pribadong pagkilos. Katotohanan, ito ay isang pagsuway sa mga karapatan ng Islamikong Lipunan. Maraming masamang ibinubunga ang ganitong imoral na gawain. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga bunga ng ganitong masamang gawain:

  • Ibinababa nito ang pagpapahalagang panlipunan at prinsipiyo ng lipunan at ang mga mamamayan nito. Kasunod nito, ang paglaganap ng mga sakit at maaaring ang mga inosenteng mamamayan ay mahawahan ng mga mapanganib na sakit.
  • Ang pagsasalamuha ng angkan. Ang isang bata ay maaaring iugnay sa iba kaysa sa kanyang tunay na ama at maaari ding ang bata ay alisan ng dangal bilang pag-uugnay sa kanyang tunay na ama. Ito ay nagbubunga rin ng suliranin sa pamana. Yaong hindi nararapat na pamanahan ay nagkakaroon ng mana at yaon namang nararapat bigyang pamana ay nawawalan ng pamana.
  • Pagkakaroon ng mga uri ng mamamayan na inaalisan ng pagmamahal sa kanilang mga magulang, angkan at pamilya at maging ang pagkakakilanlan ng pamilyang kinabibilangan. Ito ay nagkakaroon ng sikolohikal na sakit at pangangamba. Kasunod nito, maaaring magkaroon ito ng paglayo o pagkasuklam sa lipunang kinasasapian.

Ang pagiging ama o ina para sa bata ay katulad ng isang bansa. Ang bata ay umaasa ng kapayapaan paglingap, kaligtasan, pangangalaga, kaligayahan at kabuhayan sa kanyang sariling magulang.

Ang Islam ay nagtakda ng paghahagupit bilang parusa para sa pagbibintang o pagpaparatang sa iba ng kasalanang pangangalunya o pakikipag-apid. Ang Allah ay nagsabi mula sa Banal na Qur’an: “At yaong mga nagpaparatang sa mga malilinis (birhen) na babae, at hindi makapagtanghal ng apat na saksi, hagupitin sila ng walumpung hampas, at itakwil ang kanilang pagsaksi ng lubusan, katotohanan sila ay mga Fasiqun (mga sinungaling, palasuway at mapanghimagsik sa Allah).” (Qur’an 24:4)

Ang layunin ng pagtatag at pagpapatupad ng ganitong parusa ay upang pangalagaan at panatilihin ang magandang moral sa lipunan at pangalagaan ang pribadong buhay ng mga inosenteng mamamayan (ang Allah, U, ang higit na nakaaalam). Ang paratang na may bahid ng kasinunglingan ay isang masidhing suliraning panlipunan na nararapat sikaping lutasin at tanggalin sa lipunan. Ang dangal ng tao ay lubhang mahalaga. Sinoman ang magtangkang makialam sa pribadong buhay ng isang mamamayan ay nagkakaroon ng masamang ganti sa iba. Sa ibang pagkakataon, ang masamang paratang ay nauuwi sa krimeng pagpatay, pagpatay sa taong nagsimula ng kaguluhan. Samakatuwid, ang Shariah ay nagtakda ng ganitong parusa laban sa taong nagbigay paratang kung siya ay hindi nakapagbigay ng sapat na patunay sa pangyayari.

Lahat ng uri ng parusa sa Relihiyong Islam ay nagbigay patunay sa pananatili ng karapatan ng tao sa isip, sa gawa at sa paglalarawan ng banal na katarungan at pagkapantay-pantay.

Ang Islam ay hindi nakatuon sa pisikal na parusa lamang kundi ito ay nagbibigay pansin din sa sikolohikal na parusa. Ang maling pagpapahayag (false testimony) ng pagsasakdal, halimbawa ay hindi tatanggapin. Ito ay nagpapahiwatig ng pagiging tiwali, hindi normal at masamang gawa laban sa Batas ng Shariah. Ang tanging pang-unawa na maibibigay sa isang taong nagpaparatang ay ang makita siyang nagsisisi at nagbalik loob sa Allah (U) at binago ng ganap ang kanyang pag- uugali. Muli, ang lahat ng ito ay ginawa upang mapanatili ang mga Karapatan ng Tao. Ang Allah (U) ang higit na nakakaalam.

Ang Islam ay nagtakda rin ng parusa laban sa lahat ng uri ng nakalalasing at naglalako ng bagay na nakalalasing. Ang pag-inom ng alak o paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot ay mayroon ding parusa ayon sa Shariah sa pamamagitan ng hagupit. Malaya ang tao na kumain at uminom ng anumang nais niya. Malaya siyang magdamit sa anumang nais niya ngunit ito ay nararapat na nasa hangganan ng batas ng Allah (U). Ipinagbawal ng Allah (U) ang ilang uri ng inuming nakalalasing, mga laman ng hayop at malalaswang pananamit na nagiging sanhi ng panlipunan at moral na suliranin. Ang Islam ay nagbabawal para sa isang mananampalataya na kumain ng laman ng patay na hayop, dugo ng anumang hayop, ang baboy at mga hayop na kinatay para sa pag-aalay nito sa mga diyos-diyosan. Walang eksaktong parusa sa mga ganitong uri ng pagsuway sa Batas ng Allah (U) ngunit sinoman ang nakagawa ng ganitong pagkakasala ay nararapat na humingi ng kapatawaran sa Allah (U) at magsisi at magbalik loob sa Kanya at lisaning ganap ang ganitong masamang gawa. Ngunit kung siya ay nahuli na hayagang ginagawa ito, siya ay lalapatan ng kaukulang pagdidisiplina batay sa kabutihan ng buong lipunan at mamamayan. Ang tao ay pinagbabawalan ng anumang nakalalasing na inumin na hindi lamang nagbubunga ng masama sa kanyang sariling katawan, isip at pamilya ngunit higit sa lahat, ito ay nagbubunga ng masama sa kabuuan ng lipunan. Kaya nga ayon sa Islam, ang alak at anumang nakalalasing ay tinatawag na “Ugat ng Kasamaan”. Ang paghagupit sa isang manginginom ay itinakdang parusa sa Islam upang bawasan ang paggamit ng mga nakasasamang bagay. Ang layon nito ay upang pangalagaan ang tao at ang kanyang sarili; ang kanyang kayamanan, kaisipan at katawan. At ito ay upang alisin din ang anumang panganib na kasusuungan sa buhay pang moral, kabuhayan, panlipunan ng isang tao. Ang ilan sa mga masamang bunga ng abusong paggamit ng nakalalasing na inumin ay ang mga sumusunod:

