Ika-apat na Paratang: Maling kuru-kuro tungkol sa Apostasy

Ang parusa na itinakda ng Islam sa tao na nagpasiyang lisanin ang Islam bilang kanyang pamamaraan ng Buhay, ay tuwirang pagsuway laban sa Karapatan ng Tao. Ang Karapatan ng Tao ay nagbibigay katiyakan ng kalayaan ng Relihiyon sa lahat ng tao. Bukod dito, ang parusa ay sumasalungat sa pahayag ng Banal na Qur’an na nagsasabing:

“Walang sapilitan sa pananampalataya (relihiyon)…”
Qur’an 2:256

Ang Paliwanag at Kasagutan

Ang Islamikong Shariah ay nagtakda ng parusang ito sa isang tao na tumalikod sa Islam bilang kanyang pamamaraan ng buhay at itinakwil ang lahat ng batas at alituntunin, batay sa Hadith ng Sugo ng Allah :

“Ipinagbabawal na kitlan ng buhay ang isang Muslim maliban kung siya ay nakagawa ng isa sa tatlong bagay, (1) ang lalaki o babae na nagkasala ng pangangalunya, (2) kung siya ay nakapatay ng kapwa niya Muslim, (3) kung siya ay lumisan sa Islam (at hayagan niyang itinakwil ang Islam bilang kanyang pamamaraan ng buhay at hayagan niya itong binabatikos) at lumayo sa kanyang pamayanang Muslim.”
Bukhari at Muslim

Karagdagan pa nito, batay sa Hadith ng Sugo ng Allah :

“Sinoman ang nagbago (tinalikdan ang lslam bilang relihiyon at pamamaraan ng buhay), siya ay dapat patayin.”

Subalit, ating isaalang-alang ang dalawang mahahalagang bagay tungkol sa pagtalikod ng isang tao sa Islam.

Ang pagpatay sa isang taong tumalikod sa Relihiyong Islam (apostate) ay nagsasaad na ang taong ito ay binabatikos at tinatakwil niya ang Islam ng hayagan sa publiko. Ang taong tumalikod sa Relihiyong Islam ay katumbas ng pag-aalsa sa ilalim ng Islamikong Lipunan. Kung ang isang tao na “apostate” ay isinaloob at sinarili lamang niya ang pagtalikod sa Islam at hindi niya inihayag ito, hinahayaan na lamang ito sa kapasiyahan ng Allah (Diyos na Makapangyarihan). Ang Allah (Diyos na Makapangyarihan) ang ganap na nakaaalam kung sino ang tunay na naniniwala at tumatakwil sa pananampalatayang Islam. Ang mga Muslim ay pinagbabatayan ang paghuhukom, paglilitis at ibang bagay at ipinauubaya na lamang ang katotohanan sa Allah (Diyos na Makapangyarihan).

Ang isang tao na tumalikod sa pananampalatayang Islam ay maaaring bigyan ng tatlong sunod-sunod na araw bilang pagkakataon na bumalik sa ilalim ng Islam. Ang mga maalam (iskolar) na Muslim ay inaatasang magbigay ng paliwanag sa taong ito na ang pagtalikod ay malaking kasalanan sa Allah (Diyos na Makapangyarihan). Kung siya ay nanumbalik sa Islam siya ay malaya ngunit kung siya ay nagpasiyang tumalikod na kabilang ng paliwanag, siya ay lalapatan ng parusang kamatayan. Ang pagkitil sa buhay ng ganitong tao ay isang kaligtasan sa mga mamamayang namumuhay sa ilalim ng Islamikong Lipunan.

