Unang Paratang : Maling kuru-kuro tungkol sa Shari'ah (Islamic Law)

Ang Shariah, na inihandog ni Propeta Muhammad mula pa noong labing apat na siglo ang nakaraan ay mahigpit, sa ngayon, sa karapatan ng Tao. Ang Islamikong Shariah sa ngayon ay isang di-nakauunlad na relihiyon na hindi angkop sa nagbabagong kabihasnan ng makabagong daigdig, na nagbibigay na malaking kapakinabangan sa pangangailangan ng tao.

Ang Paliwanag at Kasagutan

Ang Islam ay iba kaysa sa mga naunang relihiyon. Ang mga nagdaang relihiyon ay humahalaw lamang tungkol sa pang-ispirituwal na buhay- ang ugnayan ng tao at ang kanyang Tagapaglikha-Ang Allah (Diyos na Makapangyarihan). Samantalang, ang Islamikong Shariah ay malawak, ganap at angkop sa nagbabagong takbo ng buhay sapagkat ito ay umaayon sa bawat panahon, sa bawat pook at bawat lahi o angkan ng tao.

Karagdagan pa nito, ang Islam ay hindi lamang pang-ispirituwal na relihiyon kundi pang-materyal sapagkat ang Islam ay relihiyon na nagsasaayos ng ugnayan ng tao sa kanyang lipunan at maging ugnayan sa ibang tao at ibang bansa. Hindi katulad ng relihiyong Judaismo, ang Islam ay hindi nakahangga sa isang naturang uri ng tao. Ang Islam, hindi katulad ng Kristiyanismo sapagkat ang huli ay nakaugnay kay Hesus (Diyos na Makapangyarihan) na hayagang sinabi na :

“Ako ay hindi isinugo maliban sa mga naligaw na tupa ng Israel.”
Bibliya: Bagong Tipan: Mateo 15:24

At sinabi rin ni Hesus (Diyos na Makapangyarihan) sa kanyang labing dalawang disipulo na kanyang pinili upang ipantay sa labing-dalawang tribo ng Israel.

“Sa kanilang labing-dalawa, si Hesus ay nagtungo at nag-utos sa kanila at sinabing : Huwag kayong tutungo sa landas ng mga Gentiles at sa anumang lungsod ng Samaritans. Ngunit kayo ay magtungo sa mga naligaw na tupa ng Israel.”
Bibliya: Bagong Tipan: Mateo 10:5-6

Ngunit ang Islam ay ipinahayag bilang Awa para sa Sangkatauhan. Ang Makapangyarihang Allah ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an:

“Ikaw (o Muhammad) ay Aming isinugo bilang isang Awa para sa lahat ng nilikha.”
Qur’an 21:107

Samatuwid, ang Islam ay binubuo ng dalawang pananaw:

Ang unang pananaw ng Batas ng Shariah at ang mga alituntunin nito ay isinaayos ang ugnayan ng tao sa kanyang Tagpaglikha-Ang Allah (Diyos na Makapangyarihan). Ang Pananampalataya, paniniwala, ibat- ibang uri ng pagsamba at mga batas tungkol sa pamana ay mayroong matatag na batayan na hindi maaaring baguhin, dagdagan o sirain. Ang mga ito ay permanente at matatag na batayan maging sa anumang panahon, sa kaninumang tao at saan mang lugar at pagkakataon o pangyayari.

Halimbawa, ang pagdarasal (Salah), ito ay mayroong sariling patakaran, ritwal at alituntunin. Walang sinoman ang makapagpapabago ng mga prinsipiyo ng Pagdarasal. Halimbawa pa ay ang Zakah, ito ay permanente rin at matatag at di maaaring baguhin. Karagdagan pa nito, ang Batas sa Pamana- ang mga taong nararapat tumanggap ng pamana mula sa kanilang magulang, kapatid, amain at ibang kamag-anakan, sila ay mayroong permanenteng bahagi ng pamana na walang makapagpapabago nito ng sinoman sa ilalim ng Lipunang Islamiko. Ganyan din ang ibang uri ng pagsamba sa Islam.

Ang ikalawang pananaw ng Batas ng Shariah ay nauukol sa pagsasaayos ng ugnayan ng tao sa kapwa tao at sa kanyang lipunan. Ito ay tuwirang ugnayan ng tao sa kapwa tao at pamayanan. Ang mga alituntunin at kautusan nito ay nakatala sa pangkalahatang anyo sa Batas ng Shariah. Ang detalyeng pamamaraan ay hinayaan upang ito ay iugma sa nagbabagong kaunlaran ng lipunan.

Sa ikalawang pananaw na ito ang mga alituntunin o regulasyon ay maaaring baguhin o isunod sa mahigpit na pangangailangan ng lipunan subalit ang pagbabago nito ay nararapat na sumailalim sa mga marurunong (paham) at mapananaligan sa larangan ng Shariah. Ang Shura, ang prinsipiyo ng Sanggunian ay isang halimbawa. Ang prinsipiyo ay binanggit ng Qur’an ngunit hindi binigyang detalye ang pagsasagawa at pagpapatupad nito sa lipunang Islam.

Ang pinto ay bukas para sa mga paham at mapananaligang Muslim (scholar) na suriin, at pag-aralang mabuti ang suliranin batay sa Sanggunian at para sa ikabubuti ng mamamayan, lipunan at pamayanan batay sa kanilang pangangailangan bawat panahon at bawat lugar. Halimbawa, anumang angkop sa isang henerasyon ay maaaring di angkop sa isang henerasyon. Ang pamamaraan ng pagsusuri ng mga scholar ay isang paglalarawan lamang kung gaano kalawak ang sakop ng Islam sa lahat ng panahon at lugar.