  • Ang isang lasing ay maaaring makagawa ng pagkakasalang pakikipag-apid o pangangalunya, at maging panggagahasa sanhi ng pagkalasing.
  • Ang ‘addict’ o taong lulong sa bawal na gamot ay nagiging inutil na mamamayan ng lipunan. Maaaring gumawa ito ng isang imoral na gawain upang makakuha lamang ng mga ipinagbabawal na gamot sa pamamagitan ng pagnanakaw o anumang krimen.
  • Ang kayamanan at panahon ay naaaksaya na nagkakaroon ng masamang bunga sa pamayanan at lipunan.
  • Ang lipunan ay napagkakaitan ng anumang kaunlaran o pagsulong ng dahil sa isang “addict”. Ito ay pagpapahiwatig ng pang-aabuso sa karapatan ng lipunan.
  • Ang isang ‘addict’ ay pansamantalang wala sa kanyang sariling pag-iisip o katinuan. Sa ganitong kalagayan maaaari siyang humantong sa isang malagim na pangyayari. Sinomang tao na nasa ilalim ng ipinagbabawal na gamot ay maaaring umasal na parang hayop at maging makahayop ang mga kilos at ugali. Hindi pinahihintulutan o hinahayaan lamang ng Islam ang ganitong asal. Kaya, ang Islam ay nagpasiya ng isang malawak at pangkalahatang alituntunin ng Shariah na nagtatakda ng kaukulang parusa katumbas ng kasalanang ito. Ang Allah (U) ay nagpahayag ng kaukulang parusa: “Ang kabayaran para sa isang sugat ay isang sugat na katumbas nito (sa antas)…” (Qur’an 42:40)

At sinabi rin ng Allah ymula sa Banal na Qur’an: “At kung parurusahan sila, parusahan sila katulad ng parusang ipinadama nila sa inyo...” (Qur’an 16:126)

TMagkagayunman, ang Islam ay hindi isinasagawa ang parusang ito bagkus iniiwang bukas ang pintuan para sa kapatawaran upang isaalang- alang ang personal na karapatan at pananakit. Ang Allah ay nagsabi: “…Hayaang sila ay patawarin at magpaumanhin. Hindi mo ba nais na ang Allah ay magpatawad sa inyo? Sapagkat ang Allah ay mapagpatawad, ang Maawain.” (Qur’an 24:22)

At ang Allah ay nagpahayag din: “…Ngunit kung ang isang tao ay nagpatawad at gumawa ng pakikipagkasundo, ang kanyang gantimpala ay nasa Allah…” (Qur’an 42:40)


Ang Islam ay hindi naglalayong maghiganti sa isang nagkasala at hindi rin nagtatakda ang Islam ng masakit na parusa ng dahil lamang sa karahasan at kalupitan ng nagkasala laban sa mga mananampalataya. Ang pangunahin at mahalagang dahilan ng parusa ay upang mapanatili ang karapatan ng mga mananampalataya sa Islamikong Lipunan. Naglalayon ding mapanatili ang kapayapaan at kasarinlan at bigyang babala ang sinomang gumagawa ng mga kasamaan na mag-isip muna ng ilang ulit bago isagawa ang mga masasamang gawain laban sa lipunan. Nais ng Islam na linisin ang Lipunang Islamiko mula sa lahat ng uri ng katiwaliang gawain. Kung ang isang mamamatay tao ay napag-isipan na siya ay papatayin sa pagpaslang niya sa isang tao, kung ang isang magnanakaw ay nakapag-isip na ang kanyang mga kamay ay puputulin ng dahil sa pagnanakaw, at kung ang isang nangangalunya ay nakapag- isip na siya ay hahagupitin, kung ang nagpaparatang ay nakapag-isip na siya ay makakalasap ng masakit na parusa ng paghahagupit, silang lahat ay magkakaroon ng takot na gawin ang mga masasamang gawa. Samakatuwid, ang Islamikong Lipunan ay ligtas at mapayapa. Ang Banal na Qur’an ay nagsabi: Sa Batas ng pagkapantay-pantay (Al-Qisas), mayroong (kaligtasan ng) buhay sa inyo, O mga taong nakauunawa; upang kayo ay magkaroon ng sariling pagpipigil.” (Qur’an 2:179)

Maaaring ang iba ay magsabi na ang mga itinakdang parusa sa Islam ay malulupit. Ang kasagutan ay simple lamang: Lahat ng tao ay nagkakaisa na ang mga krimen ay lubhang nakasasama sa lipunan. Lahat ng tao ay nagkakaisa at sumasang-ayon na ang mga krimen ay dapat sugpuin at ang mga taong gumagawa ng kasamaang ito ay dapat parusahan. Magkagayunman, ating ihambing ang katotohanan kung alin ang mabisang paraan para sa pagsugpo ng mga krimen, ang Batas ba ng Diyos o ang Batas na ginawa lamang ng tao?


Ang mga parusa ng Islamikong Batas ay maaaring malupit sa paningin ng mga nakakakita nito ngunit ito ay makatarungan, praktikal at makatuwirang parusa kapag sinuring mabuti. Ang mga Islamikong parusa, sa tulong ng Poong Maykapal (Ang Allah, U) ay sapat upang pawiing ganap ang lahat ng uri ng krimen mula sa Lipunang Islamiko. Ang katuwiran ay nag-uutos at nangingibabaw na bago mag-alay ng kabaitan sa isang kriminal, nararapat na ang karapatan ng biktima ay ipagkaloob at hindi dapat kalimutan. Ang isang masama o tiwali na tao ay dapat tanggalin mula sa lipunan katulad din na ang isang sakit sa katawan ay dapat alisin upang ang katawan ay manatiling malusog at malakas. Ang ilang hindi nakauunawa sa Islam ay nagbigay paratang na ang lipunang Islamiko ay malupit na lipunan. At pinararatangan din na ang mga parusa at batas nito ay malupit. Karagdagan pa nito, ang ibang media ay nagpapalabas at naglalarawan ng mga mamamayang nasa ilalim ng Islamikong Lipunan na putol ang kamay o paa o di kaya ay may permanenteng kapansanan o mga taong hinagupit sa araw araw. Ang iba ay maaaring mag-isip o magbigay haka-haka na ang parusa sa Islam ay isinasagawa at ipinapatupad sa araw araw. Dapat malaman ng lahat, na sa kasaysayan ng Islam, mayroon lamang ilang pagkakataon na ang pagbato hanggang mamatay ang naitala at naipatupad. Ang mga pagkakataong ito ay bihira at isinagawa lamang ng dahil sa kahilingan mismo ng mga nagkasala na umamin ng kanilang pagkakasala at nagpahayag ng pansariling pagnanasang lapatan ng parusang pagbato hanggang kamatayan. Ang mga ganitong tao ay nagnais na maging malinis mula sa kasalanang ito.

