Ang Karapatan ng mga Manggagawa

Ang Islam ay nagpanukala ng alituntunin at regulasyon para sa mga manggagawa at sa nagpapagawa. Ang pinaglilingkuran, batay sa turo ng Islam, ay kinakailangan makapagpatibay ng isang magandang ugnayan sa kanyang mga manggagawa. Ang ugnayang ito ay nararapat na batay sa pagkapantay-pantay, mabuting pakikisama at pagkakapatiran sa Islam. Ito ay nasasalig sa Hadith ng Propeta ng Allah ;

“Ang iyong manggagawa ay iyong kapatid. Ang Makapangyarihang Allah ay inilagay sila sa ilalim ng iyong pamamahala (para sa iyong kapakanan). Kinakailangan sa namamahala na pakainin ang kanyang kapatid na manggagawa ng pagkaing tulad ng kanyang kinakain, damitan sila tulad ng iyong kasuotan at huwag bigyan ng gawain ng higit sa kakayahan nila, magkagayon, kailangan tulungan sila (kung mabigat para sa kanila ang naiukol na gawain).”
Bukhari

Karagdagan pa dito, pinagtibay ng Islam ang karangalan at dignidad ng mga manggagawa. Ang Propeta ng Allah ay nagsabi:

“Ang pinakamabuting (malinis o dalisay) na hanap-buhay ay ang mga nanggagaling sa marangal (at matapat) na manggagawa.”
Mosnad Ahmad

Bukod dito, ipinapatupad ng Islam sa mga pinaglilingkuran na magtakda para sa kanilang sahod (at magkasundo) sa kanyang manggagawa bago sila magsimula sa gawain.(Baihaqi at Abdul Razzaq in Al-Mosannaf.)

Binigyang katiyakan ng Sugo ng Allah ang mga karapatan ng manggagawa at maging ang sahod nito na tatanggapin. Ang Sugo ng Allah ay nagsabi:

“Ako ay kaaway ng tatlong uri ng tao sa Araw ng Paghuhukom… at ang isang tao na pinagtrabaho ang manggagawa ngunit hindi niya ito (ganap na) binayaran.”