Ikalawang Paratang : Maling kuru-kuro tungkol sa Rights of Non- Muslim

Ang ibang tao na hindi ganap na nakauunawa sa katotohanan ng Islam na maaaring sila ay scholar o kaaway ng Islam, ay nagpaparatang na ang Islam ay walang paggalang sa Karapatan ng Babae. Ang walang paggalang na ito, na kanilang sinasabi, ay hayag na sumasalungat sa Karapatan ng Tao.

Ang Paliwanag o Kasagutan

Ang katayuan ng Shariah sa mga di-Muslim na naninirahan sa Islamikong Lipunan, ay matuwid at malinaw. Ang Qur’an at maging ang Sunnah ng Propeta Muhammad ay naglalarawan na ang kalayaan ng relihiyon ay nakahanda sa lahat ng kasapi ng lipunan (mamamayan) sa ilalim ng Pamahalaang Islamiko. Hindi kinakailangan ng Islam ang sapilitang pagyakap ng sinomang di-Muslim sa Relihiyong Islam. Ang Banal na Qur’an ay nagpaliwanag tungkol dito:

“Kung niloob lamang ng inyong Panginoon, silang lahat sa buong mundo ay tunay nga na maniniwala! Pipilitin mo bang maniwala ang sangkatauhan ng laban sa kanilang kalooban?”
Qur’an 10:99

Ang kalakalang pakikipag-ugnayan sa mga di-Muslim ay pinahihintulutan sa Lipunang Islamiko. Ang pagkaing ipinag-uutos sa kanila ay pinahihintulutan din para sa mga Muslim. Katotohanan pa nito, pinahihintulutang pakasalan ng isang Muslim ang isang babaeng Hudyo o Kristiyano. Alalahanin na ang Islam ay nagbibigay payo ng isang mabuting pangangalaga sa pagtatatag ng isang kaaya-ayang pamilya ngunit sa kabila nito ang Islam ay nagbigay pahintulot na maaaring pakasalan ng lalaking Muslim ang babaeng Hudyo o kristiyano. Ang Banal na Qur’an ay nagsabi:

“Sa araw na ito pinahihintulutan ang lahat ng bagay na mabuti at malinis para sa inyo. Ang pagkain ng mga Angkan ng Kasulatan (Kristiyano o Hudyo) ay pinahihintulutan para sa inyo at ang inyong (pagkain) ay pinahihintulutan sa kanila. Pinahihintulutan sa inyo (ang pag-aasawa) mula sa malilinis na babae na may pananampalataya sa Islam at ang malilinis na babae mula sa Angkan ng Kasulatan, na ipinahayag sa kanila na nauna sa inyong panahon, at kung inyong naibigay ang karampatang handog na salapi o iba pa (mahar), sa mga naghangad ng kalinisan at hindi gumawa ng bawal na pakikipagtalik (pangangalunya) at hindi pumasok sa pakikiapid. At sinuman ang hindi sumampalataya sa kaisahan ng Allah at sa ibang Haligi ng Pananampalataya, magiging walang saysay ang kanyang mga ginawa, sa Kabilang Buhay siya ay kabilang sa mga nangaligaw at mga talunan (mawalan ng kabuluhan ang lahat ng kabutihang pang-Ispirituwal).”
Qur’an 5:5

Karagdagan pa nito, ang Allah (Diyos na Makapangyarihan) ay nagpahayag:

“Hindi ipinagbabawal ng Allah ang makipag-ugnayan o makitungo ng may katarungan at kabaitan sa mga taong hindi nakikipaglaban sa inyo (tungkol sa inyong Pananampalataya) at silang hindi nagtataboy sa inyong mga tahanan: sapagkat minamahal ng Allah ang mga makatarungan.”
Qur’an 60:8

Subalit, ang mga di-Muslim na naghahasik ng digmaan laban sa Islam at mga Muslim ay mayroong ibang pakikitungo ayon sa Batas ng Islam. Ang Allah (Diyos na Makapangyarihan) ay nagsabi:

“Ipinagbabawal lamang ng Allah na huwag makipag-ugnayan (makitungo) sa kanila (bilang kaibigan at tagapagtanggol) yaong nakikipaglaban sa inyo (para sa Pananampalataya), at nagtataboy sa inyong mga tahanan at tumutulong sa iba upang kayo ay itaboy na papalayo (mula sa inyong tahanan). Ang gayong pakikipag-ugnayan (pakikitungo) sa kanila ay kamalian.”
Qur’an 60:9

Tunay nga na ang Islam ay nagkaroon ng isang hakbangin tungkol sa kalagayang ito. Ipinahihintulutan ng Islam ang makipagtalakayan sa mga di-Muslim sa larangan ng relihiyon sa paraang kaaya-aya, makatuwiran at magandang pamamaraan. Ang Allah (Diyos na Makapangyarihan) ay nagpahayag mula sa Banal na Qur’an:

“At huwag makipagtalakayan sa mga Angkan ng Kasulatan (Hudyo at Kristiyano) maliban sa paraang kaaya-aya (ng higit kaysa sa pakikipagtalo lamang) hanggang ito ay hindi nagbubunga ng kasamaan (at pananakit); ngunit inyong sabihin: Kami ay naniniwala sa Kapahayagang ipinadala sa amin at yaong (kapahayagan) ipinadala sa inyo; ang aming Diyos at ang inyong Diyos ay Tanging Isa at sa Kanya kami ay yumuyuko (sa Islam).”
Qur’an 29:46

Higit pa rito, ang Allah (Diyos na Makapangyarihan) ay nagbigay aral sa mga kasapi ng ibang relihiyon batay sa Banal na Qur’an:

“Sabihin:’Hindi ba ninyo nakikita (ang mga istatwa, imahen, diyos-diyosan na nililok ng inyong mga kamay) kung ano ang inyong dinadalanginan bukod pa sa Allah ? Ipakita mo nga sa Akin kung ano ang kanilang mga nilikha sa mundo, o di kaya sila ba ay may bahagi (ng karapatan) sa mga kalangitan? Dalhan mo ako ng Aklat (ng Kapahayagan) bago pa man ito o anumang nalalabing kaalaman (kung mayroon pa), kung tunay nga na kayo ay nagsasabi ng katotohanan.”
Qur’an 46:4

Katotohanan pa nito, babanggitin namin ang sinabi ni Sir Thomas Arnold, isang Kristiyanong paham (scholar) na sumulat ng isang aklat na may pamagat na, “Call to Islam” sa pahina 48:

“Batay sa magandang ugnayan naitatag sa pagitan ng Kristiyano at Muslim mula sa mga Arabo, ating mahuhusgahan na ang pamimilit ay hindi isang pangangailangan upang yumakap ang isang tao sa Relihiyong Islam. Ang Propeta Muhammad ay nakilahok sa isang kasunduan mula sa mga tribong Kristiyano. Higit pa rito, si Propeta Muhammad ay binalikat ang tungkuling pangalagaan at pagkalooban ng kalayaan ang mga ito (di-Muslim) na isakatupran ang kanilang mga rituwal na pangrelihiyon. Katotohanan, pinahintulutan nito ang isang pari ng simbahan na gampanan ang karapatan at kapangyarihan nito ng may kapayapaan at kaligtasan.”

Ito ay sapat na upang bigyang liwanag ang maling paratang laban sa karapatan ng tao sa Islam. Sa pangkalahatang pagpapasiya tungkol dito, ito ay nagsasabing: Ang mga di-Muslim ay may karapatan sa anumang karapatang nauukol sa amin (Muslim). Sila (di-Muslim) ay napag-uutusan din kung ano ang iniuutos sa amin (Muslim). Ang pananalitang ito ay nagpapatunay na walang alinlangan na walang pagkakaiba ang sinoman na namumuhay sa ilalim ng Islamikong Lipunan.