Ika-apat na Paratang:

Ang parusa na itinakda ng Islam sa tao na nagpasiyang lisanin ang Islam bilang kanyang pamamaraan ng Buhay, ay tuwirang pagsuway laban sa Karapatan ng Tao. Ang Karapatan ng Tao ay nagbibigay katiyakan ng kalayaan ng Relihiyon sa lahat ng tao. Bukod dito, ang parusa ay sumasalungat sa pahayag ng Banal na Qur’an na nagsasabing: “Walang sapilitan sa pananampalataya (relihiyon)…” (Qur’an 2:256)

Ang Paliwanag at Kasagutan:

Ang Islamikong Shariah ay nagtakda ng parusang ito sa isang tao na tumalikod sa Islam bilang kanyang pamamaraan ng buhay at itinakwil ang lahat ng batas at alituntunin, batay sa Hadith ng Sugo ng Allah y : “Ipinagbabawal na kitlan ng buhay ang isang Muslim maliban kung siya ay nakagawa ng isa sa tatlong bagay, (1) ang lalaki o babae na nagkasala ng pangangalunya, (2) kung siya ay nakapatay ng kapwa niya Muslim, (3) kung siya ay lumisan sa Islam (at hayagan niyang itinakwil ang Islam bilang kanyang pamamaraan ng buhay at hayagan niya itong binabatikos) at lumayo sa kanyang pamayanang Muslim.” (Bukhari at Muslim)

Karagdagan pa nito, batay sa Hadith ng Sugo ng Allah y also said: “Sinoman ang nagbago (tinalikdan ang lslam bilang relihiyon at pamamaraan ng buhay), siya ay dapat patayin.”

Subalit, ating isaalang-alang ang dalawang mahahalagang bagay tungkol sa pagtalikod ng isang tao sa Islam.

  • Ang pagpatay sa isang taong tumalikod sa Relihiyong Islam (apostate) ay nagsasaad na ang taong ito ay binabatikos at tinatakwil niya ang Islam ng hayagan sa publiko. Ang taong tumalikod sa Relihiyong Islam ay katumbas ng pag-aalsa sa ilalim ng Islamikong Lipunan. Kung ang isang tao na “apostate” ay isinaloob at sinarili lamang niya ang pagtalikod sa Islam at hindi niya inihayag ito, hinahayaan na lamang ito sa kapasiyahan ng Allah (U). Ang Allah (U) ang ganap na nakaaalam kung sino ang tunay na naniniwala at tumatakwil sa pananampalatayang Islam. Ang mga Muslim ay pinagbabatayan ang paghuhukom, paglilitis at ibang bagay at ipinauubaya na lamang ang katotohanan sa Allah (U).
  • Ang isang tao na tumalikod sa pananampalatayang Islam ay maaaring bigyan ng tatlong sunod-sunod na araw bilang pagkakataon na bumalik sa ilalim ng Islam. Ang mga maalam (iskolar) na Muslim ay inaatasang magbigay ng paliwanag sa taong ito na ang pagtalikod ay malaking kasalanan sa Allah (U). Kung siya ay nanumbalik sa Islam siya ay malaya ngunit kung siya ay nagpasiyang tumalikod na kabilang ng paliwanag, siya ay lalapatan ng parusang kamatayan. Ang pagkitil sa buhay ng ganitong tao ay isang kaligtasan sa mga mamamayang namumuhay sa ilalim ng Islamikong Lipunan.
  • Ang pagpapahayag ng pagtalikod sa Islam ay hindi tinatanggap sa Shariah sapagkat ito ay nagpapahiwatig na hindi pagbigay galang sa kanyang isinumpang tungkulin at pananagutan sa kanyang pananampalataya. Kung ang isang tao ay hindi niya pinanatili ang kanyang pananagutan sa Islam, siya ay itinuturing na higit na masama kaysa sa isang walang pananampalataya. Ang Allah (U), Luwalhati sa Kanya, ang Kataas-taasan ay nagsabi: “Silang naniwala at pagkaraan ay tumalikod, at (muli) ay naniwala at (muli) ay tumalikod sa pananampalataya, at patuloy sa kawalan ng pananampalataya, sila ay hindi pinatatawad ng Allah at hindi pinapatnubayan sa kanilang landasin.” (Qur’an 4:137)
  • Ang pagtalikod sa Islam bilang pamamaraan ng Buhay ay katumbas ng malisyosong propaganda laban sa Islam. Higit sa lahat, ang pagtalikod sa Islam ay isang malaking kahihiyan sa Lipunan Islamiko at sa pamayanan nito. Ang pagtalikod nito ay magbibigay ng panghihina sa mga mamamayan na sumapi o yumakap sa Islam bilang pamamaraan ng buhay. Ang pagtalikod sa Islam ay nangangahulugan na ang pagyakap niya sa Islam ay isa lamang pagsubok at walang katapatan sa kanyang pananagutan sa pamamaraan ng buhay nito. Samakatuwid, itong pagtalikod niya ay isang tangka ng pag-atake sa Islam sa kanyang kalooban. Kaya, ang parusa nito ay itinakda ng Allah (U), ang ganap na Nakakaalam.
  • Ang Islam, sa kabilang dako, ay nagnanais sa mga ‘apostate’ na pag-isipang mabuti at bigyan ang sarili na pag-aralan ito ng ganap. Sila ay napag-utusang mag-usisa, magsuri at pag-aralang may katapatan ang lahat ng aspeto ng Islam bilang pamamaraan ng buhay bago yumakap sa Islam at manumpa ng kanyang pananagutan. Kung ang pagyakap ay kusang loob, ito ay kaaya- aya at mabuti. Kung hindi naman, ang masakit na parusa ay hindi makapagbibigay ng maliit na pagkakataon para sa isang tao na nais lamang paglaruan ang Islam at nais lamang manubok sa Islam.

Karagdagan dito, hindi itinuturing ng Islam ang pagtalikod sa pananampalataya bilang personal na bagay. Ang pagtanggi sa Islam bilang pamamaraan ng buhay ay hindi pag-iiba o pagbabago ng relihiyon ng isang tumalikod sa Islam (apostate) bagkus ito ay ang di-pagtanggap sa kabuuang batas at pamamaraang buhay ng Islam. Kaya’t ang pagtalikod na ito ay katiyakang makakapinsala at makakasira sa buong sistema at hindi lamang sa isang taong tumalikod sa Islam. Tulad ng naipaliwanag sa una, itinuturing ng Islam ang pagtalikod na ito bilang paghihimagsik o panunuligsa sa loob ng prinsipiyo nito at nag-aanyaya ng katiwalian sa Islamikong pamayanan. Hindi tinatanggap ng Islam ang makasalanang gawain na ito na nagdudulot ng kaguluhan at kasamaan sa pamayanan. Sa katunayan, ito ay walang kaibahan sa mga makabagong prinsipiyong pampolitikal sa ngayon, na nagtuturing bilang isang illegal na gawain ang mga nagku-‘coup- de-tat’ (mga gumagamit ng dahas) o ibang pamamaraan upang mapabagsak ang kasalukuyang pamahalaan. Bukod dito, ang mga panghihimagsik na mga gawain laban sa pamahalaan ay tinuturing na malubha at maselan na siyang kadahilanan ng pagpatay, pagpapakulong at pagtapon sa mga miyembro ng mga nanghihimagsik. Sa katunayan pa nito, ang mga di-sumasang- ayon sa umiiral na prinsipyong pampolitikal ay maaaring pinahihirapan ng labis sa katawan at kaisipan (physically & psychologically) at ang kanilang mga pag-aari o kayamanan ay nakukumpiska. Bukod dito, ang mga miyembro ng pamilya o kamag-anak ng mga nasangkot dito ay sumasailalim at nakararanas ng panliligalig at pang-aabuso.