Ang pagpapahayag ng pagtalikod sa Islam ay hindi tinatanggap sa Shariah sapagkat ito ay nagpapahiwatig na hindi pagbigay galang sa kanyang isinumpang tungkulin at pananagutan sa kanyang pananampalataya. Kung ang isang tao ay hindi niya pinanatili ang kanyang pananagutan sa Islam, siya ay itinuturing na higit na masama kaysa sa isang walang pananampalataya. Ang Allah (Diyos na Makapangyarihan), Luwalhati sa Kanya, ang Kataas-taasan ay nagsabi:

“Silang naniwala at pagkaraan ay tumalikod, at (muli) ay naniwala at (muli) ay tumalikod sa pananampalataya, at patuloy sa kawalan ng pananampalataya, sila ay hindi pinatatawad ng Allah at hindi pinapatnubayan sa kanilang landasin.”
Qur’an 4:137

Ang pagtalikod sa Islam bilang pamamaraan ng Buhay ay katumbas ng malisyosong propaganda laban sa Islam. Higit sa lahat, ang pagtalikod sa Islam ay isang malaking kahihiyan sa Lipunan Islamiko at sa pamayanan nito. Ang pagtalikod nito ay magbibigay ng panghihina sa mga mamamayan na sumapi o yumakap sa Islam bilang pamamaraan ng buhay. Ang pagtalikod sa Islam ay nangangahulugan na ang pagyakap niya sa Islam ay isa lamang pagsubok at walang katapatan sa kanyang pananagutan sa pamamaraan ng buhay nito. Samakatuwid, itong pagtalikod niya ay isang tangka ng pag-atake sa Islam sa kanyang kalooban. Kaya, ang parusa nito ay itinakda ng Allah (Diyos na Makapangyarihan), ang ganap na Nakakaalam.

Ang Islam, sa kabilang dako, ay nagnanais sa mga ‘apostate’ na pag-isipang mabuti at bigyan ang sarili na pag-aralan ito ng ganap. Sila ay napag-utusang mag-usisa, magsuri at pag-aralang may katapatan ang lahat ng aspeto ng Islam bilang pamamaraan ng buhay bago yumakap sa Islam at manumpa ng kanyang pananagutan. Kung ang pagyakap ay kusang loob, ito ay kaaya-aya at mabuti. Kung hindi naman, ang masakit na parusa ay hindi makapagbibigay ng maliit na pagkakataon para sa isang tao na nais lamang paglaruan ang Islam at nais lamang manubok sa Islam.

Karagdagan dito, hindi itinuturing ng Islam ang pagtalikod sa pananampalataya bilang personal na bagay. Ang pagtanggi sa Islam bilang pamamaraan ng buhay ay hindi pag-iiba o pagbabago ng relihiyon ng isang tumalikod sa Islam (apostate) bagkus ito ay ang di-pagtanggap sa kabuuang batas at pamamaraang buhay ng Islam. Kaya’t ang pagtalikod na ito ay katiyakang makakapinsala at makakasira sa buong sistema at hindi lamang sa isang taong tumalikod sa Islam. Tulad ng naipaliwanag sa una, itinuturing ng Islam ang pagtalikod na ito bilang paghihimagsik o panunuligsa sa loob ng prinsipiyo nito at nag-aanyaya ng katiwalian sa Islamikong pamayanan.

Hindi tinatanggap ng Islam ang makasalanang gawain na ito na nagdudulot ng kaguluhan at kasamaan sa pamayanan. Sa katunayan, ito ay walang kaibahan sa mga makabagong prinsipiyong pampolitikal sa ngayon, na nagtuturing bilang isang illegal na gawain ang mga nagku-‘coup-de-tat’ (mga gumagamit ng dahas) o ibang pamamaraan upang mapabagsak ang kasalukuyang pamahalaan. Bukod dito, ang mga panghihimagsik na mga gawain laban sa pamahalaan ay tinuturing na malubha at maselan na siyang kadahilanan ng pagpatay, pagpapakulong at pagtapon sa mga miyembro ng mga nanghihimagsik.

Sa katunayan pa nito, ang mga di-sumasang-ayon sa umiiral na prinsipyong pampolitikal ay maaaring pinahihirapan ng labis sa katawan at kaisipan (physically & psychologically) at ang kanilang mga pag-aari o kayamanan ay nakukumpiska. Bukod dito, ang mga miyembro ng pamilya o kamag-anak ng mga nasangkot dito ay sumasailalim at nakararanas ng panliligalig at pang-aabuso.