Ikalimang Paratang:

Ang pagpigil sa babaeng Muslim na mag-asawa ng di-Muslim ay isang pagsuway laban sa karapatan ng tao lalo sa kanyang pansariling kalayaan na nagbibigay laya sa isang tao na mag-asawa sa kaninuman.

Ang Paliwanag at Kasagutan:

Ang Islamikong pangangatuwiran at pang-unawa sa paghihigpit sa kalayaang mag-asawa ay upang mapanatili at mapangalagaan ang pamilya sa Islamikong Lipunan. Ang Islam ay naglalayon na pangalagaan ang pamilya laban sa pagkawasak nito sa pamamagitan ng diborsiyo dahil sa kaibahan ng relihiyon sa pagitan ng mag-asawa. Ang asawang lalaki ay maaaring magpakita ng isang matibay na pahiwatig ng di paggalang sa pananampalataya at prinsipyo ng paniniwala ng asawang babae sapagkat iniisip niya na siya ay higit na dapat mangibabaw at sundin bilang pinuno ng tahanan. Karagdagan pa nito, ang asawang babae ay maaari ding makadama na siya ay mahina at maramdamin tungkol sa kanyang pananampalataya.
Sa tatlong kasong sumusunod ay ipaliliwanag ang dahilan. Magkagayunman, lahat ng tatlong kaso ay nag-ugat mula sa iisang prinsipiyo na ating tinukoy sa naunang pangungusap.

Kaso Bilang 1. Ang lalaking Muslim ay nag-asawa sa isang walang paniniwala sa Diyos. Ipinagbabawal ito ng Islam sapagkat ang Islamikong pananampalataya ay hindi tinatanggap ang kawalan ng paniniwala. Ang buong pamilya ay maaaring patuloy ang pakikipagtalo tungkol sa paksang ito na ang wakas ay diborsiyo. Ang diborsiyo ay isang kinamumuhiang gawain sa paningin na Allah (U). Samakatuwid, hindi iniuutos ng Islam ang pag-aasawa na kung saan ang asawang lalaki ay hindi nagpapakita ng anumang pagsasaalang-alang sa prinsipiyo ng Pananampalataya ng kanyang asawang babae at sa pamilya nito. Kasunod nito, ang suliranin ng pag-aasawa ay mauuwi lamang sa diborsiyo na ang bunga ay pagpanaw din ng islamikong pamilya.

Kaso Bilang 2. Ipinahihitulutan ng Islam ang lalaking Muslim na mag-asawa ng isang Kristiyano o Hudyong babae sapagkat tinatanggap ng Islam ang mensahe ni Hesus bilang Propeta at Sugo ng Allah. Tinatanggap din ng Islam ang mensahe ni Moises bilang Sugo at Propeta ng Allah. Samakatuwid, ang isang Kristiyano o Hudyo ay maaari niyang panatilihin ang kanyang relihiyon na walang mabigat na kahaharaping suliranin. Bagamat, mayroong kaibahan sa Prinsipiyo ng pananampalataya at paniniwala, ang pag-aasawa ay magpapatuloy at ang pamilya ay uunlad kung ang lahat ay maisasaayos sa pagitan ng mag- asawa sa kapahintulutan ng Allah


Kaso Bilang 3. Hindi pinahihintulutan ng Islam na ang babaeng Muslim ay magpakasal sa isang lalaking hindi-Muslim sapagkat ang Kristiyano o ang Hudyo ay hindi tinatanggap ang pagiging Propeta ni Muhammad s Katotohanan, ang isang ganitong tao ay maaaring magsalita ng anumang masasakit na paratang tungkol sa Propeta ng Allah sang ganitong kalagayan ay magbubunga ng galit o suklam sa pagitan ng mag- asawa. Sa bandang huli, ito ay mauuwi lamang sa diborsiyo. Batay rito, pinipigil ng Islam ang pag-aasawa na mauuwi lamang sa diborsiyo.

Ika-anim na Paratang:

Ang pang-aalipin sa Islam ay sumasalungat sa Islamikong Konsepto ng Pagkapantay-pantay ng tao at ganap na kalayaan. Ito rin ay isang panghihimasok sa karapatan ng tao.

Ang Paliwanag at Kasagutan:

TNais naming ilarawan ang katayuan ng Islam laban sa pang-aalipin. Hindi tinatanggap ng Islam ang sistemang pang-aalipin sapagkat ang pagkakaroon ng kakaibang panlipunan at pangkabuhayang kalakaran o kalagayan ng lipunan ang siyang sanhi ng pang-aalipin bago dumating ang Relihiyong Islam. Ang kabuuan ng lipunan, noon, ay umaasa sa sistemang pang-aalipin sa pangangalaga ng kanilang kabuhayan at panglipunang pangangailangan. Katotohanan, ang sistemang pang- aalipin ay hindi lamang laganap sa ‘Arabian Peninsula’ kundi ito ay laganap sa mundo. Karagdagan pa nito, ang sistemang pang-aalipin ay ganap na kinikilala at sinusunod ng mga naunang relihiyon. Ito ay nakasaad sa Bibliya

Pagka ikaw ay lalapit sa isang bayan upang makipaglaban, ay iyo ngang ihahayag ang kapayapaan doon. At mangyayari, na kung sagutin ka ng kapayapaan, at pagbuksan ka, ay mangyayari nga na ang buong bayang masusumpungan sa loob ay magiging sakop mo, at maglingkod sa iyo. At kung ayaw makipagpayapaan sa iyo, kundi makikipagbaka laban sa iyo, ay kubkubin mo nga siya. At pagka ibinigay ng Panginoon mong Diyos sa iyong kamay ay iyong susugatan ang bawat lalake niyaon ng talim ng tabak. Ngunit ang mga babae at ang mga bata at ang mga hayop, at ang buong nasa bayan, pati ng buong nasamsam doon; at kakanin mo ang samsam sa iyong kaaway na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos. Gayon ang iyong gagawin sa lahat ng bayan totoong malayo sa iyo, na hindi sa mga bayan ng mga bansang ito. Ngunit sa mga bayan ng mga taong ito na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos na pinakamana ay huwag kang magtitira ng may buhay sa anomang bagay na humihinga: Kundi iyong lilipulin sila… Sinusunod ng Islam ng unti-unti at ang mahabang pagbabalak na alisin at pawiin ang pang-aalipin mula sa Lipunang Islam. Katulad ng pagbabawal ng lahat ng uri ng nakalalasing na alak. Ang alak at mga inumin nakalalasing ay hindi ipinagbabawal ng Islam kaagad bagkus ito ay ginawa sa marahang hakbangin. Sa unang hakbangin, ang Allah (U), ay nagpahayag mula sa Banal na Qur’an: “Sila ay nagtatanong tungkol sa alak at sugal, Sabihin: “Sa mga ito ay mayroong malaking kasalanan, at mayroong kapakinabangan, para sa tao; ngunit ang kasalanan ay higit kaysa sa pakinabang.” (Qur’an 2:219)

Magkagayunman, nang dahil sa pagtanggap ng mga tao sa Islam bilang kanilang pamamaraan ng buhay at relihiyon, ang Allah (U) ay nagpahayag ng isa pang paalala: “O, kayong mananampalataya! Huwag magsasagawa ng pagdarasal na ang isip ay lango, hanggang inyong maunawaan ang inyong sinasabi...” (Qur’an 4:43)

Kaya, nang ang kanilang pananalig at paniniwala ay naging matibay na sila ay nagsimulang matuto at pag-aralan ang Islam ng maayos, pagpapakita ng paggalang at pagsunod sa mga Kautusan ng Allah at ang mga aral at payo ng Sugo ng Allah yAng Allah (U) ay nagbigay ng ganap na pagbabawal para sa alak at sugal. Ang Allah (U) ay muling nagpahayag: “O kayong mananampalataya! Ang “Khamar” at (lahat ng uri ng inuming nakalalasing, nakalalango at nakakasira ng katinuan ng isip), ang Sugal, ang Al Anzab at Al Azlam (mga palaso sa paghahanap ng kapalaran) ay kasuklam- suklam na gawain ni Satanas. Kaya’t (mahigpit) na talikdan (ang lahat ng gayong kasuklam-suklam na bagay) upang kayo ay maging matagumpay.” (Qur’an 4:43)


Ang Islam ay may sinusunod na patakaran upang pawiin ang pang- aalipin mula sa Islamikong Lipunan. Ang Islam ay hindi agad-agad nag- utos na ganap na alisin ang pang-aalipin bagkus ay matalinong inubos ang lahat ng pinagmumulan ng pang-aalipin. Ang Islam ay naglalayon na maabot ang antas na kung saan ang lahat ng mga gawain ay maglalaho ng ganap. Nagsimula ang Islam sa pamamagitan ng pagpapalaya ng kanilang mga isip at puso. Sila ay inutusang maging matatag, malusog at may kakayahan sa kalooban. Sila ay tinuruang alisin sa kanilang mga sarili ang damdaming panghihina at magkaroon ng dangal sa kanilang mga puso at isip para sa kanilang alipin sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang mga alipin bilang mga kapatid. Ang pang-aalipin ay hindi nanatiling ganap sa Lipunang Islam. Ang Sugo ng Allah yay nagsabi: “Ang inyong manggagawa ay inyong mga kapatid. Iniatang ng Allah sa kanila ang paglilingkod sa inyo. Sinoman ay mayroong isang kapatid na naglilingkod sa kanya, nararapat na ito ay kanyang pakainin katulad ng kanyang kinakain, bihisan katulad ng kanyang pananamit at huwag ipagawa sa kanya ang gawaing hindi kayang gawin. At kung ito ay ipagagawa sa kanila, dapat silang tulungan.” (Hadith Bukhari)
Higit pa nito, itinatag ng Islam ang karapatan ng buhay para sa isang alipin. Ang Sugo ng Allah yay nagsabi: “Sinomang pumatay sa isang alipin ay dapat (din) patayin. Sinomang pumutol ng ilong ng isang alipin, ang kanyang ilong ay dapat ding putulin (bilang parusa) Sinoman ang nag-alis ng ari ng alipin, ang kanyang sariling ari ay dapat ding alisin.” (Hadith Bukhari at Muslim)

Nag-uutos ang Islam sa mga Muslim na maging mabait at mabuti sa kanilang mga alipin at mga katulong. Ang Allah yay nagsabi: “Sambahin ang Allah, at huwag magbigay katambal ng sinoman sa Kanya at gumawa ng mabuti sa inyong mga magulang, kamag- anakan, mga ulila, mga kapitbahay na dayuhan, ang inyong mga kasamahan, ang mga naglalakbay (na inyong makasalubong) at sinomang nasa ilalim ng inyong kapangyarihan; sapagkat hindi minamahal ng Allah ang mapagmataas, ang mapagyabang.” [4:36]

Patunay pa nito, isinasaalang-alang ng Islam ang damdamin ng mga alipin na may dangal kaya naman ipinag-uutos sa mga mayroong alipin na huwag ipadama sa kanilang mga alipin ang kalagayan ng mga ito bilang alipin. Ang Sugo ng Allah yay nagsabi: “Ang isang tao ay hindi dapat magsabi ng ‘Ito ay aking alipin’ o ito ay aking katulong bagkus dapat niyang sabihin na ‘ito ay aking kasamang lalaki o ito ay aking kasamang babae.”

Magkagayunman, ang pagkaalipin, ayon sa aral ng Islam ay nakahangga lamang sa pisikal ng pagka alipin at hindi sa kaisipan o pilosopikal. Ang isang alipin ay may karapatang panatilihin ang kanyang sariling pananampalataya kung nais niyang gawin ito. Karagdagan pa nito, ang Islam ay nagtakda ng pinakamagandang halimbawa ng makataong pagkapantay-pantay sa pamamagitan ng kabutihan o pagkamakadiyos (piety). Samakatuwid, wala sa pagiging malaya o pagiging alipin ang batayan ng makataong pagkapantay pantay maliban sa antas ng kanyang kabutihan at pagkamakadiyos. Ang pagkakapatiran sa Islam ay siyang naging tanikalang umuugnay sa pagitan ng isang alipin at ng kanyang pinaglilingkuran. Ang Islam ay nagbigay pa ng isang hakbangin upang mailarawan ang isang dakilang halimbawa. Nang ang kanyang aliping si Zaid Harithah ay pinakasal sa kanyang pinsang si Zainab Bin Jahsh, isang marangal na babae mula sa angkan ng Quraish. Ang aliping ito ay binigyan din ng isang katayuan bilang lider ng mga mandirigma na binubuo ng mga dakilang kasamahan ng Sugo ng Allah.

Mayroong sinusunod na dalawang pamamaraan upang alisin ang pang- aalipin sa Islamikong Lipunan at tuparin o isagawa ito sa kaaya-ayang pamamaraan upang maiwasan ang anumang di kanais-nais na ibubunga nito sa lipunan. Ang mga pamamaraang ito ay hindi nagbunga ng anumang hidwaan sa lipunan, pagkamuhi na maaaring mamagitan sa ibat ibang antas ng tao sa Islamikong lipunan o kaya naman ay nagkaroon ng masamang bunga sa panlipunan o pangkabuhayang aspeto.


Ang Unang Pamamaraan: Alisin ang anumang pinagmumulan ng Pang-aalipin na laganap sa isang panahon batay sa kasaysayang ng Islam. Ang mga pinagmumulan ng pagkaalipin ay ang mga sumusunod:

  • Iba’t-ibang uri ng digmaan na kapag ang isang panig ay nagapi o nalupig, ang mga mandirigma nito ay maaaring mapatay o madakip, at kasunod ay pagkaalipin ng mga ito.
  • Kung ang isang tao ay may salaping pagkakautang at walang kakayahang bayaran ito, ang taong may utang ay magiging alipin ng pinagkakautangan.
  • Ang mga ama na may gawang ipagbili ang kanilang mga anak, lalaki man o babae.
  • Ang pansariling hangarin. Kung ang isang tao ay may masidhing pangangailangan, kanyang ipinagbibili ang sarili upang makamtan ang kanyang pansariling hangarin.
  • Ang mga gawaing pirata, pang-aagaw (kidnap) ng mga tao. Ang mga ganitong tao ay ginagawang alipin.
  • Ang parusa sa mga krimen sa pamamagitan ng pagpatay, pagnanakaw at pangangalunya na ipinapataw sa mga gumagawa nito. Ang kriminal na tao ay magiging alipin ng biktima o ng pamilya ng biktima.
  • Ang panganganak ng mga babaeng alipin bagamat ang ama nito ay isang malayang tao.

  • Ito ay mga ilan lamang sa pinagmumulang dahilan ng pang-aalipin na matatagpuan sa buong mundo bago pa dumating ang Relihiyong Islam. Kaya naman, ipinagbawal ng Islam ang mga pinagmumulan ng pang- aalipin. May dalawang di-nasasakop sa prinsipyong ito na nalalabi:

    Ang mga nadakip sa panahon ng legal na digmaan na ipinahayag ng isang namumunong Muslim. Gayun paman, hindi lahat ng nadakip o nalupig ay itinuturing na alipin. Ang ilan sa mga ito ay pinalalaya at ang ilan naman ay binabayaran kapalit ng kalayaan. Ito ay batay sa pahayag ng Banal na Qur’an: “Samakatuwid kapag inyong makaharap sa labanan (Jihad- pakikibaka sa landas ng Allah) yaong mga walang pananampalataya, tigpasin ang kanilang mga leeg, hanggang sa kalaunan ang karamihan sa kanila ay inyo nang napatay o nasugatan, inyo silang talian ng panggapos na mahigpit (at gawing bihag). Sa gayon, (makaraan nito) naririto ang sandali ng pagpaparaya (palayain sila ng walang tubos) o patubos (ayon sa kapakinabangan sa Islam), hanggang ang hapdi at hilahil ng digmaan ay mapawi. Sa gayon, kayo ay pinag-utusan (ng Allah na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng Jihad laban sa mga hindi sumasampalataya hanggang sa sila ay yumakap sa Islam, o kaya ay mapabilang sila sa ilalim ng inyong pangangalaga), datapwa’t kung ninanais lamang ng Allah ay magagawa Niya na magapi sila (na wala kayo), ngunit ninanais Niya kayo at ang mga iba. At yaong mga nasawi dahil sa landas ng Allah ay hindi Niya hahayaang ang kanilang mga gawa ay mawalang saysay.” (Qur’an 47:4)
    Bagamat ito ay nangyari sa mga unang panahon ng Relihiyong Islam. Ang mga kaaway ng Islam ay nagtangka na pigilin ang kaunlaran nito at ipinalaganap sa iba. Ang mga di-Muslim noong panahon na yaon ay ginagawang bilanggo ng digmaan ang mga nadakip na Muslim. Ganoon din ang ginawa ng Islam sa mga di-Muslim.
    • Ang namanang alipin, sa kabilang dako, ay isang batang isinilang sa dalawang aliping magulang. Ang ganitong bata ay itinuturing na alipin. Ngunit kung ang nakaanak sa isang babaeng alipin ay ang kanyang pinaglilingkurang amo, ang anak ng ganitong ugnayan ay isang malayang bata na nakaugnay rin ang lahi (lineage) nito sa kanyang ama. Sa ganitong kalagayan, ang babaeng alipin ay tinatawag na “ina ng bata” na hindi pinagbibili o ibinibigay pang regalo bagkus siya ang magiging malaya kapag ang kanyang amo ay namatay.
    • Ang isa pa ay nakaugnay sa pagpapaunlad ng mga pamamaraan ng pagpapalaya mula sa pagkaalipin. Noong simula, ang tanging paraan ng kalayaan ng pagkakaalipin ay kung ito ay pinahintulutan ng kanyang amo na palayain ang isang babaeng alipin. Ang isang alipin, bago pa dumating ang Islam, ay itinuturing na alipin sa buong buhay niya. Ang isang amo na magpapalaya sa kanyang alipin, ay kailangang bayaran siya ng kaukulang pananalapi na pinagkasunduan.

    • Hinihiling ng Islam ang pagpapalaya ng mga alipin sa pamamagitan ng magandang loob o kusang loob ng mga nagmamay-ari ng alipin at ang pagkakaroon ng kasunduan ng mga alipin at ang kanilang mga amo sa pamamagitan ng pagbayad ng kaukulang salapi para sa ganap na kalayaan ng mga ito. Binuksan ng Islam ang lahat ng pamamaraan bago pa man bigyang karapatan ang mga may ari ng alipin na palayain ang kani-kanilang mga alipin ng walang papasaning tungkuling pananalapi at binuksan din ang pagpapalaya ng mga alipin sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbangin at kautusan, gaya ng mga sumusunod:

      • Ang Pagsisisi at Pagbabayad (Atonement) ng Kasalanan:
        Sa pagpaslang ng di sinasadya, ang Islam ay nagtakda ng kabayaran sa pamamagitan ng pagpapalaya ng isang mabuting mananampalatayang Muslim at ito ay karagdagan pa sa pagbabayad ng Diyah (kabayaran sa di sinasadyang pagpatay) sa pamilya ng biktima. Ito ay batay sa isang talata ng Banal na Qur’an: “Hindi nararapat na ang isang mananampalatayang Muslim ay patayin ng kapwa mananampalatayang Muslim; ngunit (kung ito man ay mangyari) ng dahil sa pagkakamali (di sinasadyang pagkakataon) ang karampatang kabayaran ay ipagkaloob, ipinag-uutos (din) na ang pagpapalaya ng isang alipin ay isakatuparan, at magbayad ng kaukulang salapi sa pamilya ng biktima, maliban kung sila (pamilya ng biktima) ay kusang loob na magpatawad (magpaumanhin)…” (Qur’an 4:92)
      • Ang Pagsisisi at Pagbayad (Atonement) sa Panlalait sa Asawa (Zihar)
        (Ang Zihar ay isang uri ng panlalait ng palagiang sinasabi ng isang lalaki sa kanyang asawa kapag siya ay galit. “Ikaw ay ipinagbabawal na sa akin na makaniig, katulad ng likod ng aking ina.” Ito ay ginagawa noong panahon bago dumating ang Islam at ito ay ganap na ipinagbawal.)
        Ito ay batay sa isang talata ng Banal na Qur’an: “Ngunit sila na nagbigay ng diborsiyo sa kanilang asawa sa pamamagitan ng Zihar (panlalait), (ngunit) pagkaraa’y nagnais bawiin ang salita na kanilang sinambit, (ipinag-utos) na sila ay nararapat na magsagawa ng pagpapalaya ng isang alipin bago mangyari na sila ay kapwa magkaniig; ito ay ipinag-utos na dapat isagawa; at ang Allah ay ganap na nakababatid ng (lahat ) ng inyong gawain.” (Qur’an 58:3)
      • Ang Pagsisisi at Pagbabayad (Atonement) para sa hindi Pagtupad sa Pangako:

        Ito ay batay sa isang talata ng Banal na Qur’an: “Hindi kayo pananagutin ng Allah sa mga walang kabuluhang pangako ngunit kayo ay pananagutin sa mga sinadyang pangako: ang kabayaran nito ay ang pagpapakain ng sampung dukhang tao, batay sa katamtaman na pagkain ng iyong pamilya, o kaya ay bihisan sila o kaya bigyang kalayaan ang isang alipin. Kung ito ay lagpas sa inyong kakayahan, (magkagayon) nararapat na mag-ayuno ng tatlong araw. Ito ang pagbabayad sala ng pagtalikod sa mga pangakong sinumpaan. Tuparin ang inyong mga panunumpa o pangako. Binigyang liwanag sa inyo ng Allah ang Kanyang palatandaan, upang kayo ay maging mapagpasalamat.” (Qur’an 5:89)
      • Ang Pagsisisi at Pagbabayad para sa Pagtigil sa Pag-aayuno sa panahon ng Ramadhan:

        Ito ay batay sa isang salaysay na nangyari sa isang tao na tumungo sa Sugo ng Allah yat nagsabing: “O Sugo ng Allah, ako ay nagkasala.” Ang Sugo ng Allah ay nagtanong sa tao, Bakit? Ang tao ay nagsabi sa Sugo ng Allah na siya ay nakipagniig sa kanyang asawa sa araw ng pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan. Ang Sugo ng Allah ay nagtanong,”Mayroon ka bang alipin na maaaring palayain? Ang tao ay umiling. Muli, ang Sugo ng Allah ay nagtanong, “Ikaw ba ay may kakayahang pananalapi upang magpakain ng anim na pung taong dukha? Ang tao ay nagsabi na wala siyang kakayahan. Habang ang lalaking ito at ang ibang naroroon ay nangakaupo, isang basket na puno ng sariwang datiles ang ipinagkaloob sa Sugo ng Allah. Hinanap ng Sugo ng Allah ang lalaki na nakagawa ng bawal na pakikipagniig sa asawa sa panahon ng Ramadhan at ito naman ay lumapit sa kanya. Ang Sugo ng Allah ay nagsabi sa kanya, “Dalhin mo ang mga datiles na ito at ipamigay mo sa mga mahihirap bilang iyong kawanggawa upang mabayaran (ang kasalanang pakikipagtalik sa buwan ng pag-aayuno). Ang lalaki ay sumagot, “O, Sugo ng Allah, Isinusumpa ko sa Allah na walang higit pang mahirap sa buong lungsod ng Madinah maliban sa aking pamilya.” Nang marinig ito ng Sugo ng Allah, siya ay tumawa na halos nakita ang kanyang bagang at kapagdakay nagsabi: “Samakatuwid, dalhin mo ang datiles na ito at ipakain sa iyong pamilya.”
        Kung sakaling ang isang nagkasala ay wala namang alipin, siya ay nararapat na bumili ng isang alipin at pagkaraan ay nararapat niyang palayain bilang kabayaran sa kanyang kasalanan.
      • Ang pagpapalaya ng isang alipin ay pinakamabuting kawanggawa sa Paningin ng Allah (U).
        Ito ay batay sa pahayag ng Banal na Qur’an na nagsasabing: “Ngunit siya ay hindi tumahak sa landas na matarik. At ano ang maipaliliwanag mo sa landas na matarik? (ito ay) pagpapalaya ng alipin.” (Qur’an 90:11-13)
        Ang mga aral at mga salita ng Sugo ng Allah y sa paksang ito ay maituturing na mga pampasigla at pagganyak (incentives) sa mga tao upang kanilang palayain ang kani-kanilang alipin para sa landas ng Allah (U). Ang Sugo ng Allah y ay nagsabi: “Sinoman ang nagpalaya sa isang alipin ay magkakamit ng gantimpala ng pagpapalaya ng isa sa bahagi ng kanyang katawan mula sa apoy ng Impiyerno.” (Hadith Muslim)
        Karagdagan pa nito, ang Sugo ng Allah y ay nagsabi: “Dalawin ang maysakit, pakainin ang nagugutom at palayain ang nagdurusang alipin.” (Hadith Bukhari)
      • Ang Pagpapahayag ng Pagpapalaya sa isang Alipin
        Kung ang nagmamay-ari ng alipin ay nagpahayag o nagbigay ng isang salita ng pagpapahiwatig ng pagpapalaya sa kanyang alipin maging ito man ay isang pagbibiro, ang isang alipin ay kagyat na malaya. Ito ay batay sa isang Hadith ng sinabi ng Sugo ng Allah y: “Mayroong tatlong bagay na kapag ito ay inyong sinabi maging ito man ay biro o tutoo, kayo ay nangako sa inyong sarili na dapat ninyong tuparin. Ito ay ang: pagdidiborsiyo sa inyong asawa, pagtanggap ng kasal (sa isang babae) at ang pagpapalaya ng isang alipin.” (Hadith Bukhari)
      • Ang Pagpapalaya sa isang Alipin sa pamamagitan ng Huling Habilin.
        Isa sa pamamaraan ng pagpapalaya sa isang alipin ay sa pamamagitan ng pagbanggit sa Huling Habilin ng isang malapit ng mamatay. Ang Huling Habilin ay maaaring nakasulat, ipinahayag sa pamamagitan ng salita, o paghabilin sa isang pinagkakatiwalaang tao. Kung ang amo ay nagpahayag sa anumang pamamaraan na ang kanyang alipin ay malaya na kapag siya ay namatay, ang kalayaan ng kanyang alipin ay makakamit niya pagkaraang ang amo ay namayapa na. Samakatuwid, bilang paunang paalala, ang Relihiyong Islam ay nagpipigil na ipagbili o ipamigay ang naturang alipin pagkaraang ipahayag ng kanyang amo ang kasunduang pagpapalaya nito. Kung ang aliping babae ay pinagkalooban ng ganitong pangako at siya ay nagkaroon ng pakikipagtalik sa kanyang amo, ang anak na naging bunga ng pakikipagtalik ay ganap na malaya rin sa oras na siya ay isilang. Magkagayun, ang babaeng alipin ay hindi maaaring ipagbili o ipamigay sa kaninuman bagkus siya ay nararapat na bigyang laya.
      • Ang Pagpapalaya ng Alipin Bilang Zakah.
        Ito ay batay sa Banal na Qur’an na nagbibigay kautusan tungkol dito: “Ang As-Sadaqat (ito ay nangangahulugan ng katungkulang kawanggawa, gaya ng Zakah) ay para lamang sa mga Fuqara (mga mahihirap na hindi nagpapalimos) at sa mga Masakin (sa mga mahihirap na nagpapalimos), sa mga nangangasiwa upang mangalap (ng mga Zakah), sa mga tao na ang puso ay nahihilig sa Islam, at para sa pagpapalaya ng mga bihag (alipin), sa mga may pagkakautang, para sa mga nakikipaglaban para sa landas ng Allah (mga Mujahidun), sa mga naglalakbay (na walang mahanapan ng tulong); na ito ay katungkulang itinalaga ng Allah, at ang Allah ay Ganap na Nakakaalam, ang Sukdol sa Karunungan.” (Qur’an 9:60)
      • Ang Kabayaran ng Pagsampal sa Mukha ng Alipin.
        Nararapat na bigyang kalayaan ang isang alipin kung siya ay nakaranas ng pagsampal mula sa kanyang among pinaglilingkuran. Batay sa Hadith ng Sugo ng Allah “Sinoman ang nanampal o nanakit sa kanyang alipin sa (bahagi ng) mukha nito, ay nararapat na magbayad ng pagkakasala sa pamamagitan ng pagpapalaya sa kanya.” (Hadith Bukhari)
      • Ang Kasunduan ng Alipin at ng kanyang Pinaglilingkuran.
        Ito ay tungkol sa isang situwasyon na ang isang alipin ay humingi ng isang kahilingan sa kanyang amo na bilhin nito ang kanyang kalayaan sa pamamagitan ng pagbayad ng kaukulang salapi na kapwa nila pinagkasunduan. Kapag ang isang alipin ay humingi sa kanyang amo ng isang kasunduang pagpapalaya, ang kasunduang ito ay nararapat na isakatuparan. Sa ganitong pamamaraan, ang isang alipin ay mayroong kalayaan na mamili, magtinda, makipagkalakalan at maghanapbuhay upang makapag-ipon ng sapat na salaping ibabayad para sa kanyang kalayaan. Magkagayun, ang pagtratrabaho niya sa kanyang amo ay nangangailangan din ng kaukulang sahod. Karagdagan pa nito, ang Islam ay nananawagan mula sa mga mayayamang Muslim at sa Islamikong Lipunan na magbigay kawanggawa para magkaroon ng kakayahang mabigyang laya ang isang alipin. Ang Banal na Qur’an ay nagpahayag: “Sinoman ang nanampal o nanakit sa kanyang alipin sa (bahagi ng) mukha nito, ay nararapat na magbayad ng pagkakasala sa pamamagitan ng pagpapalaya sa kanya.” (Qur’an 24:33)

      Sa maikling salita, hindi pinahintulutan ng Islam ang pang-aalipin bagkus ito ay nagtatag ng mga batas at alituntunin na nagbigay ng malaking tulong upang higpitan ang mga pinagmumulan ng pang-aalipin at tinutulungan ang mga alipin upang maging malaya habang buhay.

      Ang ‘Ministry of Justice’ sa Kahariang Saudi Arabia (Kingdom of Saudi Arabia) ay nagtatag ng tatlong pagtitipon (symposium) sa buwan ng Safar (taong 1982). Ang ministro ng Hukom at ang mga mapananaligang iskolar at guro sa mga mataas na pamantasan ay lumahok kasama ng apat na kilalang iskolar sa bansang Europa:

      • Ang dating Foreign Affairs Minister ng Ireland at ang Kalihim ng European Legislation Committee;
      • Isang kilalang iskolar ng Oriental at isang guro ng Islamic Studies.
      • Isang pinagpipitaganang iskolar ng Batas at Director ng Human Rights Magazine na inilalathala sa Pransiya.
      • Ilang kilalang mambabatas ng Appellate Court ng Pransiya.

      Ang mga iskolar ng Kahariang Saudi Arabia ay nagpaliwanag tungkol sa konsepto ng Islam bilang pamamaraan ng Buhay sa paraang paghahambing ng iba’t-ibang konsepto ng ibang mamamayan, paglalarawan ng mga pangunahing batas ng Islam at ang Shariah at ang mga detalyadong batas ng mga pangunahing kautusan at prinsipiyo. Ang mga iskolar ay nagpaliwanag din tungkol sa Shariah na siyang nagpapanatili para sa kabutihan ng mga mamamayan. Ipinaliwanag din nila ang kahalagahan, ang kabutihan at magandang bunga ng mga parusa sa Islamikong Batas. Ipinaliwanag nila na ang mga parusa ay sadyang makatuwiran upang mapanatili ang kapayapaan, kaligtasan at kapanatagan ng lipunan. Ang mga parusang ito ay nagpapababa ng bilang ng mga krimen sa lipunan.

      Ang mga taga Europa ay nagpahayag ng paghanga sa mga paliwanag na ipinagkaloob ng mga Muslim iskolar na tumalakay sa iba’t-ibang parusa. Karagdagan pa nito, hinangaan nila ang konsepto ng Karapatan ng tao sa Islam.

      Si Ginoong Mile Pride, ang pinuno ng European delegasyon ay nagsabi: “Mula rito sa lugar na ito at mula dito sa bansang Islamiko, ang karapatan ng Tao ay nararapat na ipahayag at ipalaganap sa lahat ng tao sa buong mundo. Ang mga Muslim iskolar ay nararapat na ipalaganap ang mga di pa nalalamang karapatan ng tao sa iba’t ibang bansa. Katunayan, dahil sa kamangmangan tungkol sa mga karapatan ng Tao at kapos na kaalaman tungkol sa mga karapatang ito, ang dangal ng Islam at ang batas ng Islam at pamamahala nito ay nasisira sa mata ng ibang bansa.”